Saturday, January 7, 2012

January 7

   

Mga komiks (comics) na lumabas sa sirkulasyon sa buwan ng Enero
   
January 7
(January071950.jpg)
January 07 (1960): Pilipino Komiks No. 0068
On the Cover: New Year Greetings from Pilipino Komiks characters Kalabog and Bosyo, et. al.


Enero 7 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Eneero 7, 1897, isinalang sa court martial sina Antonio Luna, Jose Dizon, Benedicto Nijaga at iba pa sa San Juan de Letran College.
                                                          o     O     o

          Nagsimula ang pananalasa ng Japanese Imperial Army sa Bataan noong Enero 7, 1942 na pilit na ipinagtanggol ng magkasanib na puwersa ng mga Filipino at Amerikano.
                                                          o     O     o

          Nagdeklara ng Martial Law si Pangulong Sergio Osmeña (1878-1961) sa lalawigan ng Nueva Ecija noong Enero 7, 1946.
                                                          o     O     o

          Si Lieutenant Colonel Ramona Palabrica-Go ay naging kauna-unahang babaeng battalion commander sa kasaysayan ng Philippine Army noong Enero 7, 2003, nang siya ay hirangin bilang commander ng Elite Aviation Battalion sa ilalim ng Light Armor Brigade na nakadestino sa Fort Magsaysay sa Laur, Nueva Ecija.
                                                          o     O     o

 

Pinoy personalities and celebrities born on January 7:
1927 – Enrique Zobel(full name Enrique Jacobo Emilio Olgado Zobel), businessman and corporate executive (d. May 17, 2004)
1933 – Crispin Beltran, labor leader and partylist representative – in Manila. (d. May 20, 2008)

1975 – Raffy Tima (birth name Rufino Tima Jr), news reporter, broadcast journalist and television host.


 
UNANG LABAS
Maiden issue (January 2008) of Spiff magazine
Ang Spiff Magazine ng Atlas Publication ay unang lumabas sa sirkulasyon noong January 7, 2008. Ito ay isang magazine na nagtatampok ng temang nauukol sa Call Center Industry at sa mga manggagawa nito. Ang cover story ng maiden issue na “Queue! The Phenomenon That is Call Center” ay isinulat ni Ernee Lawagan, at ang cover concept ay ginawa ni Kevin Sabino.
                                   o     O     o









Larawang Tribiya
Film Ads for the 1977 Orca (left) and the 1978 Jaws 2 (right)
          Sa karagatan, kapag naglabanan ang killer whale o orca at ang great-white shark, alam niyo ba kung sino ang mananalo? Sa pelikulang Orca (1977), natural nanalo ang orca. Sa isang kisap-mata, nahati sa dalawa ang isang malaking great-white shark na sasalakay sana sa isang babae nang sagpangin ito ng orca. Sa pelikula namang Jaws 2 (1978), nanalo ang great-white shark bagama’t hindi ipinakita ang labanan. Natagpuan lamang sa dalampasigan ang bangkay ng isang orca na may malaking sagpang.
          Ang killer whale (Orcinus orca) ay nabibilang sa pamilya ng oceanic dolphin. Ito ay isang “apex predator,” at sa boong karagatan ay walang maituturing na katapat kahit pa ang malalaking pating. Ang great-white shark (Carcharodon carcharias) ay ang pinakamalaking extant macropredatory fish na nabubuhay ngayon.
                                                         o     O     o

No comments:

Post a Comment