Wednesday, March 7, 2012

March 7



MARCH 7

Bulaklak Komiks Blg. 65, Marso 7, 1953
Nasa taklob-pahina ang “Ang Bandolero” na isinulat ni Agustin B. dela Cruz
at iginuhit ni Leonardo Raysag.


Marso 7 sa Kasaysayan ng Pilipinas
          Noong ika-7 ng Marso, 1820, ang mga Spanish ports ay binuksan sa pakikipagkalakalan sa Pilipinas na tatagal ng sampung taon.
                                                          o     O     o

          Ang mga pinuno ng Nationalista Party ay nangampanya upang tutulan ang Parity Amendment noong Marso 7, 1947.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on March 7:
1867 – Tomas A. Remigio, playwright and revolutionary writer – in Sampaloc, Manila (d. August 1, 1916)
1899 – Francisca Reyes Aquino, educator and scholar on Filipino folk dances and music – in Lolomboy, Bocaue, Bulacan (d. November 21, 1984) 

1981 – Rica Peralejo (Regina Carla Bautista Peralejo), actress, singer and television host. 
Rica Peralejo
on the cover of Liwayway (July 26, 1999) and GM (Gentlemen’s Magazine, March, 2002).
Gerard Anderson
on the cover of Total Fitness (July 2012).
 




 
1989 – Gerard Anderson, Filipino-American actor and model – in Subic Bay, Zambales.



 










WIKApedia
Movie ads ng pelikulang Malikmata (2003)
ni Jose Javier Reyes na nagtampok kay 
Rica Paralejo, kasama sina Marvin Agustin
at Dingdong Dantes.
MALIKMATA – Isang ilusyon (illusion). Ginagamit din ang salitang ito (ayon sa aklat na Bagong Diksyunaryong Pilipino-Pilipino ni Julio F. Silverio) bilang kasing-kahulugan ng transpigurasyon (transfiguration) o pagbabagong-anyo, o pag-iibang anyo, at maging anyong likha ng salamangka (magic) o kababalaghan (supernatural). Halaw sa MA(unlaping nagbabadya ng katangian) + LIKha + MATA.
















Chinese leader Deng Xiaoping on the cover
of Asiaweek (March 7, 1997).
Larawang Tribiya
          Si Deng Xiaoping (1904-1997) ay Chinese diplomat, politician at statesman na namuno sa People’s Republic of China mula 1978 hanggang 1992. Utang sa kaniya ng China ang tinaguriang “socialist market economy” at ang pagtataas ng standard of living ng bilyong mamamayan nito. Dahil sa pundasyong itinatag niya napabilang ang China sa “fastest growing economy” at “market leader” sa maraming pangunahing produkto sa buong mundo. Sa kaniyang bayan sa Guang’an, Sichuan Province, ipinagtayo siya ng isang monumento kung saan makikita ang kaniyang estatuwang nakaupo at nakangiti. Pinasinayaan ito noong Agosto 2004 bilang parangal sa kaniyang ika-100 kaarawan.
          Alam niyo bang sa Bishkek, kabisera ng bansang Kyrgyzstan ay makikita ang isang anim na linyang kalsada (25-meter ang luwang at may habang 3.5 kilometers) na pinanganlang Deng Xiaoping Prospekt. Pinasinayahan ito bilang parangal sa kaniya noong Hunyo 1997. Isang dalawang metrong taas na monumento gawa sa pulang granite ang makikita sa silangang dulo ng kalsada. Narito makikita ang isang epigraph ng pag-alaala kay Deng na nasusulat sa wikang Chinese, Russian at Kirghiz.
                                      o     O     o










No comments:

Post a Comment