Monday, March 5, 2012

March 5

 
March issues of different magazines

MARCH 5
March 05 (1993): MOD Magazine Vol. XXV No. 1122
On the Cover: Vanessa Padilla Dugenia


Marso 5 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong ika-5 ng Marso, 1901, itinatag ang American Circulating Library sa Manila. Dito nagsimula ang kasalukuyang National Library of the Philippines.
                                                          o     O     o
          Ang mga pinuno ng Communist Party of the Philippines kabilang sina Jose Maria Sison (Chairman ng CPP), Bernabe Buscayno (pangkalahatang pinuno ng NPA), Ruben Alegre (pinuno ng Sparrow Unit) at Alex Buendo (pinuno ng Metro Manila Armed Citizen’s Partisan Group) ay pinalaya mula sa kanilang pagkakapiit sa Fort Bonifacio noong Marso 5, 1986.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on March 5:
1937 – Rolando S. Tinio, poet, dramatist, essayist, educator, actor, and National Artist for Literature (1992), in Tondo Manila (d. July 7, 1997).



Battle of the Champs

Challenger Muhammad Ali and Champion Joe Frazier
before the “Battle of Champs,” on the cover of Life
Magazine March 5, 1971 issue
          Ito ang tawag ng Life Magazine sa unang labanan sa ring ng mga heavyweight boxers na si Muhammad Ali at Joe Frazier sa Madison Square Garden sa New York, noong Marso 8, 1971. Sa paghaharap na ito, si Frazier ang champion at si Ali ang challenger. Pareho silang walang talo. Nagwagi si Frazier ng unanimous decision makalipas ang 15 rounds. Namaga ang panga ni Ali at ito ang kauna-unahan niyang pagkatalo sa kaniyang boxing career. Sa pangalawang paglalaban ni Ali at Frazier noong January 28, 1974, si Ali naman ang nagwagi ng unanimous decision. Sa ikatlong laban na ginanap sa Araneta Coliseum noong October 1, 1975, na binansagang “Thrilla in Manila,” nanalong muli si Ali sa pamamagitan ng technical knockout on the 14th round.
                        o     O     o







Larawang Tribiya
Norwegian actress Liv Ullmann on the cover of
TV Guide Magazine (U.S.) March 5, 1977 issue.
          Si Liv Ullmann ay isang Norwegian actress na ipinanganak sa Tokyo, Japan, at lumaki sa Canada at sa Trondheim, Norway. Nagsimula siya bilang stage actress at nakilala sa kaniyang pagganap bilang Nora sa dula ni Heinrik Ibsen na A Doll’s House. Una siyang lumabas sa New York sa Broadway revival ng I remember Mama noong 1973. Noon ding 1973 siya sumalang sa isang Swedish television drama, ang Scenes From a Marriage, na ginawa ring isang pelikula. Noong 1977, si Ullmann ay nakasama ng mga bigating bituin sa Hollywood katulad nina Dirk Bogarde, James Caan, Michael Caine, Sean Connery, Edward Fox, Elliot Gould, Anthony Hopkins, Gene Hackman, Hardy Krüger, Laurence Olivier, Robert Redford at Maximilian Schell, sa war epic na A Bridge Too Far, Kung saan gumanap siya bilang Kate ter Horst (1906-1992), ang Dutch heroine na tinaguriang “Angel of Arnhem.”
                                                                                          o     O     o


No comments:

Post a Comment