Wednesday, January 4, 2012

January 4

  
Mga komiks (comics) na lumabas sa sirkulasyon sa buwan ng Enero


January 4
Espesyal Komiks Taon 11 Blg. 277, Enero 4, 1965
Tampok sa taklob-pahina ang pagbati ng “Manigong Bagong Taon” sa pitong dayalekto.
 
UNANG LABAS
Unang lumabas sa sirkulasyon ang mga sipi ng Revista de Administracion, isang lingguhang pahayagang Kastila na pinatnugutan nina Jose de la Rosa at Javier de Tiscar, noong Enero 4, 1866.
Enero 4 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Enero 4, 1592, pinasinayaan ang Puente Colgante, ang kauna-unahang tulay sa Pilipinas, isang suspension bridge, patawid ng Pasig River, sa Quiapo, Manila.
                                                          o     O     o

          Matapos ang pataksil na pakikipag-ugnyan ng mga Amerikano sa mga Kastila at paglagda nila sa Treaty of Paris noong ika-10 ng Disyembre, 1898, idineklara ni Elwell S. Otis noong ika-4 ng Enero, 1899 na pag-aari na ng America ang Pilipinas batay sa nasabing kasunduan.
                                                          o     O     o



Pinoy personalities and celebrities born on January 4:
1885 – Jimeno Damaso, Hiligaynon playwright and a pioneer in the development of the Ilongo sarsuela – in Tanza, Iloilo. (d. September 1, 1936)
1938 – Barbara Perez, actress – in Manila.
1956 – Rez Cortez, actor – in Camarines Sur.


1986 – Katrina Halili (full name Maria Katrina Iren Pe Halili), actress, model and two-time FHM Magazine Philippines “Sexiest Woman in the World” – in Quezon City.
Katrina Halili on the covers of FHM (Philippines) December 2005 issue,
Maxim (Philippines) September 2008, and Cosmopolitan (Philippines) July 2009 issue.

Larawan ng Mga Bituin Noong Kanilang Kabataan
BARBARA PEREZ
Mula sa sipi ng Hiwaga Komiks No. 149, June 13, 1956, p. 20























MGA SINAUNANG ORASAN
          Sa kasalukuyang panahon, ang digital clock ang maituturing na pinakamodernong kagamitan sa pag-alam ng oras.  Malayo na ang narating ng tao sa paggawa ng mga iba't-ibang uri ng orasan: Mula sa pagtingin sa lokasyon ng araw na siyang paraan ng pag-alam sa oras noong panahon ng mga sinaunang tao, at sa mga kasangkapang tulad ng sundial, waterclock at sandclock, hanggang sa mga computerized digital watches na maaaring malaman ang oras saan mang panig ng mundo.
          Ang orasan ang isa sa pinakamahalagang imbensyon sa kasaysayan ng daigdig. Ang paghahati-hati ng mga sandali sa isang regular at nababasang panuntunan ay pundamental sa bawat paggalaw ng tao.
Walang tuwirang nakaaalam kung sino ang nakaimbento ng kauna-unahang orasan na tumutugma sa 24 na oras bawat araw. Ayon sa mga mananaliksik, ang kauna-unahang paraan ng pagtukoy ng oras ay nauna pa kay Ptolemy, isang matematiko at astronomer na taga-Ehipto na nabuhay noong ikalawang siglo at nagtatag ng pundasyon ng modern timekeeping.
          Malaki ang naging bahagi ni Archimedes (c. 287-212 B.C.), isang matematiko at inheniyerong Griyego, sa kasaysayan ng paggawa ng orasan. Bagama't si Thales (c. 640-546 B.C.), isang pilosopong Griyego, ang naglahad ng mga unang spherical representation ng kalangitan, si Archimedes naman ang siyang unang gumawa ng isang kumplikadong modelo ng kalangitan – celestial sphere – na nagpapakita ng paggalaw ng araw, buwan at mga planeta alinsunod at sa paghahambing sa posisyon ng mga bituin.  Si Ctesibus, isa ring Griyego, ay gumawa naman ng isang clepsydra na naging popular noong panahon ng ancient Greece. Sumunod dito ay ang stereography ni Hipparchus noong 150 B.C., na radikal na bumago sa pisikal na representasyon ng kalangitan. Sa pagsasama-sama ng mga kaalaman sa celestial spehere, stereography at clepsydra ay nabuo ang isang higit na malinaw, wasto at praktikal na mga pamamaraan at kasangkapan sa pag-alam ng oras – ang anaphoric clock at ang astrolabe.

ANG SUNDIAL
          Ang sundial ang isa sa mga kauna-unahang orasan. Isa itong uri ng orasan na nangangailangan ng sinag ng araw upang matukoy ang oras sa bawat bahagi ng maghapon. Maselang matematika, pisika at kaalaman sa astronomiya ang ginagamit ng mga sinaunang tao upang maperpekto ang instrumentong ito.
          Dito sa Pilipinas, may isang sundial na matatagpuan sa Tagudin, Ilocos Sur. Ito ay ginawa ng isang paring Augustinian na nagngangalang Juan Sorolla noong 1871.  Ito ay maituturing na isa sa pinakamantandang orasan na matatagpuan sa Pilipinas.

ANG WATERCLOCK AT SANDCLOCK
          Isang instrumento naman na maaaring gamitin kahit walang araw ang waterclock. Una itong ginamit ng mga taga-Tsina at taga-Ehipto. Maraming kaparaanan sa paggawa ng ganitong orasan. Ang isang karaniwang uri ng waterclock ay gumagamit ng tubig na pumapatak mula sa ilalim ng banga. Habang nababawasan ang taas ng tubig sa banga nalalaman sa mga marka sa banga ang oras. Kabaligtaran naman ang mekanismo ng isa pang uri ng waterclock. Kinukulekta naman sa isang lalagyan ang mga patak ng tubig at habang nadaragdagan ang dami ng tubig sa naturang lalagyan, bumibigat ito na siyang namang nagpapagalaw sa pointer o dial na siyang nagsasabi ng oras. Ang clepsydra na ginawa ni Ctesibus ay isang kumplikadong uri ng waterclock.
          Noon namang panahon ng Middle Ages, ang mga tao sa Europa ay sumusukat ng oras sa pamamagitan ng hourglass o sandclock. Nagsasaad ng oras ang nasabing kasangkapan sa pamamagitan ng isang simpleng pamamaraan. Ito ay sa paghuhugos ng mga butil ng buhangin sa isang maliit na butas na naghihiwalay sa itaas at ibabang bahagi ng hourglass. Karaniwang tumatagal ng isang oras ang paghugos kaya tinatawag itong hourglass. 

STEREOGRAPHY
          Ang stereogtaphy ay isang pamamaraan kung saan ang mga three-dimensional object ay ipinakikita sa two-dimesional na paglalatag. Ginamit ito ni Hipparchos upang isalarawan ang celestial sphere. Sa pamamagitan nito nakikita ang paggalaw ng mga iba't-ibang buntala sa kalangitan kasama na ang araw, buwan at mga planeta.  Iniugnay ang imbensyong ito sa paggalaw ng mekanismo ng clepsydra na siyang nagbigay sa mga Griyego ng paraan upang magkaroon ng tuwirang pagsukat sa oras.

ANG ANAPHORIC CLOCK AT ASTROLABE
          Ang anaphoric clock ay binubuo ng isang fixed disk kung saan makikita ang mga iginuhit na representasyon ng meridian, horizon, equator at ang dalawang tropics sa likod ng umiikot na mapa ng mga bituin. Ang fixed disk ay binubuo ng mga concentric circles na hinati-hati sa 24 na bahagi. Bawat bahagi ay tumutugon sa isang oras. Ang nasa itaas ng linya ng horizon ay tumutugma sa 12 oras sa umaga, at ang mga nasa ibaba ay sa 12 oras sa gabi. Ang anaphoric clock, bukod sa isang orasan, ay isa ring uri ng kalendaryo na nagpapakita rin ng paggalaw ng araw sa ecliptic. Sa pamamagitan ng pag-alam sa posisyon ng mga bagay sa kalangitan ay matutukoy ang 365 araw sa bawat taon.
          Ang astrolabe naman ay isang kagamitan para malaman ang posisyon ng mga bituin sa bawat sandali. Ang astrolabe ay binubuo ng tatlong mahalagang bahagi: una ay ang fixed disk na tinatawag na tympanum kung saan tinutukoy ang posisyon ng mga bituin. Ang ikalawa ay ang rete kung saan nakakabit ang tympanum. Ang ikatlo ay isang simpleng parte na sumusukat sa layo ng isang bituin mula sa itaas ng horizon. Ito ay karaniwang isang piraso ng pahabang metal na nakakabit sa likod ng astrolabe. Maaaring makagawa ng isang mapa ng kalangitan sa isang partikular na gabi sa pamamagitan ng pagtukoy sa isang bituin, pagsukat sa angular distance nito pataas sa horizon, at pag-ikot sa rete hanggang sa ang representasyon ng naturang bituin ay tumugma sa angular distance nito sa tympanum.

MGA IBA'T-IBANG PANG MATANDANG ORASAN
          Ayon sa Guinness Book of World Records, ang pinakamatandang orasan na mayroong susian at tumitiktik ay ginawa ng dalawang Tsino na sina I Hsing at Liang Ling-tsun noong 725 A.D.
          Ang pinakamatanda namang orasang umaandar pa sa kasalukuyan ay matatagpuan sa Salisbury Cathedral sa Wiltshire, England. Tinatayang ginawa ito noong 1380. Sa katagalan nagkaroon ito ng sira, at iniayos na muli noong 1956. Nagbigay oras ang relos na ito sa loob ng mahigit 500 taon at tumiktik na ng mahigit 500,000,000 beses
          Ang Su Song Clock naman sa Kaifeng, China, isang uri ng waterclock na tumitimbang ng 22 tonelada at naglalaman ng humigit-kumulang dalawang toneladang tubig, ay ginawa noong 1088 A.D. Inilipat ito sa Peking noong 1126 A.D. Ngunit nasira ito makalipas ang 300 taon.
          Gumawa naman si Giovanni de Dondi ng isang modelo ng astronomical clock noong 1364. Isang kopya nito ang nabuo ng isang grupo ng mekaniko noong 1962. Tatlong taon naman ang kinailangan upang gawin ang pinakamalaking astronomical clock sa daigdig. Ito ay ginawa noong 1865 hanggang 1868 at matatagpuan sa Cathedral of St. Pierra sa Beaulais, France. Mayroon itong humigit-kumulang 90,000 parte at sumusukat ng 40 talampakang pataas, 20 talapampakang pahalang at siyam na talampakan ang kapal.
          Ang pinakamatanda namang portable clockwork timekeeper ay ginawa ni Peter Henlein ng Nuremberg, Germany noong 1504, at ngayon ay matatagpuan sa Memorial Hall sa Philadelphia, USA.
          Si Christian Huygens (1629-1695), isang siyentistang taga-Netherlands, ang umimbento sa kauna-unahang orasan na gumagamit ng pendulum noong 1656, at ang kauna-unahang namang mga wristwatches ay ginawa naman ng Jacqust-Droz and Leschot Company ng Geneva, Switzerland noong 1790.
                                                          o     O     o



Mikhail Sergeyevich Gorbachev on the cover
of Time Magazine January 4, 1988 issue.

Larawang Tribiya
          Si Mikhail Sergeyevich Gorbachev ay dating lider ng Soviet Union. Noong huling bahagi ng 1980s, pinagsikapan niyang matapos na ang Cold War sa pagitan ng United States at Soviet Union. Nagkaroon siya ng Summit Conference kay Pres. Ronald Reagan (1911-2004) at gumawa siya ng malawakang pagbabago sa loob ng Communist Party. Dahil dito nabigyan siya ng Nobel Prize for Peace noong 1990.
                             o     O     o

No comments:

Post a Comment