Thursday, April 12, 2012

April 12

 
Mga komiks (comics) na lumabas sa sirkulasyon sa buwan ng Abril

April 12
Tagalog Klasiks Blg. 229, Abril 12, 1958
Tampok sa taklob-pahina ang kuwentong “Berdaderong Ginto”
na isinulat nina Manuel Dante at A. S. Tenorio
At iginuhit ni Federico Javinal


UNANG LABAS
Alam niyo ba na may Filipino superhero character na nagngangalang Captain Suicide? Siya ay likha ni Rex Guerrero sa kaniyang komiks story na “Captain Suicide and His Daredevils.” Iginuhit naman ito ni Rico Rival na na-serialized sa mga pahina ng Espesyal Komiks mula Abril 12, 1965 hanggang Hunyo 6, 1966.
Kakaibang superhero si Captain Suicide mula sa kaniyang alter-ego at kakayahan hanggang sa kaniyang costume. Ang alter-ego niya ay si Roger Vargas na tinaguriang “pinakadakilang sirkero sa buong mundo” (greatest acrobat in the world). Kakaiba ang costume niya na kung ilalarawan ay tila baga pinaghalong bandila ng Pilipinas sa pang-itaas at mala-pajama ng payaso o clown ang pang-ibaba.
Sa pasimula ng istorya, nagtayo si Vargas ng isang gymnasium kung saan tinuturuan niya ng sining ng pagsisirko ang mga kabataan, kabilang na ang kaniyang naging sidekick na si Dino. Mula rito nakabuo siya ng isang pangkat ng mga crimefighters na tinawag niyang “Daredevils.” Dahil sa kanilang galing, walang takot nilang kinalaban ang mga talamak na masasamang tao.
Ang arch-enemy ni Captain Suicide ay ang pinuno ng isang notorious na crime syndicate na nagngangalang Bolgam. 
Si “Captain Suicde,” ang likhang superhero ni Rex Guerrero
na iginuhit ni Rico Rival para sa Espesyal Komiks
(Nasa kaliwa ang unang labas noong Abril 12, 1965,
at sa kanan ang katapusang labas noong Hunyo 6, 1966).


Events that happened on April 12:
1768 – Spanish governor-general Simon de Anda sent a letter to the King Charles III (1716-1788) reporting the irregularities committed by the Spanish friars in the Philippines.


Personalities and celebrities born on April 12:
1970 – Eric Buhain (full name Joseph Eric Buhain), champion swimmer.
1989 – Twins Dominic and Felix Roco, actor – in Cebu.




 Larawang Tribiya
Martyr and champion of the civil rights movement,
Martin Luther King, on the cover of Life Magazine
April 12, 1968 issue, 8 days after his assassination.
          Kilala si Martin Luther King (1929-1968) sa kasaysayan bilang isang African-American activist, religious at civil rights leader. Ang bantog na pangungusap na “I have a dream” (“Mayroon akong pangarap”) ay mula sa kaniyang talumpati sa isang protestang ginanap sa Washington noong 1963.
          Alam niyo ba na noong 1964, si King ay pinagkalooban ng Nobel Peace Prize para sa mga ginawa niya upang matapos na ang racial segregation at racial discrimination sa America sa pamamagitan ng civil disobedience at iba pang mapayapang pakikipagpunyagi. Siya ang pinakabatang nabigyan ng parangal na ito ng panahong yaon. Nakilala siya bilang kampeon ng pakikipaglaban para sa karapatang ng mga mamamayan. Buong tapang niyang isiniwalat ang mga hindi makatarungang ginagawa ng mga Kapitalistang Amerikano sa Asia, Africa at South America.
          Pinamunuan ni King ang protesta laban sa pakikialam ng America sa digmaan sa Vietnam. Sa isang talumpati noong Abril 4, 1969, eksaktong isang taon bago siya paslangin, binansagan niya ang United States government bilang “The greatest purveyor of violence in the world” (“Ang pinakamalaking tagapagpalaganap ng karahasan sa buong daigdig”). Inakusahan pa niya ang pamahalaang Amerikano na pumaslang ng milyong bilang ng mga North Vietnamese, karamihan ay mga musmos.
          Pinaslang si King noong Abril 4, 1968 sa Memphis Tennessee, diumano ni James Earl Ray (1928-1998). Subalit hindi ito pinaniniwalaan ng naiwang pamilya ni King.
                                                         o     O     o




1 comment:

  1. Maganda ang pagkakasulat at maganda rin ang mga cover pages. Galing!

    ReplyDelete