Thursday, March 29, 2012

March 29

  

Mga komiks (comics) na lumabas sa sirkulasyon sa buwan ng Marso

MARCH 29
Espesyal Komiks Blg. 283, Marso 29, 1965Nasa taklob-pahina ang nobelang-komiks na “Ang Dambuhala ng Sariaya” ni Deo Villegas
na iginuhit ni Abe Ocampo.
 
Events that happened on March 29
1521 – Magellan and Datu Kolambu entered into a blood compact.
1887 – The Noli Me Tangere (Latin for “Touch Me Not”), Jose Rizal’s first novel came off the press.
1942 – The Hukbong Bayan Laban sa Hapon (HUKBALAHAP) was established in Nueva Ecija with Luis Taruc as supremo.
1969 – The New People’s Army (NPA) was established in Tarlac by Jose Maria Sison and Bernabe Buscano. It was initially composed of former members of the Hukbong Magpapalaya ng Bayan (HMB) and recruited youth and student activist. It later became the military arm of the Communist Party of the Philippines.
1988 – High-ranking leaders of the NPA, Romulo Kintanar, Rafael Baylosis, Benjamin de Vera, Maria-Gloria Jopson Asuncion and Mario Asuncion were captured.
1994 – The Philippines’ first link to the Internet was opened at the first International E-mail Conference in Cebu City.




Personalities and celebrities born on March 29:
1984 – Mark Callano Paragua, chess grandmaster (the first Fiiipino grandmaster to obtain a recorded ELO rating of over 2600 (January 2006) – in Marilao, Bulacan.

Stef Prescott on the cover
of Gadgets magazine April 2011 issue



1991 – Stef Prescott (full name Stefanie Marisa Quintos Prescott), actress and model – in Seattle, Washington.













Ang “Ukala” ni Alfredo Alcala
Ang “Ukala” ni Alfredo Alcala sa taklob-pahina
ng Pilipino Komiks Blg. 126, Marso 29, 1952.
          Ang “Ukala (Ang Walang Suko)” ay nobelang-komiks na isinulat at iginuhit ni Alfredo Alcala para sa Pilipino Komiks (1952-1953). Ukala ang pangalan ng pangunahing karakter ng nobela na isang katutubong American Indian noong panahon ng pananakop ng mga Europeans sa Central America. Si Ukala ay “walang suko” (Paunawa: ang pakahulugan ng salitang “suko” rito ay “katapat,” “tayog” o “sukdulan”) na nagpapahiwatig na ang kaniyang tapang at galing ay “walang katapat.”
          Isina-pelikula ito sa titulong Ukala (Ang Walang Takot) ng Sampaguita Pictures sa ilalim ng direksiyon ni Artemio B. Tecson at itinanghal sa Center Theater noong Mayo 22-31, 1954. Itinampok si Cesar Ramirez bilang Ukala. Katambal niya si Alicia Vergel bilang ang kaniyang kapanalig at katipan.
                             o     O     o






Larawang Tribiya
Jane Fonda as Barbarella on the cover of
Life March 29, 1968 issue.
          Ang Barbarella ay isang French science-fiction comic book na orihinal na likha ni Jean-Claude Forest, na ginawa niya para sa V-Magazine noong 1962. Nang lumaon, ito ay inilimbag ni Eric Losfeld sa sariling nitong comic book.
          Si Barbarella ay isang binibining nagkaroon ng maraming pakikipagsapalaran, kadalasa’y seksuwal, sa kaniyang paglalakbay sa sangkalawakan. Ang kuwentong bumabalot sa Barbarella ay isang pambihirang pagsasama ng science fiction at erotica.
          Alam niyo ba na noong 1968, isinapelikula ito tampok si Jane Fonda bilang Barbarella na may English at French version? Sa French version, si Fonda mismo ang nagbitiw ng kaniyang linya sa wikang Pranses. Naging bantog ang bahagi ng pelikulang ito kung saan si Barbarella ay nag-striptease sa zero gravity na halos makita ang buong kahubaran ni Fonda.
          Ginamit din ni Kylie Minogue ang iconography ng Barbarella at muling ginawa ang eksenang zero-gravity striptease sa kaniyang award-winning video para sa awiting “Put Yourself in My Place” (1994).
                             o     O     o






No comments:

Post a Comment