Sunday, January 8, 2012

January 8

  
January issues of different magazines
January 8
People Weekly, January 8, 1979 
On the Cover: Christopher Reeve as Clark Kent and Superman


Enero 8 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Enero 8, 1574, pinadala ng isang nangangalang Andres Mirandiola sa pamamagitan ng isang liham sa hari ng Espanya ang mga listahan ng mga minahan ng ginto na natuklasan sa Pilipinas. Kaalinsabay ng kaniyang liham, ang pagpapayo na dapat patatagin ang kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas.
                                                          o     O     o

          Idineklara ni King Philip V (1683-1746) ang pag-aalis sa listahan ng seda o silk sa mga kasamang produkto ng pangangalakal sa pagitan ng Espanya at Pilipinas noong Enero 8, 1718.
                                                          o     O     o

          Ang Manila Railroad Company ay naging pag-aari ng Gobyerno ng Pilipinas matapos itong bilhin mula sa mga private proprietors noon Enero 8, 1917.
                                                          o     O     o



Pinoy personalities and celebrities born on January 8:
1851 – Severino de las Alas, one of the signers of the Biak-na-Bato Constitution and later appointed Director of Interior of the Malolos Republic – in Indang, Cavite. (d. November 4, 1918)
1877 – Manuel S. Guerrero, physician, writer, painter and musician – in Ermita, Manila. (d. January 4, 1919)
1948 – Jo Aurea Imbong, lawyer and educator – in Malaybalay, Bukidnon.



Ang Numero 8
          Ang numero 8 ay itinuturing na masuwerte ng mga Tsino at ng mga ibang Asians. Ang opening ceremony sa 29th Summer Olympics sa Beijing, China, ay nagsimula ng eksaktong walong minuto at walong segundo makalipas ang ikawalo ng gabi (Beijing time), noong ika-8 ng Agosto (ikawalong buwan), 2008.
                                                          o     O     o

          Ang isang numero, gaano may ito kalaki, ay puwedeng hatiin sa walo kung ang huling tatlong numero ay puwedeng mahati sa walo (subukan niyo).
                                                          o     O     o

          Ang Jewish festival na Hanukkah ay tumatagal ng walong araw at walong gabi.
                                                          o     O     o

          Sa Periodic Table, ang atomic number ng oxygen ay 8.
                                                          o     O     o

          Ang mga gagamba (spider) o bilang general classification, ang mga arachnids kasama na ang mga alakdan (scorpions), ay mayroong walong paa. Ang mga orb-weaver spider na kabilang sa family Areneidae ay mayroon ding walong mata. Ang mga pugita (octopi) at ang mga kamag-anak nitong cephalopod sa genus Argonauta ay mayroong walong galamay (tentacles).
                                                          o     O     o

          Sa Norse mythology, ang kabayo ni Odin (punong diyos ng Asgard) na si Sleipnir ay mayrong walong paa!
                                                          o     O     o


Full inside spread ng unang labas ng nobelang pang-komiks ni Clodualdo del Mundo na 
“Brix Virgo: Filipino Astronaut” sa Pilipino Komiks #470, September 15, 1966.
           Alam niyo ba na ang komiks “space adventure” (Filipino astronaut) character na si “Brix Virgo” ay nalikha mahigit tatlong taon bago pa narating ng American astronaut na si Neil Armstrong ang buwan? Unang lumabas ang “Brix Virgo: Filipino Astronaut” sa Pilipino Komiks #470 noong September 15, 1966. Si Armstrong ay tumapak sa kalupaan ng buwan noong July 21, 1969. Ang nobelang pang-komiks na ito ay likhang-isip ni Clodualdo del Mundo (1911-1977) at iginuhit ni Jess M. Jodloman. Meron itong walong pangunahing tauhan: Brigido “Brix” Vargas, Brenda Brimstone, Juan Batumbakal, Daniel Brinstone, Irma Brimstone, Willie Brimstone, Tom Porter, at Dr. Craven.
                                                          o     O     o


THE VALUE OF COMICS
          The future value of every comics issue actually depends on 3 factors: 1 – The writer and the artist. 2 – The issue particulars. 3 – The number of published copies.
          The first one is self-explanatory; the more famous and popular the writer and artist, the higher the value of their works. Curiously, we can also mention that after the writer or artist dies, his works appreciate in value.
Crossover team-ups: DC-Harris Catwoman-Vampirella (left),
and DC-Marvel Batman-Daredevil (right).
          The second concerns the issue number (first issues are valuable when they are ‘stand-alones” – meaning a completed story.), the significance of the issue’s content (origins, first adventures, etc.), and the significance of the issue itself (anniversaries, crossovers, team-ups, movie adaptations, etc.).
          The third is the basic tenet of all collectibles. In comics, the lesser the number of published copies (originals), the more valuable it will become in the future.
                        o     O     o




Comics Collector
          What is the single-word term for a person that collects comics (komiks) or comic books? The answer is PANNAPICTAGRAPHIST!
                                                          o     O     o



Ang mga Chain Letters

          Alam niyo ba na ang mga chain letters ay itinuturing sa US na isang “public nuisance?” Ang mga chain letters ayon sa mga pagsusuri ay maihahambing sa isang virus kung tema ng pagpapalaganap ang pag-uusapan. Itinuturing din itong isang malawakang sistema ng panlilinlang.
                                                         o     O     o

          Isa sa mga kauna-unahang “notorious” chain letters ay ang “Prosperity Club” chain letters na lumaganap sa Denver, Colorado, noong 1935, na naglalahad na susuwertehin umano ang mga magpapalaganap nito at aabutin ng kasawian ang tatanggi. Ito rin ang kauna-unahang chain letter na nakarating ng Pilipinas.
                                                          o     O     o

          Sa US ay illegal ang pagpapalaganap ng mga chain letters sa anomang paraan! Ang magpalaganap nito sa Internet ay maaaring kasuhan ng “wire fraud.”
                                                         o     O     o

          Karaniwang ginagamit na modus operandi sa religious-themed chain letters ang pananakot na kung hindi ipalalaganap ang mensahe sa loob ng chain letter, dadanas ng kamalasan o kamatayan ang taong pinadalhan nito.
                                                         o     O     o

          Ang mga chain letters na religion o get rich ang tema ang pinakamadaling lumaganap. Walo sa bawat sampung kababaihan ang nalilinlang ng mga pananakot sa mga chain letters. Samantalang apat naman sa sampung kalalakihan ang nagiging biktima nito.
                                                         o     O     o



Larawang Tribiya
The reverse side of the Philippine 500-Peso Bill
With its numerous design and printing errors
          Ang mga bagong perang papel o bank notes ng Pilipinas na unang lumabas noong December 2010 ay punung-puno ng mga pagkakamali, subalit itinuloy pa rin ang paglabas nito. Halimbawa sa 500-piso na perang-papel, mali ang kinalalagyan ng Palawan Subterranean River sa geographical map ng Pilipinas. Sa mapa pa rin ng Pilipinas, hindi isinama ang Batanes group of islands, at maging ang Sabah na may claim din ang Pilipinas na karaniwang isinasama sa official map ng bansa. Mali ang kulay ng tuka at buntot ng ibong pikoy o blue-naped parrot. Mali rin ang pagkakasulat ng scientific name nito dahil naka-capitalized pareho ang generic at specie names. Sa pangalang-agham o scientific name, ang unang letra ng genus o generic name ay capitalized, subalit ang specie name at specific epithet ay small case na letra lahat. Isang alituntuning sinusunod din sa buong mundo ang pagsulat ng pangalang-agham ng naka-italized o kaya’y naka-underlined. Ang dapat na pagkakasulat ng scientific name ng blue-naped parrot ay Tanygnathus lucionensis (italized) o kaya Tanygnathus lucionensis (underlined).
                                                          o     O     o




2 comments:

  1. Wow! This is very very good!

    ReplyDelete
  2. Only gullible idiots believe in chain letters!

    ReplyDelete