Saturday, March 31, 2012

March 31



March issues of different magazines


MARCH 31
Aliwan Blg. 84, Marso 31, 1947
Tampok sa taklob-pahina ang nobela ni Alfonso Sujeco
na “Ikalimang Utos ng Diyos.”
PASUBALI: Isang malaking pagkakamali ito sapagkat sa Bibliya
ang Ikalimang Utos ng Diyos ay “Igalang mo ang iyong ama at ina.
Ang “huwag kang papatay” ay ang Ikaanim na Utos.”
 
Events that happened on March 31
1521 – First Mass was held in the Island of Limasawa, in Leyte. Magellan officially claimed possession of the lands which he named Archipelago of Saint Lazarus.
1957 – An estimated five million people attended President Ramon Magsaysay’s burial, the biggest ever in Philippine history.


Personalities and celebrities born on March 31:
1860 – Teodoro Sandiko, educator, labor leader and politician – in Pandacan, Manila (d. October 19, 1939)
1884 – Teodoro M. Kalaw, writer, historian, teacher, politician, and Director of the National Library – in Lipa, Batangas (d. December 5, 1940)
1976 – Vice Ganda (real name Jose Marie Borja Viceral), actor-comedian and television host.
2003 – Carl Alexander Acosta, actor, dancer and commercial model – in Calamba City, Laguna.



Ang Balbon ni Rod Santiago
Ang “Balbon” ni Rod Santiago na lumabas sa Pilipino Komiks.
Nasa taklob-pahina ng isyung lumabas noong Marso 31, 2003.
          Isang kakaibang crimefighter superheroine ang character na “Balbon” na nilikha ni Rod Santiago para sa Pilipino Komiks noong 2003. Malakas, nakalilipad at lumalaban sa mga iba’t-ibang makapangyarihang nilalang. Hindi nagkaroon ng katapusan ang kuwentong ito sapagkat tumigil ang Atlas Publishing ng pag-limbag ng Pilipino Komiks noong 2004.
                                                             o     O     o


Rachel Leigh Cook, Tara Reid and Rosario Valentine,
as Josie and the Pussycat, on the cover
of TV Guide magazine March 31–April 6, 2001 issue.
Larawang Tribiya
          The 2001 musical-comedy film Josie and the Pussycats was based of the popular comics series created by American cartoonist Daniel “Dan” S. DeCarlo (1919-2001) and first published in February 1963. The series was adapted into a Saturday morning cartoon by Hanna-Barbera Production in 1970. The film version by Universal Pictures and MGM stars Rachel Leigh Cook as Josie McCoy, Tara Reid as Melody Valentine, and Rosario Dawson as Valerie Brown.
                             o     O     o


Friday, March 30, 2012

March 30



March issues of different magazines


MARCH 30
Tagalog Klasiks Blg. 202, Marso 30, 1957
Tampok sa taklob-pahina ang nobelang “Paso Doble”
na isinulat ni Jaime Vidal at iginuhit ni Tony Caravana.

 
UNANG LABAS
Ang Tsampiyon Komiks ay unang lumabas sa sirkulasyon noong Marso 30, 1957. Sa unang tatlong isyu ay wala pa itong pangalan, at ang makikitang pamagat nito ay ? Komiks. Ang tandang-pananong – “?” – ay ginamit bilang isang paanyaya sa taong-bayan. Nagkaroon ng patimpalak upang hanapan ng pamagat ang komiks na ito, kung saan ang mapipiling pangalan ay magwawagi ng 200-pisong gantimpala. Ang napili ngang pamagat ay “Tsampiyon.”


Mula sa Tsampiyon Komiks, ang unang pahina ng
“Lemuria,” ang nobelang na pinagtambalan nina
Nestor Redondo at Tony de Zuñiga.











Sa Tsampiyon Komiks lumabas ang “Lemuria,” isang makasaysayang pagtatambalan ng dalawang “alamat” sa larangan ng komiks na sina Nestor Redondo at Tony de Zuñiga.









MUKHA NG NAKARAAN
Ang American actress na si Shirley Temple bago sumapit ang kaniyang ika-14 na kaarawan,
sa taklob-pahina ng Life Magazine March 30, 1942 issue.


Events that happened on March 30
1591 – The Spanish government of Manila issued an ordinance prohibiting the wearing of silk and other Chinese fabric.


Personalities and celebrities born on March 30:
1951- Tina Monzon-Palma, journalist and newscaster.




Larawang Tribiya
The daring Sharon Stone on the cover
of Esquire Magazine March 1995 issue.
          Nakilala si Sharon Stone sa pelikulang Basic Instinct noong 1992. Alam niyo ba na 75,000 dollars lamang ang bayad sa kaniya sa naturang pelikula. Subalit sa sequel nito, Basic Instinct 2 (2006), 13.6 million dollars ang ibinayad sa kaniya.
          Noong 1995, tumanggap si Stone ng Golden Globe Award for Best Actress in a Dramatic Motion Picture sa kaniyang pagganap bilang Ginger sa pelikula ni Martin Scorsese na Casino katambal si Robert de Niro. Nominado rin siya sa Academy Award para sa naturang papel. Taong 1995 din ng makasama siya nina Gene Hackman, Russell Crowe at Leonardo diCaprio sa pelikulang The Quick and The Dead. November 1995 naman nang mabigyan si Stone ng “Star” sa Hollywood Walk of Fame.
                                      o     O     o










Thursday, March 29, 2012

March 29

  

Mga komiks (comics) na lumabas sa sirkulasyon sa buwan ng Marso

MARCH 29
Espesyal Komiks Blg. 283, Marso 29, 1965Nasa taklob-pahina ang nobelang-komiks na “Ang Dambuhala ng Sariaya” ni Deo Villegas
na iginuhit ni Abe Ocampo.
 
Events that happened on March 29
1521 – Magellan and Datu Kolambu entered into a blood compact.
1887 – The Noli Me Tangere (Latin for “Touch Me Not”), Jose Rizal’s first novel came off the press.
1942 – The Hukbong Bayan Laban sa Hapon (HUKBALAHAP) was established in Nueva Ecija with Luis Taruc as supremo.
1969 – The New People’s Army (NPA) was established in Tarlac by Jose Maria Sison and Bernabe Buscano. It was initially composed of former members of the Hukbong Magpapalaya ng Bayan (HMB) and recruited youth and student activist. It later became the military arm of the Communist Party of the Philippines.
1988 – High-ranking leaders of the NPA, Romulo Kintanar, Rafael Baylosis, Benjamin de Vera, Maria-Gloria Jopson Asuncion and Mario Asuncion were captured.
1994 – The Philippines’ first link to the Internet was opened at the first International E-mail Conference in Cebu City.




Personalities and celebrities born on March 29:
1984 – Mark Callano Paragua, chess grandmaster (the first Fiiipino grandmaster to obtain a recorded ELO rating of over 2600 (January 2006) – in Marilao, Bulacan.

Stef Prescott on the cover
of Gadgets magazine April 2011 issue



1991 – Stef Prescott (full name Stefanie Marisa Quintos Prescott), actress and model – in Seattle, Washington.













Ang “Ukala” ni Alfredo Alcala
Ang “Ukala” ni Alfredo Alcala sa taklob-pahina
ng Pilipino Komiks Blg. 126, Marso 29, 1952.
          Ang “Ukala (Ang Walang Suko)” ay nobelang-komiks na isinulat at iginuhit ni Alfredo Alcala para sa Pilipino Komiks (1952-1953). Ukala ang pangalan ng pangunahing karakter ng nobela na isang katutubong American Indian noong panahon ng pananakop ng mga Europeans sa Central America. Si Ukala ay “walang suko” (Paunawa: ang pakahulugan ng salitang “suko” rito ay “katapat,” “tayog” o “sukdulan”) na nagpapahiwatig na ang kaniyang tapang at galing ay “walang katapat.”
          Isina-pelikula ito sa titulong Ukala (Ang Walang Takot) ng Sampaguita Pictures sa ilalim ng direksiyon ni Artemio B. Tecson at itinanghal sa Center Theater noong Mayo 22-31, 1954. Itinampok si Cesar Ramirez bilang Ukala. Katambal niya si Alicia Vergel bilang ang kaniyang kapanalig at katipan.
                             o     O     o






Larawang Tribiya
Jane Fonda as Barbarella on the cover of
Life March 29, 1968 issue.
          Ang Barbarella ay isang French science-fiction comic book na orihinal na likha ni Jean-Claude Forest, na ginawa niya para sa V-Magazine noong 1962. Nang lumaon, ito ay inilimbag ni Eric Losfeld sa sariling nitong comic book.
          Si Barbarella ay isang binibining nagkaroon ng maraming pakikipagsapalaran, kadalasa’y seksuwal, sa kaniyang paglalakbay sa sangkalawakan. Ang kuwentong bumabalot sa Barbarella ay isang pambihirang pagsasama ng science fiction at erotica.
          Alam niyo ba na noong 1968, isinapelikula ito tampok si Jane Fonda bilang Barbarella na may English at French version? Sa French version, si Fonda mismo ang nagbitiw ng kaniyang linya sa wikang Pranses. Naging bantog ang bahagi ng pelikulang ito kung saan si Barbarella ay nag-striptease sa zero gravity na halos makita ang buong kahubaran ni Fonda.
          Ginamit din ni Kylie Minogue ang iconography ng Barbarella at muling ginawa ang eksenang zero-gravity striptease sa kaniyang award-winning video para sa awiting “Put Yourself in My Place” (1994).
                             o     O     o






Wednesday, March 28, 2012

March 28


Mga komiks (comics) na lumabas sa sirkulasyon sa buwan ng Marso

 
MARCH 28

Espesyal Komiks Blg. 308, Marso 28, 1966.
Tampok sa taklob-pahina ang kakaiba bagama’t orihinal na nilikhang superhero
ni Rex Guerrero na si Captain Suicide.

 

Marso 28 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Ika-28 ng Marso, 1521 noong marating ni Ferdinand Magellan ang isla ng Limasawa. Nang sumunod na araw ay nakipag-sanduguan (blood compact) siya kay Datu Kolambu, ang pinuno ng mga katutubo sa isla.
                                                          o     O     o

          Natapos ni Dr. Jose Rizal ang kaniyang ikalawang nobelang El Filibusterismo sa Biarritz, France noong Marso 28, 1891.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on March 28:
1926 –  Virgilio Puruganan Redondo, komiks writer and artist –  in San Esteban, Ilocos Sur(d. April 13, 1997).
1945 –  Rodrigo Roa Duterte, lawyer, public official, congressman and 16th president of the Philippines, Maasin, Southern Leyte.

President Rodrigo "Digong" Duterte on the cover of People Asia, July 2016.

1956 – Ariel Querubin, military officer.
1976 – Roselle Nava, multi-platinum soprano singer, actress, TV host and public official – in Paranaque City.
Roselle Nave on the cover of Celebrity World Vol. 4 No. 239, March 11, 1996
 
1984 – Joseph Bitangcol, actor – in pampanga.
1986 – Dion Ignacio (full name Dion Joseph Ignacio), actor and model – in Laguna.


Ang Tsunami

          Alam niyo ba kung paano nabubuo ang tsunami? Ang tsunami ay sunud-sunod na rumaragasang daluyong ng karagatan (traveling ocean waves) na nalilikha ng paggalaw sa ilalim ng karagatan na dulot ng lindol, pagsabog ng bulkan o pagguho ng lupa sa ilalaim ng dagat, o ang pagbulusok ng isang bagay katulad ng malaking tipak ng bato mula sa mataas na bundok o ng meteorite mula sa kalawakan sa ibabaw ng karagatan.
                                                          o     O     o

          Mula ang terminong “tsunami” sa salitang Hapon na ang ibig sabihin ay “harbor wave” o “daluyong sa pampang.” Ito ang ibinigay na tawag ng mga mangingisdang Hapon sa mga mapanirang alon na sumasalanta sa kanilang coastal communities. Subalit iba ang tsunami sa tidal wave. Ang tsunami ay hindi lang isa kundi sunud-sunod na daluyong na rumaragasa sa bilis na 400 hanggang 600 kilometers per hour. Ang tsunami ay hindi “rolling waves” at hindi surfable. Kung magtatangka ang isang surfer na sumakay sa tsunami, lalamunin siya ng mga nag-aalimpuyong daluyong (turbulent waves) nito.
                                                          o     O     o

          Karaniwang ang first wave o unang daluyong ay hindi ang pinakamalaki. Depende ito sa lakas ng pagyanig, layo ng pinanggalingang paggalaw, at lakas ng pagbuwelta ng daluyong.
                                                          o     O     o

          Sa gitna ng karagatan, halos hindi mararamdaman ng malalaking barko ang tsunami. Ito ay dahil sa mababa lamang ang amplitude nito kumpara sa mahabang wavelength. Subalit habang lumalapit sa pampang, tumataas ang amplitude ng tsunami at lumalakas ang puwersa.
                                                          o     O     o

          Ang pinakamataas na tsunami sa recorded history ng daigdig ay naganap sa Lituya Bay, Alaska, noong July 1958. Isang napakalaking tipak ng yelo at bato ang bumagsak sa tubig at lumikha ng tsunami na may taas na 500 metro (1,640 talampakan).
                                                          o     O     o

          Ang pinakamalakas na lindol – Magnitude 9.5 – na naganap sa daigdig noong May 22, 1960, na naganap malapit sa dalampasigan ng South Central Chile, ay lumikha ng isang Pacific-wide tsunami na naging mapaminsala sa malaking bahagi ng Chile at sa ikatlong bahagi ng Pacific Ocean. Umabot ang daluyong nito sa Hilo, Hawaii, sa kalagitnaan ng Pacific Ocean.
                                                          o     O     o

          Sa 9.1-magnitude na lindol naman na naganap sa dalampasigan ng Banda Aceh, Indonesia, noong December 26, 2004, isang 30 metro (100 talampakan) na tsunami ang nalikha. Dahil sa tagal at lakas ng pagyanig, umabot ang tsunami sa East Africa, libu-libong kilometro ang layo. Ang Indian Ocean-wide tsunami na ito na kumitil sa buhay ng humigit-kumulang 200,000 katao ang “deadliest tsunami” sa kasaysayan.
Ang tsunami na naganap sa bansang Japan,
sa cover story na “Apocalypse Now” ng
Newsweek March 28, 2011 issue.
                                                          o     O     o

           Ang Great East Japan Earthquake na may lakas na Magnitude 9.0 na naganap noong March 11, 2011 sa underwater epicenter na 70-kilometero sa silangan ng Oshika Peninsula sa Tohuko, Japan, ay lumikha ng tsunami na may taas na 40.5 metro. Sa lugar ng Sendai, umabot ang rumaragasang alon papaloob ng kalupaan hanggang 10 kilometro. Ayon sa Japan National Police Agency, umabot ang bilang ng mga nasawi sa 15,854, at ang bilang ng nasaktan ay nasa 26,992. Hanggang sa kasalukuyan, 3,155 pa ang nawawalang biktima. Winasak ng tsunami ang 1,095,195 gusali.
                             o     O     o

          Sa Pilipinas, ang tsunami na nilikha ng Magnitude 8.0 na lindol na naganap sa Moro Gulf sa Mindanao noong August 17, 1976, ang itinuturing na pinakagrabe sa kasaysayan ng bansa. Mahigit 8,000 katao ang nasawi sa mga coastal communities ng North at South Zamboanga, North at South Lanao, North Cotabato, Maguindanao, Sultan Kudarat at Sulu Island.
                             o     O     o





The Yellow-Crested Cockatoo on the cover
of World BirdWatch March 1996 issue.
Lar awang Tribiya
          Ang Yellow-crested Cockatoo, na may pangalang-agham na Cacatua sulphurea, ay ibong matatagpuan sa mga kakahuyang bahagi ng East Timor at sa mga isla ng Selawesi at Lesser Sundas ng Indonesia. Tinatawag din ito sa pangalang Lesser Sulphur-crested Cockatoo.
          Alam niyo ba na ang ibong alaga ng bidang si Detective Tony Baretta (ginampanan ni Robert Blake) sa dating television series na Baretta ay isang Yellow-crested Cockatoo? Ang pangalan ng nagsasalitang ibon ay Lessor.
          Ang Yellow-crested Cockatoo ay critically endangered o lubhang nanganganib ng maubos ang lahi. Sa kasalukuyan ay halos 2,500 ibon na lamang ang nalalabi at patuloy na nangangaunti dahil sa illegal bird trade.
                             o     O     o








Tuesday, March 27, 2012

March 27

  
March issues of different magazines

MARCH 27
Health News Vol. 4 No. 169, March 27, 2000
On the Cover: Dutch world-champion swimmer Marcel Wouda
for the cover story “Risky Business: Work-Related Injuries Increasing”

Events that happened on March 27
1900 – General Jose Ignacio Paua surrendered to the American forces.
1907 – Las Piñas became a separate municipality from Parañaque.
1942 – The U.S. Congress amended the Nationality Act of 1940 to allow Filipino veterans to become naturalized American citizens.


Personalities and celebrities born on March 27:
1890 – Ruperto Cadava Kangleon, guerrila leader during the Japanese Occupation, military officer, Secretary of Defense, and senator – in Macrohon, Southern Leyte.
1964 – Jessica Soho (full name Maria Jessica Aspiras Soho), multi-awarded broadcast journalist, news director, documentarist and first Filipino news reporter to win the George Foster Peabody Award (1999) – in San Fernando, La Union.





Bruce Willis on the cover of Rolling Stone 
March 27, 1986 issue.
Larawang Tribiya
          Alam niyo ba kung sa anong ginampanang character unang nakilala si Bruce Willis bago siya nagbida at pumaimbulog sa kasikatan sa unang Die Hard (1988) movie? Ito ay sa papel na David Addison Jr sa television series na Moonlighting (1985-1989) kung saan katambal niya si Cybill Shepherd. Mahigit 3,000 silang nag-auditioned para sa naturang papel at siya ang napili. Sa Moonlighting nakita ang kakayahan ni Willis sa pagganap ng magkahalong comedy at action.
          Alam niyo rin ba na si Willis ay naging isa ring recording artist noong 1980s? Nagkaroon siya ng hit single – “Respect Yourself” – at ang kaniyang album na “The Return of Bruno” ay nagkaroon ng “moderate success.”
                             o     O     o

Monday, March 26, 2012

March 26



ALAM MO BA 'TO?
(Do You Know This?)


March issues of different magazines

MARCH 26
CRAF Klasix Magasin Blg. 5, Marso 26, 1964
Tampok sa taklob-pahina ang dibuho ni Alfredo Alcala
para sa kuwentong “Ang Sinsel ni Pidong”
na iginuhit naman ni Quico Redondo sa mga pangloob na pahina.

 
FACE OF THE PAST
Adam West as Batman (created ni Bob Kane) on the cover of 
TV Guide Magazine March 26-April 1, 1966 issue


Events that happened on March 26
1920 – The Philippine legislature passed Act No. 2921 adopting the official Philippine Flag.



Personalities and celebrities born on March 26:
1867 – Braulio Rivera, nationalist and member of the Katipunan – in Tondo, Manila (d. January 11, 1897)

1996 – Kathryn Bernardo (full name Kathryn Chandria M. Bernardo), actress – Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Kathryn Bernardo on the cover of Bannawag December 19, 2011 issue.




Larawang Tribiya
Hugh Jackman as Gabriel van Helsing on the cover
of Entertainment Weekly March 26, 2004 issue.
          Ang Australian actor na si Hugh Jackman ay nakilala sa mga ginampanan niyang papel sa pelikula katulad ng X-Man Wolverine (X-Men film series), Leopold, Duke of Albany (Kate & Leopold, 2001) at ang monster hunter na si Gabriel van Helsing (Van Helsing, 2004).
          Alam niyo ba na noong 2004, si Jackman ay nagwagi ng Tony Award at Drama Desk Award para sa Outstanding Actor in a Musical? Ito ay mula sa pagganap niya sa Broadway (2003-2004) bilang ang Australian songwriter at performer na si Peter Allen (1944-1992) sa hit musical na The Boy from Oz.
                             o     O     o






Sunday, March 25, 2012

March 25



 
March issues of different magazines

MARCH 25
Kislap Taon 14 Blg. 393, Marso 25, 1976
Tampok sa taklob-pahina sina Nora Aunor, Vilma Santos at Michael Jackson


Events that happened on March 25
1898 – Federico Isabelo Abaya, in the so-called Ikkis ti Candon (Cry of Candon), fought the Spanish colonial government in Candon, Ilocos Sur, and liberated the town.
1945 – Start of amphibious landings of American forces in the Philippines, which is a turning point in the Pacific war during World War II.
1986 – A provisional constitution was put into effect by virtue of Proclamation No. 3 issued by Corazon C. Aquino. She also abolished the Batasang Pambansa (Legislative Assembly).
1990 – The international airport at Laoag City, Ilocos Norte was reopened. It was ordered closed by the Aquino government after the EDSA Revolt to bar any attempt of President Marcos’ return to the Philippines.


Personalities and celebrities born on March 25:
1935 – Gabriel “Flash” Elorde, champion professional boxer, in Bogo, Cebu (d. January 2, 1985).
1938 – Erineo “Ayong” Saquilayan Maliksi, politician – Imus, Cavite.



Ang Nataraja

The 11th century bronze sculpture of Nataraja
(from the national Museum in Madras, India)
on the cover of Time Magazine March 25, 1996
issue, symbolizing the “Transforming India.”
          Sa Hindu mythology, ang Nataraja ay isang paglalarawan ng diyos ng mga Hindu na si Shiva bilang ang cosmic dancer na si Koothan, na nagsasayaw upang gunawin ang walang-bahalang daigdig at ihanda ang paglikha ng punong diyos na si Brahma ng panibagong daigdig.
          Ang katawagan "Nataraja" ay mula sa mga salitang Sanskrit na narta rajan, na ang ibig sabihin ay “panginoon ng sayaw.”
          Alam niyo ba na sa kasalukuyang panahon, pinag-aaralan ng mga physicists gamit ang mga pinakamakabagong teknolohiya at computers ang mga patterns ng cosmic dance -kung anong lihim mayroon ito.
                             o     O     o








 
Larawang Tribiya
Arthur Ashe and his bride Jeanne Moutoussamy
Ashe (barely a month after they were married) on
the cover of Jet Magazine March 25, 1977 issue.
          Si Arthur Robert Ashe (1943-1993) ang kauna-unahang African-American na napiling makasama sa American Davis Cup team at unang black tennis player na nagwagi sa singles competition ng Wimbledon, US Open at Australian Open.
          Noong Pebrero 20, 1977, napangasawa ni Ashe si Jeanne Moutoussamy, isang photographer na una niyang nakilala ng nakaraang apat na buwan. Ang US ambassador para sa United Nation ang nagkasal sa kanila sa UN chapel sa New York City.
                             o     O     o