MARCH 28
|
Espesyal Komiks Blg. 308, Marso 28, 1966.
Tampok sa taklob-pahina ang kakaiba bagama’t orihinal na nilikhang superhero
ni Rex Guerrero na si Captain Suicide.
|
Marso 28 sa Kasaysayan ng Pilipinas
Ika-28 ng Marso, 1521 noong marating ni Ferdinand Magellan ang isla ng Limasawa. Nang sumunod na araw ay nakipag-sanduguan (blood compact) siya kay Datu Kolambu, ang pinuno ng mga katutubo sa isla.
Natapos ni Dr. Jose Rizal ang kaniyang ikalawang nobelang El Filibusterismo sa Biarritz, France noong Marso 28, 1891.
o O o
Personalities
and celebrities born on March 28:
1926 – Virgilio Puruganan Redondo, komiks
ariter and illustrator – in San Esteban, Ilocos Sur (d. April 13, 1997).
1939 – Vic Vargas (real name Jose Maria Marfori
Asuncion, actor and three-time Philippine judo champion (d. July 19, 2003).
|
Vic Vargas (with Amalia Fuentes)
on
the cover of Liwayway (September 10,
1973) |
1945 – Rodrigo Roa Duterte, lawyer,
politician, public servant and 16th President of the Philippines – in Maasin,
Leyte.
|
President Rodrigo Duterte
on the covers of Graphic Philippines (February 23, 2015), Asian Dragon (August 2015),
and Time
(May 23, 2016)
|
1956 – Ariel Oliva Querubin, military
officer and Medal of Valor recipient – Dagupan, Pangasinan.
1976 – Roselle Paulino Nava, multi-platinum
singer known as the “Sentimental Diva” – in Parañaque City.
|
Roselle Nava
on
the cover of Celebrity World (March
11,1996) |
1984 – Joseph
Bitangcol, actor – in pampanga.
1986 – Dion Ignacio
(full name Dionisio Joseph Ignacio), actor and model – in Laguna.
Ang Tsunami
Alam niyo ba kung paano nabubuo ang tsunami? Ang tsunami ay sunud-sunod na rumaragasang daluyong ng karagatan (traveling ocean waves) na nalilikha ng paggalaw sa ilalim ng karagatan na dulot ng lindol, pagsabog ng bulkan o pagguho ng lupa sa ilalaim ng dagat, o ang pagbulusok ng isang bagay katulad ng malaking tipak ng bato mula sa mataas na bundok o ng meteorite mula sa kalawakan sa ibabaw ng karagatan.
o O o
Mula ang terminong “tsunami” sa salitang Hapon na ang ibig sabihin ay “harbor wave” o “daluyong sa pampang.” Ito ang ibinigay na tawag ng mga mangingisdang Hapon sa mga mapanirang alon na sumasalanta sa kanilang coastal communities. Subalit iba ang tsunami sa tidal wave. Ang tsunami ay hindi lang isa kundi sunud-sunod na daluyong na rumaragasa sa bilis na 400 hanggang 600 kilometers per hour. Ang tsunami ay hindi “rolling waves” at hindi surfable. Kung magtatangka ang isang surfer na sumakay sa tsunami, lalamunin siya ng mga nag-aalimpuyong daluyong (turbulent waves) nito.
o O o
Karaniwang ang first wave o unang daluyong ay hindi ang pinakamalaki. Depende ito sa lakas ng pagyanig, layo ng pinanggalingang paggalaw, at lakas ng pagbuwelta ng daluyong.
o O o
Sa gitna ng karagatan, halos hindi mararamdaman ng malalaking barko ang tsunami. Ito ay dahil sa mababa lamang ang amplitude nito kumpara sa mahabang wavelength. Subalit habang lumalapit sa pampang, tumataas ang amplitude ng tsunami at lumalakas ang puwersa.
o O o
Ang pinakamataas na tsunami sa recorded history ng daigdig ay naganap sa Lituya Bay, Alaska, noong July 1958. Isang napakalaking tipak ng yelo at bato ang bumagsak sa tubig at lumikha ng tsunami na may taas na 500 metro (1,640 talampakan).
o O o
Ang pinakamalakas na lindol – Magnitude 9.5 – na naganap sa daigdig noong May 22, 1960, na naganap malapit sa dalampasigan ng South Central Chile, ay lumikha ng isang Pacific-wide tsunami na naging mapaminsala sa malaking bahagi ng Chile at sa ikatlong bahagi ng Pacific Ocean. Umabot ang daluyong nito sa Hilo, Hawaii, sa kalagitnaan ng Pacific Ocean.
o O o
Sa 9.1-magnitude na lindol naman na naganap sa dalampasigan ng Banda Aceh, Indonesia, noong December 26, 2004, isang 30 metro (100 talampakan) na tsunami ang nalikha. Dahil sa tagal at lakas ng pagyanig, umabot ang tsunami sa East Africa, libu-libong kilometro ang layo. Ang Indian Ocean-wide tsunami na ito na kumitil sa buhay ng humigit-kumulang 200,000 katao ang “deadliest tsunami” sa kasaysayan.
|
A
close-up of a raging tsunami,
with
the cover story “Apocalypse Now”
barely
two week after Japan was hit
by
a Magnitude 9.0 earthquake,
on
the cover of Newsweek (March 28,
2011). |
o O o
Ang Great East Japan Earthquake na may lakas na Magnitude 9.0 na naganap noong March 11, 2011 sa underwater epicenter na 70-kilometero sa silangan ng Oshika Peninsula sa Tohuko, Japan, ay lumikha ng tsunami na may taas na 40.5 metro. Sa lugar ng Sendai, umabot ang rumaragasang alon papaloob ng kalupaan hanggang 10 kilometro. Ayon sa Japan National Police Agency, umabot ang bilang ng mga nasawi sa 15,854, at ang bilang ng nasaktan ay nasa 26,992. Hanggang sa kasalukuyan, 3,155 pa ang nawawalang biktima. Winasak ng tsunami ang 1,095,195 gusali.
o O o
Sa Pilipinas, ang tsunami na nilikha ng Magnitude 8.0 na lindol na naganap sa Moro Gulf sa Mindanao noong August 17, 1976, ang itinuturing na pinakagrabe sa kasaysayan ng bansa. Mahigit 8,000 katao ang nasawi sa mga coastal communities ng North at South Zamboanga, North at South Lanao, North Cotabato, Maguindanao, Sultan Kudarat at Sulu Island.
o O o
|
The Yellow-Crested Cockatoo
on the cover of World Birdwatch
(March
1996). |
Picture Trivia
The Yellow-Crested Cockatoo
(scientific name Cacatua sulphurea)
is a bird found in the forest of East Timor and in the islands of Selawesi and
Lesser Sundas in Indonesia. It is also called Lesser Sulphur-Crested Cockatoo.
Do you know that the pet bird of
Detective Tony Baretta (played by Robert Blake) in the television series, Baretta (1975-1978), was a
Yellow-Crested Cockatoo? The name of the said bird was Lessor.
The Yellow-Crested Cockatoo is a
critically endangered species, which is considered in the brink of extinction
due to illegal bird trade. Presently, it estimated that there are only about
2,500 birds remaining.
o O o