Monday, January 9, 2012

January 9

  
Mga komiks (comics) na lumabas sa sirkulasyon sa buwan ng Enero

January 9
January 09 (1974): Hiwaga Komiks No. 0594
On the Cover: Actress Leila Hermosa


Enero 9 sa Kasaysayan ng Pilipinas


          Ang American liberation forces sa ilalim ng pamumuno ni General MacArthur ay dumaong sa Blue Beach, sa Dagupan City, Pangasinan, noong Enero 9, 1945.
                                                          o     O     o

          Itinatag ang Barter Trade Zone sa Mindanao sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 93 noong Enero 9, 1973.
                                                          o     O     o


Pinoy personalities and celebrities born on January 9:
1928 – Antonio de Jesus Villegas, politician – in Sta. Cruz, Manila (d. November 18, 1984).
1935 – Leonardo M. Hidalgo, artist – San Fernando, La Union.
1947 – Roilo S. Golez, politician and legislator – in Looc, Romblon.
1990 – Melissa Marie Hicks, Filipino-American actress.

 

Ang Kulay Luntian

          Ang tamang pagliliwat sa Pilipino ng salitang “green” sa English ay “luntian. Sa kabilang banda, ang salitang “berde” ay hiram mula sa verde (green) ng Kastila. Ang kulay na ito ay sumisimbolo sa Inang Kalikasan dahil ito ang kulay ng isang gubat na puno ng mayayabong na punongkahoy. Sa mga Chinese, ang kulay luntian ay tumutukoy sa direksyon Silangan.
                                      o     O     o

          Ang unang kulay na nabanggit sa Standard Bible ay “green” (Genesis 1:30).
                                      o     O     o

          Luntian ang kulay ng dugo ni Mr. Spock, isa sa mga pangunahing character ng TV-movie series na Star Trek. Ito naman ang kulay ng mata ni Ichabod Crane, ang character sa maikling kuwento (short story) ni Washington Irving na The Legend of Sleepy Hollow.
                                      o     O     o

          Sa pelikula, ang A Streetcar Named Desire (1951) ay kulay luntian.
                                      o     O     o

          Ang luntian ay mahalagang kulay sa relihiyong Islam. Sa Qur'an, sura Al-Insan, ang mga nananampalataya kay Allah ay nakasuot ng kulay luntian sa Paraiso. Nabanggit din ni Muhammad na ang kaluntian (greenery), bukod sa tubig at magandang mukha, ay tatlong lubhang mahahalagang bagay. Ang bandila ng Libya ay kulay luntian bilang pagsang-ayon sa pagpapahalaga ng Islam sa kulay na ito.
                                      o     O     o

The Green Lantern Super Spectacular comics magazine,
which was released in line with the Green Lantern film (2011).
It featured among others, a rewritten and redrawn story
of the “Secret Origin” of Hal Jordan as the Green Lantern.
Cover design by Ivan Reis and Dave McCaig.
          Ang unang Green Lantern (secret identity ni Alan Scott) superhero ay nilikha ng writer na si Bill Finger at ng artist na si Martin Nodell. Ito ay unang lumabas sa All-American Comics #16 (July 1940). Sa sumunod na version, ang test pilot na si Hal Jordan ang naging Green Latern nang masawi ang may hawak ng makapangyarihang singsing na si Abin Sur. Ang story ay sinulat ni John Broome at iginuhit ni Gil Kane. Nagsimula ito noong October 1959 sa Showcase Crime Comic #22.
          Ang original creed (Golden Age): “And I shall shed my light over the dark things for the dark things cannot stand light. The light of the Green Lantern.”
          Ang modern day creed: “In brightest day, in blackest night, no evil shall escape my sight. Let those who worship evil’s might, beware my power – Green Lantern’s light.”
                                      o     O     o




Larawang Tribiya
Newscaster Cathy Santillan on the cover of
Celebrity World Magazine Vol. 4 No. 179,
dated January 9, 1995.
          Bago naging television newscaster si Cathy Santillan (nee Veloso), siya ay isang fashion model. Siya ay may tangkad na 5’-9” at naging second runner-up sa 1979 Binibining Pilipinas Beauty Pageant. Nagsimula siya sa RPN-9 Newswatch Primetime Edition.
                             o     O     o

No comments:

Post a Comment