Thursday, May 17, 2012

May 17


Mga komiks (comics) na lumabas sa sirkulasyon sa buwan ng Mayo

MAY 17
Pilipino Komiks Blg. 286, Mayo 17, 1958
Tampok ang guhit-pabalat ni Fred Carillo na may pamagat na “Kasoy sa Antipolo”
 

Events that happened on May 17
1899 – The Gaceta de Filipinas, the official publication of Aguinaldo’s revolutionary government was released for circulation. It was earlier called El Heraldo de la Revolucion, Heraldo Filipino and Indice Oficial.



Personalities and celebrities born on May 17:
1843 – Pascual Ledesma, Visayan revolutionary leader – in Himamaylan, Negros Occidental (d. June 6, 1917).
1857 – Pascual H. Poblete, journalist, playwright, patriot, “Father of Philippine Journalism” and one of the founder of the Nationalista Party – in Naic, Cavite (d. February 5, 1921).
1940 – Reynaldo Serrano Puno, 22nd Chief Justice of the Supreme Court – in Manila.
1952 – Rey Malonzo (full name Reynalso Valencia Malonzo), actor and politician – in Caloocan City.
1968 – Danilo Gomez Marquez, writer, journalist and newspaperman.
1982 – Mocha Uson (real name Margaux Uson), dancer, singer and model – in Pangasinan.
1989 – Kris Bernal (full name Kristine Ann Tan Bernal), actress and model – in Quezon City.
Kris Bernal on the cover of MOD August 2009 issue.

1994 – Julie Ann San Jose (full name Julie Ann Peñaflorida San Jose), singer and actress – in Novaliches, Quezon city.


Si Rin Tin Tin
Ang aso sa kaliwang ibabang bahagi
ng Picture Show,  May 17, 1924 issue,
ay si Rin Tin Tin, na kuha mula sa
pelikulang Where the North begins
          Kapag nabanggit ang pangalang Rin Tin Tin, agad papasok sa isip ng mga nakasubaybay sa kaniya ang isang magiting na asong German shepherd na nagbida sa television series na The Adventures of Rin Tin Tin (1954-1959). Subalit alam niyo bang pang-apat na henerasyon na ng Rin Tin Tin ang asong lumabas sa naturang television series?
          Ang orihinal na Rin Tin Tin (1918-1932) ay natagpuan ng isang American serviceman na nagngangalang Lee Duncan sa isang nabombang gusali sa Lorraine, France, noong magtatapos na ang World War I. Dalawang tuta ang natagpuang buhay ni Duncan, ang lalaki ay pinanganlan niyang Rintintin at ang babae ay Nenette, na halaw sa pangalan ng mga manyikang ibinibigay ng mga batang Pranses sa mga Amerikanong sundalo bilang good luck charms. Binigyan ito ng palayaw na Rinty ng kaniyang amo.
          Nang iuwi ni Duncan si Rin Tin Tin sa Los Angeles, California, natuklasan niyang may kakaibang galing ang aso at kaya nitong tumalon hanggang 11 talampakan. Naitampok si Rin Tin Tin sa mga pelikula ng Warner Brothers. Una siyang napanood sa pelikulang The Man from Hell’s River (1923), subalit dito gumanap siya bilang isang lobo. Ang unang pelikulang pinagbidahan niya ay ang Where the North Begins (1923), kasama ang silent film actress na si Claire Adams. May mga nagsasabing ang asong ito ang nagpasigla ng Warners Brothers at nagligtas sa kumpanyang ito sa pagbankarote.
                             o     O     o




Samuel L. Jackson (as Jedi Mace Windu) and
Ewan McGregor (Jedi Obi-Wan Kenobi) wielding
Lightsabers (for the film Star War: Episode II
– Attack of the Clones, on the cover of
Entertainment Weekly May 17, 2002 issue
Larawang Tribiya
          Ang Lightsaber ay ang kakaibang sandatang ginagamait ng mga Jedi at Sith sa Star Wars film series. Ang orihinal ng lightsaber na ginamit sa unang pelikulang Star Wars (1977) ay may lumilitaw na talim na 1.33 metro ang haba. Sa pelikula, ang lightsaber ay isang sandatang may talim na gawa sa liwanag na kayang humiwa ng halos kahit anong bagay. Ito ay nakagagawa ng sugat na tila baga napaso ng napakainit na bakal. Walang lightsaber na magkapareho bagama’t meron magkahawig katulad ng ginamit nina Obi-Wan Kenobi at Luke Skywalker.
                                      o     O     o







No comments:

Post a Comment