Saturday, June 2, 2012

June 2


JUNE 2
Hiwaga Komiks Taon 4 Blg. 96, Hunyo 2, 1954
Tampok sa taklob-pahina ang kuwentong “Tagapagmana” ni Deo C. Gonzales
na iginuhit ni Amado de la Cruz.
 
UNANG LABAS
Ang unang labas ng Kidlat (Aliwan ng Bayan)
na may petsang Hunyo 2, 1952, tampok
si Tessie Quintana sa taklob-pahina.

          Ang Kidlat (Aliwan ng Bayan) ay komiks na unang inilabas ng Marte Publication noong Hunyo 2, 1952. Tampok sa taklob-pahina nito si Tessie Quintana na gumanap na isa sa mga pangunahing bituing babae sa pelikulang Tenyente Carlos Blanco (1952) ng LVN Pictures. Naglalaman ang babasahing ito ng mga artikulo tungkol sa mga artista sa pelikula at radyo at mga kuwento komiks kabilang ang “Mga Bayani ng Lahi” (isinulat ni Alberto Crus at iginuhit ni Ric Hernandez), “Siningil ng Kidlat” (isinulat ni Asuncion Cruz-Santos at iginuhit ni Valentino Manalastas), at “Tagdan ng Dalawang Bandila” (isinulat ni Santos Perona at iginuhit ni Ben Maniclang) .
          May apat na iba’t-ibang babasahing komiks na lumabas sa sirkulasyon na “Kidlat” ang pamagat. Ang inilimbag ng Marte Publication ang kauna-unahan sa mga ito.








Events that happened on June 2:
1823 – A mutiny was led by Spanish mestizo Captain Andres Novales against the Spanish authorities in Manila.
1898 – The Spanish troops led by General Leopoldo Garcia surrendered to Filipino forces in Cavite.
1942 – President Manuel L. Quezon addressed the United States House of Representative on the Pacific war situation.


Personalities and celebrities born on June 2:
1939 – Celia Rodriguez (real name Cecilia Rodriguez), award-winning actress – Irosin, Sorsogon.
1955 – Danilo Delapuz Lim, military officer and public official – Solano, Nueva Vizcaya.
1965 – Rey P. J. Abellana (full name Reynante Razon Abellana), actor – in Silay City.




       Miss Universe 1994 Sushmita Sen on the cover
            of Celebrity World (June 2, 1994).
Larawang Tribiya
          Si Sushmita Sen ng India ang itinanghal na Miss Universe sa ika-43 patimpalak-gandahang ito na ginanap sa Philippine International Convention Center noong Mayo 20, 1994.
          Alam niyo bang sa 1994 Miss India, nagtabla sina Sushmita Sen at Aishwarya Rai sa pangunang puwesto sa final round ng patimpalak? Kinailangan ng mga hurado na magbigay sa kanila ng isa pang katanungan upang maalaman kung sino ang magwawagi at kung sino ang papangalawa. Matapos ang dagdag na katanungan ay itinanghal si Sushmita Sen na nagwagi. Hindi nagkamali ang mga hurado sapagkat itinanghal nga ring Miss Universe 1994 si Sushmita Sen. Hindi rin naman nadehado si Aishwarya Rai na sumunod na nagwagi ng titulong Miss World 1994.
                                      o     O     o





No comments:

Post a Comment