Saturday, March 3, 2012

March 3



MARCH 3
Prime Weekly Edition Vol. 3 No. 9, March 3, 1988
On the Cover: Commercial model and entrepreneur Catherine de Vela


UNANG LABAS
Unang isyu ng True Experience Stories
(Marso 3, 1988), tampok ang
“Kakila-Kilabot na Gabi ng Lagim”
na iginuhit ni Brix Bartolo.
Ang True Experience Stories ay isang babasahing komiks na unang lumabas sa sirkulasyon noong Marso 3, 1988. Inilimbag ito ng Atlas Publishing Co., Inc. sa ilalim ng patnugot ni Antonio S. Tenorio. Naglalaman ito ng mga kuwentong wakasan na ipinadala ng mga mambabasa. Sa mga unang isyu ng komiks na ito ay itinampok ang “Kakila-Kilabot na Gabi ng Lagim” na isinulat mismo ni A. S. Tenorio at iginuhit ni Ferdee Bambico na naglarawan ng mga karanasan ng mga survivors sa naganap na banggaan sa karagatan ng pampasaherong barkong MV Doña Paz at ng oil tanker na MT Vector sa Tablas Strait sa pagitan ng Marinduque at Mindoro noong Disyembre 21, 1987.
                               o     O     o












Events that happened on March 3
1815 – Start of the Kailianes (common people) Revolt in Sarrat, Ilocos Norte.
1899 – The first issue of La Justicia, the first Filipino-owned newspaper in Cebu, was released.
1907 – The first issue of Balagtas, a worker’s magazine, was released.
 

Personalities and celebrities born on March 3:
1894 – Paz Marquez Benitez, short story writer in English and educator – in Lucena, Quezon Province (d. 1983).
1917 – Carmen Rosales (real name Januaria Constantino Keller), actress – Carmen, Rosales, Pangasinan (December 11, 1991).
Carmen Rosales
tampok sa mga taklob-pahina ng Ilang-Ilang (Mayo 4, 1946)
at Bulaklak (Hiyas ng Tahanan, Marso 3, 1948)
 
1924 – Lilian Velez, actress and singer – in Cebu City (d. June 26, 1948).
Si Lilian Velez (kasama si Serafin Garcia)
mula sa pelikulang G.I. Fever, My Kano!
tampok sa taklob-pahina ng Ilang-Ilang (Disyembre 1, 1946)

1952 – Rudy Fernandez (full name Rodolfo Valentino Padilla Fernandez), award-winning actor – in Manila (d. June 7, 2008).
Si Rudy Fernandez (kasama si Vilma Santos)
tampok sa taklob-pahina ng Tagalog Klasiks  (Enero 31, 1971)
1988 – Patricia Marie Gomez Tumulak, actress, TV host and beauty queen – in Quezon City.
1995 – Maine Mendoza (full name Nicomaine Dei Capili Mendoza), actress-comedienne, singer-songwriter, musician, TV and Internet personality – in Sta Maria., Bulacan.
Maine Mendoza
on the cover of Yes! (September 2016)

 

Ang Unang Filipino Ballerina sa Kirov Ballet
Prima ballerina Lisa Macuja-Elizalde
on the cover of MOD (March 3, 2000).
          Si Lisa Teresita Pacheco Macuja ay ang ipinagmamalaking prima ballerina ng Pilipinas. Noong 1984, siya ay naging kauna-unahang Filipina at banyagang soloist na napabilang sa bantog na Kirov Ballet.
                               o     O     o

















Ang Scientific Name o Pangalang-Agham
          Alam niyo ba kung ano ang scientific name o pangalang-agham? Ang pormal na sistema ng pagbibigay pangalan sa bawat nabubuhay na bagay (living things) ay tinatawag na “binominal nomenclature.” Sa sistemang ito, ang pangalan ng bawat bagay na nabubuhay ay binubuo ng genus name at species name. Bilang halimbawa, ang tao ay nabibilang sa genus na homo at sa species na sapiens, kaya sa binominal nomenclature ang pangalan ng tao ay Homo sapiens. Ito rin ang scientific name ng tao. Ang sistemang ito ay sinimulan ng Swedish botanist na si Carolus Linaeus (1707-1778).
                                                              o     O     o

          Karaniwang ang mga scientific names ay halaw sa mga salitang Latin o mga Latinized na pangalan ng tao o pook. Halimbawa, ang Homo sapiens ay mula sa mga salitang Latin na homo (“tao”) at sapiens (“marunong”). Ang scientific name ng Tamaraw na Bubalus mindorensis ay mula salitang Latin na ang ibig sabihin ay “kalabaw sa Mindoro.”
                                                              o     O     o

          Ang unang letra ng genus name ay laging capitalized, samantalang ang species name ay laging small letters maging ito man ay halaw sa pangalan ng tao o pook. Isang tuntunin din na laging naka-italized ang pagkakasulat ng scientific name. Halimbawa ang species names ng Philippine eagle (Pithecophaga jefferyi), Philippine flying lizard (Draco rizali), ang Waling-Waling (Vanda sanderiana), ang isdang labahita (Acanthurus bleekeri), atbp. ay mula sa pangalan ng tao. Samantalang ang sa African elephant (Loxodontia africana), ang kahoy na kamagong (Dispyros philippinensis), ang prutas na avocado (Persea americana), atbp. ay sa pangalan ng pook.
                                                              o     O     o
 
 
Larawang Tribiya
Angel Locsin on the covers of Cosmopolitan (Philippines) and Manual,
both March 2008 issue.
          Si Angel Locsin (tunay na pangalan, Angelica Colmenares) ay nagtapos ng elementary education sa St. James College sa Quezon City at the high school sa University of Santo Tomas High School. Noong 2007 kumuha siya ng short-course sa fashion design sa Central Saint Martin’s College of Art and Design sa London, England.
                                                                o     O     o




No comments:

Post a Comment