Thursday, June 7, 2012

June 7


JUNE 7
Look June 7, 1949
On the Cover: The 50-year-old Humphrey Bogart and his 25-year-old wife Lauren Bacall
with their first child Stephen.

UNANG LABAS
Ang Makabayan Komiks ay isang natatanging babasahin na masasabing bibihira ang nakakaalam. Ang unang labas nito na may petsang Hunyo 7, 1963 ay nagtampok sa unang bayaning Filipino na si Lapu-Lapu (1491-1542) sa pabalat at sa isang tapusang kuwento ng kaniyang buhay at sa kaniyang pakikihamok sa mga mananakop na Kastila na pinamunuan ni Fernando de Magallanes (Ferdinand Magellan, 1480-1521). Si Zenaida A. Torres ang sumulat ng iskrito ng makasaysayan kuwento na iginuhit ni Vidal Malatbalat.  
Ang unang labas ng Makabayan Komiks, Hunyo 7, 1963. Nasa pabalat at unang limang panloob na pahina ang kuwentong “Lapu-Lapu” na isinulat ni Zenaida A. Torres at iginuhit ni Vidal Malatbalat.


UNANG LABAS
The cover page of Bukol Express Vol.1 No.1
(Scan contributed by unknown "friend.")
Narinig niyo na ba o nakakita na kayo ng babasahing ang pamagat ay Bukol Express Magazine? Bagama’t walang makikitang petsa sa taklob-pahina nito, ayon sa hindi nagpakilalang collector, ito ay inilabas noong Hunyo 7, 1970 ng Atis Palimbagan. Sinasabing ito ay katipunan ng mga iba’t-ibang artista, karakter sa mga komiks at likhang-sining na may sundot ng katatawanan at konting kaseksihan. Maraming pangalan ang nabanggit: Larry Alcala, Hugo Yonzon, Ely Santiago, etc. Nakasulat sa itaas ng pamagat ng magasin: “Ang Kuyukot ng Filipino Humor.” Ang “kuyukot” ay isang salitang Tagalog na tumutukoy sa dulong-bahagi ng gulugod o spinal column, ang bahaging pinakamalapit sa tumbong o rectum! Mapapansin namang nakasulat sa gitnang-ibabang bahagi ng taklob-pahina ang ““We support the Samahang Kartunista ng Pilipinas.”







Events that happened on June 7:
1940 – President Manuel L. Quezon proclaimed Tagalog as one of the Philippine official language beginning July 4, 1946.


Personalities and celebrities born on June 7:
1877 – Manuel Tinio, revolutionary general – in Aliaga, Nueva Ecija (d. February 22, 1924).
1903 – Roberto Concepcion, 10th Chief Justice of the Supreme Court (June 17, 1966 – April 8, 1973) – in Manila.



Humphrey Bogart as Captain Queeg,
for the film The Caine Mutiny, on the
cover of Time June 7, 1954 issue.
Larawang Tribiya
          Si Humphrey deForest Bogart (1899-1957) ay itinuturing ng American Film Institute na “Greatest Male Star in the History of American Cinema.” Nagsimula si Bogart noong 1921 sa mga Broadway productions. Noon namang 1930 lumabas siya sa mga pelikulang Broadway’s Like That, A Devil With Women, Up the River at Body and Soul. Unang nalasap ni Bogart ang tagumpay sa pelikula sa kaniyang pagganap bilang Duke Mantee sa The Petrified Forest (1936). Nagsimula siyang makilala bilang isang magaling na leading man noong 1941 sa mga pelikulang High Sierra at The Maltese Falcon. Nang sumunod na taon, narating niya ang rurok ng tagumpay at kasikatan bilang si Rick Blaine sa Casablanca (1943). Mula noon nagsunud-sunod na ang kaniyang mga pelikula. Sa pelikulang The African Queen (1951), napagwagian ni Bogart ang kaniyang kaisa-isang Academy Award para sa Best Actor.
          Nakilala ni Bogart si Lauren Bacall noong 1944 nang ginagawa nila ang pelikulang To Have and Have Not (1945). Si Bacall ay 19-anyos pa lamang noon samantalang si Bogart ay 44-anyos. Subalit hindi naging dahilan ang agwat ng edad nila upang mabuo ang isang pag-iibigang hahangaan sa buong Hollywood. Ikinasal sila noong May 21, 1945. Ang tambalang Bogart-Bacall ay nakagawa ng limang pelikula na lahat halos ay pumatok sa takilya: To Have and have Not (1945), Two Guys from Milwaukee (1946), The Big Sleep (1946), Dark Passage (1947) at Key Largo (1948).
          Noong 1954, apat na pelikula ang ginawa ni Bogart at lahat ng mga ito ay pumatok sa takilya: Beat the Devil, Sabrina, The Barefoot Contessa at The Caine Mutiny kung saan gumanap siya bilang Captain Philip Francis Queeg.
                                      o     O     o


No comments:

Post a Comment