JUNE 22
Teens
Weekly
Taon 14 Blg. 723, Hunyo 22, 1984 Tampok sa taklob-pahina ang obrang “Mga Buhay na Manyika” na isinulat ni Elena M. Patron na iginuhit ni Nestor Malgapo. |
UNANG LABAS
Ang teen-oriented magazine na Sixteen ay unang lumabas noong June 22, 1968. Ang magazine ay halos kasinglaki lamang ng mga ordinaryong komiks at naglalaman din ng mga komiks series kabilang ang mga likha nina Mars Ravelo, Jim Fernandez, Carlo J. Caparas at Orlandro R. Nadres. Nagtampok din ito ng mga featured articles, columns, mga hit songs, at maiinit na balita sa showbiz at tungkol sa mga sikat na personalidad ng naturang panahon. Si Mars Ravelo ang nakaisip ng konsepto ng magazine at si Nadres naman ang naging unang editor nito. Inilimbag ito ng Pilipino Komiks Incorporated na sa simula ay Pilipino ang lengguwaheng ginamit. Makalipas ang ilang buwan, naging “Taglish” na ang medium of presentation nito, at nang lumaon, maliban sa mga illustrated stories na nasusulat pa rin sa wikang Pilipino, naging English na ang lengguwaheng ginamit sa mga artikulo sa magazine. Noong huling bahagi ng 1968, ang Atlas Publications Inc. na ang nagpatuloy ng paglilimbag nito.
Ang spread-out cover ng unang labas ng Sixteen Magazine, June 22, 1968,
na nagtatampok sa American rock band na The Raiders.
|
Naging popular na babasahin ang Sixteen na sinubaybayan ng mga campus teenagers, lalo na ng mga kababaihan. Subalit ang mga mag-aaral ng high school at college ay yumaon at nagtapos, naging mga professionals at nagkaroon ng pamilya, at dito sumabay sa pagbabago ang Sixteen. Noong March 1974 naging Sixteen MOD Filipina ang pamagat ng magazine. Makalipas ang siyam na buwan, naging kasing-laki ito ng 11”x13” tabloid. Noon namang October 10, 1975, naging MOD Filipina na ang titulo nito at naging exclusive para sa mga kababaihan. Pagtungtong ng 1980s hanggang 1990s, naging bisexual ang tema ng mga artikulong nilalaman nito na bukod sa mga mag-aaral ay mga professionals at class AB readers ang target. Noong July 3, 1992, naging MOD na lamang ang titulo nito, at noong 2004 lumiit sa 9”x12” ang sukat nito. Sumunod ay inililimbag ang MOD sa coupon-bond size.
Events that happened on June 22:
1936 – Zamboanga (in Zamboanga del Sur) was declared a city by virtue of Republic Act No. 39.
1963 – Angeles (in Pampanga) and Dapitan (in Zamboanga del Norte) were declared cities by virtue of Republic Act Nos. 3700 and 3811 respectively.
Personalities and celebrities born on June 22:
1868 – Claro Caluya, poet and playwright – in Piddig, Ilocos Norte (d. December 14, 1914).
1920 – Jovito Reyes Salonga, lawyer, politician and 14th Senate President (July 27, 1987-December 21, 1992) – in Pasig City (d. March 10, 2016).
1922 – Mona Lisa (real name Gloria Lerma Yatco), beauty queen and award-winning actress – in Tondo, Manila.
Pia Zadora on the
cover of Oui June 1982 issue. |
Ang unang pelikulang nilabasan ng American-born Polish-Italian actress-singer na si Pia Zadora (tunay na pangalan Pia Alfreda Zadorowski Schipani) noong siya ay 10 taong gulang pa lamang ay ang Santa Claus Conquers the Martians (1964) kung saan siya ay gumanap bilang isang batang Martian na nagngangalang Girmar.
Noong 1982, lumabas siya sa kontrobersyal na pelikulang Butterfly na umiikot sa temang father-daughter incest. Sa pelikulang ito, kinanta niya ang “It’s Wrong for Me to Love You.” Napagwagian niya ang Golden Globe Award bilang “Best New Star of the Year,” manapa’y sa inpluensiya di-umano ng kaniyang milyonaryong asawang si Meshulam Riklis. Sa taon ding yaon si Zadora ang pinagkalooban ng Razzie Award para sa “Worst Actress.” Si Zadora ang kauna-unahang artista sa kasaysayan na nabigyan ng Golden Globe Award at Razzie Award para sa kaniyang pagganap sa iisang pelikula.
o O o
No comments:
Post a Comment