JUNE 9
True
Experience Stories Taon 1 Blg. 15, Hunyo 9, 1988 Tampok sa taklob-pahina ang dibuho ni Brix A. Bartolo |
UNANG LABAS
Ang Charm Comics ay isang kakaibang komiks na Filipino ang dating, English ang medium at mala-Japanese manga ang pagkakaguhit. Ang initials ng mga pangalan ng limang pangunahing character – limang dalagitang “mangkukulam” – ay bumubuo sa salitang BRUJA. Ito sana ang orihinal na titulong balak ng maykatha, ang Atlas Publishing Book and Komiks editor-in-chief na si Terry Bagalso, subali't hindi ito gusto ng General Manager na si Deo Alvares kaya napalitan ng Charm. Kung iisipin higit sanang malakas ang hatak ng titulong “Bruja.” Unang itong lumabas sa sirkulasyon noong Hunyo 9, 2003. Kakaiba ang storyline ng Charm (hindi ito kopya o hawig sa TV seies na Charmed) na kakakakitaan ng katatawanan, pakikipagsapalaran, pantasya, kababalaghan, at konting sundot ng drama at kabayanihan. Maganda sana ang hinaharap ng komiks na ito kung nabigyan ng tamang marketing, pero itinigil ng Atlas ang paglilimbag dito noong 2004 matapos lamang ang 10 issues.
Events that happened on June 9:
1898 – Filipino forces liberated the province of Pampanga from Spanish control.
1945 – Inaugural session of the Philippine Congress with Manuel A. Roxas as elected Senate President and Jose C. Zulueta as Speaker of the House of Representative.
Personalities and celebrities born on June 9:
1865 – Feliciano Cabuco, one of the 13 Martyrs of Cavite.
1868 – Feliciano Jocson, Katipunan organizer and revolutionist – in Quiapo, Manila (d. May 4, 1898)
Alyssa Milano on the cover of Celebrity Skin
(June 1999).
|
Nagsimula ang career ng Holywood actress na si Alyssa Milano nang mapili siya sa papel na Annie nang di-sinasadya noong siya ay walong-taong gulang pa lamang. Sumabak siya sa television series na Who’s the Boss? (1984-1992) sa edad na 10-anyos bilang Samantha Micelli na anak ng pangunahing karakter na ginampanan ni Tony Danza. Noon namang 1985, gumanap siya bilang Jenny, anak ni John Matrix na ginampanan ni Arnold Schwarzenegger sa pelikulang Commando.
Nagkaroon siya ng mga sexy at nude scenes sa ilang TV movie at erotic films: Where the Day Takes You (1992), Casualties of Love: The Long Island Lolita Story (1993), Confessions of a Sorority Girl (1994), Embrace of the Vampire (1994), Deadly Sins (1995), at Poison Ivy II: Lily (1996). Nakita rin ang mga hubad na larawan ni Milano sa magazine na tulad ng Celebrity Skin (sipatin ang kalakip na larawan).
Bumalik siya sa television bilang Jennifer Mancini sa series na Melrose Place (1997-1998), Meg Winston sa Spin City (1997-2001), at Phoebe Haliwell sa Charmed (1998-2006).
o O o
Ang ganda, maiiba ito. Puro cover pages.
ReplyDelete