Friday, August 17, 2012

August 17


August issues of different magazines

AUGUST 17
August 17 (1998): Money Asia Magazine Vol. 3 No. 25
On the Covers: A view on “Metro Manila’s P50-B Traffic Mess”

Agosto 17 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Agosto 17, 1945, ipinahayag ni Jose P. Laurel ang pagbuwag sa Republika ng Pilipinas na binuo noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigidig.
                                                                   o     O     o


Personalities and celebrities born on August 17:
1889 – Pablo David Angeles, jurist, lawmaker and statesman – in Bacolor, Pampanga (d. May 16, 1965). 
Carmina Villaroel on the cover of Celebrity World Magazine
October 21, 1996 issue.








 



1975 –Carmina Villaroel (full name Maria Carmina Munoz Villaroel), actress, model and television host – in Laguna.













Si Lagim ni Cris Caguintuan
Ang karakter na likha ni Cris Caguintuan
na si “Lagim” sa taklob-pahina ng Pilipino
Komiks Big. 60 (Setyembre 17, 1949).
          Ang karakter na Lagim ay itinuturing na pangalawang fictional superhero sa komiks sa Pilipinas. Siya ay nilikha ni Cris Caguintuan na kabilang sa mga kuwentong lumabas sa unang isyu ng Pilipino Komiks noong Hunyo 14, 1947. Si Lagim ay lumalaban sa mga puwersang Hapon na ayaw pa ring sumuko matapos ang World War II. Wala siyang maituturing na likas na kapangyarihan. Nanggagaling ang kaniyang lakas sa isang kupya (helmet) na ginawa ng isang nagngangalang Dr. Malasakit. Ang kakaibang kupyang ito ang nagbibigay kay Lagim ng dobleng lakas na ginagamit niya upang ipagtanggol ang mga mamamayan sa mga masasamang tao. Sa kuwento, iniligtas niya ang isang batang nagngangalang Levy na naging matapat niyang kasama. Maliban sa kapa ay may pagkakamukha si Lagim kay Ipo-Ipo, ang kauna-unahang Filipino fictional superhero na nilikha naman nina Lib Abrena at Oscar del Rosario na lumabas sa Magasin ng Pagsilang noong Abril 5, 1947. Ang pagkakaguhit ng kanilang kupya ay magkahawig. Datapuwa’t magkaiba naman ang kanilang kakayahan at kapangyarihan.
                             o     O     o



Darna vs Zumarna
Nasa taklob-pahina ng Darna Komiks Blg 1217
(Agosto 17, 1992) ang “Darna vs Zumarna.”
          Ang “Darna vs Zumarna” ay isa sa mga pakikipagsapalaran ni Darna na hindi si Mars Ravelo ang sumulat. Nagsimula itong lumabas sa Darna Komiks noong 1992, halos apat na taon matapos yumao si Ravelo. Inilabas ito ng Atlas Publishing sa ilalim ng patnugot ni Antonio Tenorio nang may pahintulot ang maybahay ni “Uncle Mars” na si Ginang Lucy Ravelo.
                   o     O     o













Si Reese Witherspoon sa taklob-pahina ng
Entertainment Weekly August 17, 2001 issue.
Larawang Tribiya
          Nagsimulang makilala si Reese Witherspoon sa kaniyang papel bilang Elle Woods sa pelikulang Legally Blonde (2001). Sa pelikulang ito unang biglang lumaki ang bayad kay Witherspoon na umabot ng limang milyong dolyar.
                                      o     O     o



No comments:

Post a Comment