Monday, June 4, 2012

June 4


JUNE 4
Lingguhang Darna Komiks Blg. 789, June 4, 1984
Tampok sa taklob-pahina ang kuwentong “Huwag Mo Kaming Isumpa” ni Gilda Olvidado

MUKHA NG NAKARAAN
Isang ilustrasyon ng tradisyunal ng pagpapangko
ng lalaking bagong kasal sa kaniyang kabiyak papasok sa kanilang tahanan,
nasa taklob-pahina ng isang antigong babasahing Liberty na may petsang June 4, 1938.

Events that happened on June 4:
2010 – Manny Pacquiao was named “Fighter of the Decade” by the Boxing Writers Associations of America (BWAA) in the award ceremony held at the Roosevelt Hotel in New York City.


Personalities and celebrities born on June 4:
1884 – Francisco Benitez, educator and founder the Philippine Journal of Education – in Pagsanjan, Laguna (d. June 30, 1951).
1903 – Francisco B. Icasiano, writer and editor – in San Rafael, Bulacan (d. 1945).
 


Arnold Schwarzenegger on the cover of
Joe Weider’s Muscle June 1979 issue
Larawang Tribiya
          Si Arnold Schwarzenegger ang pinakabatang nagwagi ng titulong Mr. Olympia, sa edad na 23-anyos, noong 1970. Noong 1975 matapos magwagi ng ikaanim na beses sa Mr. Olympia, kung saan tinalo niya si Lou Ferrigno, sinabi niyang magreretiro na siya sa bodybuilding. Noon namang 1980, dahil sa masigasig na pagsasanay na ginagawa niya para sa kaniyang papel sa pelikula bilang Conan, napanatili ni Schwarzenegger ang maganda niyang pangangatawan at nagdesisyon siyang muling lumahok sa Mr. Olympia. Muli siyang nagwagi sa ikapitong pagkakataon.
          Sa pelikula, una siya lumabas sa Hercules in New York (1969) kung saan ginamit niya ang screen name na Arnold Strong.
          Nag-auditioned si Schwarzenegger para sa television series na The Incredible Hulk (1978-1982) pero hindi siya natanggap dahil kulang siya sa tangkad (wala pa siyang 6’2”). Si Lou Ferrigno na may taas na 6’5” ang nakakuha ng role.
          Noong 1979, lumabas siya sa dalawang pelikula, sa The Villain (sa papel na Handsome Stranger) kasama sina Kirk Douglas (Cactus Jack) at Ann-Margret (Charming Jones) at sa Scavenger Hunt (sa papel na Lars) na pinagbidahan nina Richard Benjamin at James Coco.
                             o     O     o




No comments:

Post a Comment