Friday, March 30, 2012

March 30



March issues of different magazines


MARCH 30
Tagalog Klasiks Blg. 202, Marso 30, 1957
Tampok sa taklob-pahina ang nobelang “Paso Doble”
na isinulat ni Jaime Vidal at iginuhit ni Tony Caravana.

 
UNANG LABAS
Ang Tsampiyon Komiks ay unang lumabas sa sirkulasyon noong Marso 30, 1957. Sa unang tatlong isyu ay wala pa itong pangalan, at ang makikitang pamagat nito ay ? Komiks. Ang tandang-pananong – “?” – ay ginamit bilang isang paanyaya sa taong-bayan. Nagkaroon ng patimpalak upang hanapan ng pamagat ang komiks na ito, kung saan ang mapipiling pangalan ay magwawagi ng 200-pisong gantimpala. Ang napili ngang pamagat ay “Tsampiyon.”


Mula sa Tsampiyon Komiks, ang unang pahina ng
“Lemuria,” ang nobelang na pinagtambalan nina
Nestor Redondo at Tony de Zuñiga.











Sa Tsampiyon Komiks lumabas ang “Lemuria,” isang makasaysayang pagtatambalan ng dalawang “alamat” sa larangan ng komiks na sina Nestor Redondo at Tony de Zuñiga.









MUKHA NG NAKARAAN
Ang American actress na si Shirley Temple bago sumapit ang kaniyang ika-14 na kaarawan,
sa taklob-pahina ng Life Magazine March 30, 1942 issue.


Events that happened on March 30
1591 – The Spanish government of Manila issued an ordinance prohibiting the wearing of silk and other Chinese fabric.


Personalities and celebrities born on March 30:
1951- Tina Monzon-Palma, journalist and newscaster.




Larawang Tribiya
The daring Sharon Stone on the cover
of Esquire Magazine March 1995 issue.
          Nakilala si Sharon Stone sa pelikulang Basic Instinct noong 1992. Alam niyo ba na 75,000 dollars lamang ang bayad sa kaniya sa naturang pelikula. Subalit sa sequel nito, Basic Instinct 2 (2006), 13.6 million dollars ang ibinayad sa kaniya.
          Noong 1995, tumanggap si Stone ng Golden Globe Award for Best Actress in a Dramatic Motion Picture sa kaniyang pagganap bilang Ginger sa pelikula ni Martin Scorsese na Casino katambal si Robert de Niro. Nominado rin siya sa Academy Award para sa naturang papel. Taong 1995 din ng makasama siya nina Gene Hackman, Russell Crowe at Leonardo diCaprio sa pelikulang The Quick and The Dead. November 1995 naman nang mabigyan si Stone ng “Star” sa Hollywood Walk of Fame.
                                      o     O     o










1 comment: