Sunday, January 22, 2012

January 22

  
January issues of different magazines
  
JANUARY 22
January 22 (1983): Sports World Vol. X No. 32
On the Cover: Actress Josephine Manuel

January 22 in Philippine History
1809 – As a consequence of Napoleon Bonaparte (1769-1821) installing his brother Joseph Bonaparte (1768-1844) as King of Spain, all Spanish colonies including the Philippines are made integral part of Spain and, as such, Filipinos were given the privileges of Spanish citizenship and representation in the Spanish Cortes.
1843 – Sergeant Samaniego, leader of the Tagalog Mutiny, was executed at Bagumbayan (now Rizal Park).
1865 – The Escuela Normal de Maestros, a school for teachers, was establsihed in Manila.
1960 – Pres. Carlos P. Garcia laid the cornerstone of the Philippine Atomic Research Center (PARC) on a 9-hectare land leased from the University of the Philippines in Diliman, Quezon City.
1987 – Day of the Mendiola Massacre. 17 farmers and students were shot and killed and dozens wounded when President Corazon C. Aquino ordered the dispersal of the rally in Mendiola Bridge, near Malacañang Palace that turned violent. The demonstrators, mostly from the Kilusang Magbubukid ng Pilipinas headed by Jaime Tadeo, intended to talk to the president about her land reform program, but were met with barbed wires, fire trucks, and armed anti-riot police.
1988 – General Fidel V. Ramos was appointed Secretary of National Defense by President Corazon C. Aquino.
2011 – Danica Flores Magpantay won the Ford Supermodel of the World competition, the first Filipina to bag the title.



Tawag sa English ng mga Isda

          Alam niyo ba kung ano sa English ang isdang dalagang bukid? Ang mamula-mulang dalagang-bukid ay tinatawag sa English na red caesio (Pinjalo typus), samantalang ang nagkukulay malaginto ay tinatawag na golden caesio (Caesio chrysozonus).
                                                         o     O     o

          Hindi man karapat-dapat, isang isda ang ipinangalan sa unang bayani ng Pilipinas – si Lapu-Lapu. Ang katumbas ng isdang lapu-lapu sa English ay grouper. Maraming uri ng grouper, dalawa dito ay ang white-lined grouper (pangalang-agham: Anyperodon leucogrammicus) at wavy-lined grouper (Epinephelus undulosus), subalit karaniwang tinatawag sila sa Pilipinas na lapu-lapu o di kaya’y dinudugtungan ng pang-uri, katulad ng lapu-lapung guhit, lapu-lapung bato o pulang lapu-lapu.
                                                         o     O     o

Guhit ng long-finned cavalla o talakitok, mula sa RR’s Philippine
Alamanac, p.786.
          Sa pulitika, alam niyo ba na ang tawag ni Senador Miriam Defensor-Santiago sa dating pangulong Fidel V. Remos ay Talakitok? Ito ay isang uri ng isdang dagat na tinatawag sa English na long-finned cavalla (Caranx armatus).
                  o     O     o







“Diyos ko, pati galunggong lumilipad!”
A satirical caricature on high prices of
commodities during Pres. Cory Aquino’s administration, featured on the editorial gage of the Philippine Daily Inquirer, November 9, 1987 issue.




          Ang galunggong ay binansagang “Cory fish” dahil lubhang tumaas ang mga bilihin noong panahon ng dating pangulong Corazon "Cory" Aquino na ang mga mahihirap ay hindi na halos makabili ng isdang galunggong. Ang galunggong sa English ay round scad (Decapterus macrosoma).
                                O     O     o














          May uri ng kanduli o sea catfish ang matatagbuan lamang sa baybay-dagat na malapit sa Manila. Ito ang Manila sea catfiish (Arius manillensis). Kanduli rin ang tawag sa green sea catfish (Arius thalassinus). Hito naman ang tawag sa fresh-water catfish (Clarias batrachus).
                                                          o     O     o

          Ang mga iba’t-ibang uri ng mackerel ay mayroong kaniya-kaniyang tawag sa Tagalog: Ang striped mackerel (Rastrelliger chrysozonus) ay alumahan, ang short-bodied mackerel (Rastrelliger brachyosomus) ay hasa-hasa, at ang Spanish mackerel (Cybium commerson) ay tangigi.
                                                         o     O     o

          Ganun din naman ang iba’t-ibang uri ng herring: Ang deep-bodied herring (Sardinella perforata) ay lapad, ang fimbriated herring (Sardinella fimbriata) ay tunsoy, at ang big-eyed herring (Ilisha hoevenii).
                                                          o     O     o

          Narito ang iba pang English equivalent ng mga pangalan ng mga isda: Asuhos (whiting), bangus (milkfish), bisugo (nemipterid), kabang (croaker), labahita (surgeon fish), maya-maya (snapper), sapsap (slipmouth), at tsabita (moonfish).
                                                         o     O     o




Pinoy personalities and celebrities born on January 22:
1860 – Ananias Diokno, revolutionary leader who led an expedition in the Visayas to established a link between the revolutionary forces in Panay and the revolutionary government of Emilio Aguinaldo – in Taal, Batangas. (November 2, 1922)
1910 – Vicente Manansala, National Artist for Visual Arts (1981) – in Macabebe, Pampanga. (d. August 22, 1981)
Pancho Magalona with Tita Duran on the cover
of Ilang-Ilang Magazine January 25, 1940 issue.






1923 – Pancho Magalona (real name Enrique Magalona Jr), actor – in Negros Occidental. (d. 1998)













1952 – Ace Vergel (real name Ace York Aguilar), actor. (d. December 15, 2007)
1953 – Eva Eugenio (full name Elvira Lapis Eugenio), singer – in Laguna.
Rene Requiesta, starring as Tino in the film
Ganda Babae, Ganda Lalake (1990).





1957 – Renato “Rene” Requiestas, actor and comedian. (d. July 24, 1993)















Ang “Luksong Tinik” ni Mananasala
Vicente Manansala’s painting “Luksong Tinik”

         Ang Luksong Tinik (1973) ay isang obra ng pintor na si Vicente Manansala (1910-1981). Ito ay may sukat na 78 centimeters by 68 centimeters. Sa kasalukuyan, ang halaga nito ay nasa pagitan ng 180,000 hanggang 190,000 dollar.
                             o     O     o












Mga makukulay na torotot na inilalako sa
pagsapit ng Bagong Taon, sa taklob-pahina
ng Moneysaver Magazine Vol. 4 No. 1,
January 1995.

WIKApedia
          Lagi nating sinasabi na gumamit na lang ng torotot sa halip na magpaputok sa Bagong Taon. Subalit alam ba natin kung saan nagmula ang salitang “torotot?” May posibilidad na ito ay nanggaling sa salitang “toro” (lalaking baka) at “tot” (tunog na likha ng paghihip dito). Noong sinaunang panahon, mga sungay ng kalabaw at baka ang ginagamit na trumpeta. Datapuwa’t hindi “trumpet” ang katumbas ng torotot sa wikang English kundi “horn” o “blow horn.” Maging sa wikang English, halaw ito sa kahulugang “sungay ng hayop.”
          Mayroon namang iba pang kahulugan ang “torotot” na unang lumabas sa mga babasahing may seksuwal na tema noong 1960s. Ito ay ang “pakikiapid” o “pagtataksil.” Kaya kapag sinabing “tinorotot” ng asawa, ito ay nangangahulugan na “pinagtaksilan siya ng asawa.
                                o     O     o




A portrait illustration of Marlon Brando on the
cover of Time Magazine January 22, 1972 issue
done by American commercial illustrator Bob Peak.
Larawang Tribiya
          Nang magwagi si Marlon Brando (1924-2004) ng Academy Best Actor Award para sa pelikulang Godfather noong 1972, si Sacheen Littlefeather, isang native Apache Indian, ang pinakuha niya ng award at pinabasa ng kaniyang speech. Hindi umano tinanggap ni Brando ang award dahil sa nakikita niyang hindi magandang pagtrato ng American film industry sa mga native American Indians. Si Brando ang pangalawang actor na tumangging tanggapin ang kaniyang Academy Award (Si George C. Scott ang una). Nang sumunod na taon, muling nanominado si Brando sa Academy Best Actor Award sa pelikulang Last Tango in Paris, subalit ang nagwagi nang taon yaon ay si Jack Lemmon sa pelikulang Save the Tiger.
                          o     O     o

1 comment: