Thursday, March 15, 2012

March 15

 
Mga komiks (comics) na lumabas sa sirkulasyon sa buwan ng Marso


MARCH 15
Tagalog Klasiks Blg. 227, Marso 15, 1958
Nasa taklob-pahina ang likha ni Rico Bello Omagap na “Fantasia"
na iginuhit ni Jose C. Caluag.


Events that happened on March 15:
1646 – Battle of La Naval de Manila. Combined Spanish and Filipino forces defended Manila against Dutch naval attack.
1872 – Spanish Governor-General Rafael de Izquierdo established the Telegraph Practical School in the Philippines.
1941 – First flight of Asia’s first airline, the Philippine Airline (PAL), from Nielson Field in Makati to Baguio City, using a Beechcraft Model 18 NPC-54 and flown by pilot Paul Gunn.
2008 – Manny Pacquiao won via split decision against Juan Manuel Marquez in the fight dubbed “Unfinished Business,” to become the WBC Superfeatherweight champion and the first Asian  four-division world boxing champion.


Personalities and celebrities born on March 15:
1818 – Mariano Alvarez, revolutionary leader and politician – in Noveleta, Cavite (d. August 25, 1924).
1890 – Patricio Dionisio, Bulacan journalist, labor leader and founder of Tangulan, a secret organization of workers and peasants – San Agustin, Hagonoy Bulacan.
1963 – Marilou Arguelles Bendigo, actress, model and 1981 Mutya ng Pilipinas winner – in Davao del Sur.
1989 – Maggie Wilson (full name Margaret Nales Wilson), British-Filipino beauty queen, actress and model – in Bacolod City.
Maggie Wilson on the cover of FHM Philippines 9th Anniversary issue (March 2009)


Larawang Tribiya
Si Boris Karloff tampok sa taklob-pahina ng Life
(March 15, 1968 issue), para sa pag-alaala sa
ika-150 anibersaryo ng nobela ni  Mary Selley
na Frankenstein.
          Ang Frankenstein (buong titulo Frankenstein: or The Modern Prometheus) ay isang nobelang sinulat ni Mary Wollstonecraft Shelly (1797-1851) tungkol sa isang halimaw na nalikha sa pamamagitan ng isang hindi pangkariwang eksperimento sa agham. Sinulat ito ni Shelley noong siya ay 18-taong gulang pa lamang bilang tugon sa isang hamon ng kaniyang mga kaibigan (kabilang na ang kaniyang magiging asawang si Percy Bysshe Shelley) kung sino ang makapagsusulat ng pinakanakatatakot na kuwentong horror. Mula ang kuwento sa napanaginipan ni Shelley na isang siyentista na nakalikha ng “buhay” subalit nanghilakbot sa kaniyang nagawa. Pinanganlan niyang Dr. Frankenstein ang naturang siyentista.
          Unang nailimbag ang Frankenstein noong 1818. Sa unang edisyon nito na lumabas sa London ay hindi nakalagay ang kaniyang pangalan. Ang pangalan ni Shelley ay naitala sa pangalawang edisyon nito na unang lumabas sa France noong 1823. Itinuturing ang nobelang ito bilang isa sa mga unang nobelang science fiction sa kasaysayan ng panitikan.
          Alam niyo ba na marami ang napapagkamalan na si Frankenstein ang halimaw sa kuwento? Sa kuwento ni Shelley, si Dr. Victor Frankenstein ang siyentista na lumikha sa halimaw. Walang pangalan ang halimaw sa orihinal ng kuwento.
          Si Boris Karloff ang nagpasikat ng Frankenstein sa pelikula, kung saan tatlong beses siyang gumanap bilang ang halimaw: Frankenstein (1931), Bride of Frankenstein (1935, at Son of Frankenstein (1939). Datapuwa’t ang unang gumanap na halimaw ay si Charles Ogle sa 1910 version ng Frankenstein. Sa 1931 version, unang inalok si Bela Lugosi (isa pang sikat na horror film actor), subalit tinanggihan niya ito sa kadahilanang ang sobrang make-up umano ay sisira sa bikas ng kaniyang mukha.
          Gumanap din si Boris Karloff bilang Dr. Frankenstein sa dalawang pelikula: House of Frankenstein (1944) at Frankenstein 1970 (1958). Sa ika-150 anibersaryo ng Frankenstein, lumabas si Karloff sa taklob-pahina (cover) ng Life Magazine (March 15, 1968 issue) sa edad ng 80-anyos (tignan ang kalakip na larawan).
                             o     O     o



No comments:

Post a Comment