Sunday, January 15, 2012

January 15

 
January issues of different magazines

JANUARY 15
January 15 (1984): Celebrity Fortnightly Vol. VI No. 07
          On the Cover: Senator Nikki Coseteng


Mga Unang Komiks na Lumabas ng January 15
Left: Halakhak Komiks No. 5, January 15, 1947.
Right: Bituin Komiks No. 29, January 15, 1951.


January 15 in Philippine History
1849 – Governor Narciso Claveria y Zaldua issued an ordinance that forbids regular clergy to alienate property.
1890 – Jose Rizal’s “Ingratitud” was published in La Solidaridad.
1945 – Vicente Lim, Filipino general and head of the 41st Division in Bataan during the Japanese invasion of the Philippines, was executed by the Japanese Imperial Army at the Chinese Cemetery in Manila for guerilla activities.
1955 – The Sablayan Colony, also known as the Sablayan Prison and Penal Farm, was established in Sablayan, Occidental Mindoro.
1992 – The first successful domesticated hatching of a Philippine eagle’s egg. The eaglet was nicknamed Pag-asa (Hope) to symbolize the “hope” to save this endangered bird species.

Two articles on the Philippine eagle:
Left: “On the Wings of Hope and Unity,” the concluding part of the 8-part series “An Education on Philippine Endangered Species,” published in Celebrity World Magazine, September 11 to October 30, 1995. It won the Grand Prize of the 1995 Philippine Press Institute Science & Technology Journalism Award.
Right: “The Philippine Eagle: Flight of an Endangered Species, Part 1 (of 3): The Noblest Flyer,” published in Mr. & Ms. Magazine, October 1, 1996.



Pinoy personalities and celebrities born on January 15:
1894 – Hilario Lara, physician, academician, and National Scientist for public health – in Imus, Cavite. (d. December 18, 1987)
1910 – Rosario Encarnacion, social worker, community developer, Ramon Magsaysay awardee for community development, and co-founder with her husband of the Bantug Cooperative Credit Union – in Aliaga, Nueva Ecija.
1954 – Jose Y. Dalisay Jr., poet and writer – in Romblon.



Ang Fluorescent Lamp

          Alam niyo ba kung sino talaga ang nag-imbento ng fluorescent lamp? Mayroong nagsasabi na Amerikano. Sa ibang aklat, Pranses naman daw. Ngunit may mga record at ebidensiya na ang inventor ng fluorescent lamp ay isang Filipino. Siya ay si Agapito G. Flores (1897-1943).
                                                         o     O     o

          Ang konsepto ng ng glass tube lighting ay unang pinag-aralan ng French physicist na si Antoine Cesar Becquerel (1788-1878). Sa kaniyang eksperimento, pinaraan niya ang kuryente sa isang tubong yari sa salamin na pinahiran ng mga iba’t-ibang kemikal. Ito ang simula ng glass tube lighting.
                                                         o     O     o

          Taong 1932 nang simulan ni Flores ang pag-aaral at paggawa ng fluorescent light. Nang si Manuel Luis Quezon (1878-1944) ay maging pangulo ng Pilipinas noong 1935, nagpunta si Flores sa Malacañang upang ipakita sa pangulo ang kaniyang imbentong “light in a glass tube bulb.” Sa kasamaang-palad, hindi alam ni Quezon ang gagawin dito. Mabuti na lamang at may bisitang French official na nakakita sa invention ni Flores. Tinulungan siya nitong makakuha ng international patent sa pamamagitan ng French government. Tinawag ng mga pahayagan ang invention ni Flores na “A Daylight at Night.”
                                                         o     O     o

          Naging masalimuot na ang kuwento pagkatapos nito. Sinasabing nabili ng General Electric ang invention ni Flores. Isang American physicist din umano ang nag-eeksperimento rito, si Arthur H. Compton (1892-1962). Ang modelo ni Flores diumano ang naging breakthrough sa eksperimento ni Compton, bagama’t walang hayagang pag-aming ginawa tungkol dito. Noong 1939, nagsimulang gumawa ng commercial type ng fluorescent lamp ang General Electric.
                                                         o     O     o



Si Princess Diana sa FHM
The Daily Mail’s “Diana: The Untold Story” Part 1
          Sa listahan ng unang FHM Magazine’s “Sexiest Women in the World” na lumabas noong 1995, si Princess Diana (full name Diana Frances Spencer, 1961-1997) ang pumang-15. Ang supermodel na si Claudia Schiffer ang nanguna sa listahan.
                             o     O     o
Claudia Schiffer on the cover of
Time Magazine April 17, 1995 issue



















Larawang Tribiya
True Action Magazine, January 1959,
“The Gorgeous Castaways:Survivor
Carmody’s Two-Girl Paradise”
Cover illustration by Mort Kunstler
          Ang Survivor ay isang popular American reality television show na hinalaw sa Swedish television series ng Expedition Robinson na nilikha ni Charlie Parsons noong 1997. Ang kauna-unahang Survivor series ay ginawa sa Borneo pulau Tiga, Sabah, Malaysia, at nagsimula noong May 31, 2000. Ito ang tanging Survivor season na ang nagwagi ay agad nalaman sa lugar mismo ng pinagganapan. Si Richard Hatch ang unang nagwagi sa reality series na ito.
          Ang Philippine version naman ay unang ginanap sa Tarutao, Satun, Thailand, mula July hanggang August 2008. Si Carlo “JC” Tiuseco ang unang nagwagi sa Survivor Philippines.
          Ang terminong ginagamit sa mga kasali sa Survivor reality show ay “castaway.” Ito ang tawag sa mga taong napadpad sa mga isla dahil lumubog ang kanilang barkong sinasakyan.


2 comments: