Sunday, April 8, 2012

April 8



April issues of different magazines

April 8
Prime Editions Vol. 2 No. 12, April 8, 1987
On the cover: Celine Mercedes Montalban Aguado
 
UNANG LABAS
Ang “Kabalyerong Itim” ay nobelang isinulat ni Rino Bermudez at iginuhit ni Federico Javinal na nagsimulang lumabas sa mga pahina ng Mabuhay Komiks noong Abril 8, 1952. Ang pamagat ng nobela ay hiram mula sa mga maalamat na kuwento tungkol kay King Arthur na lumaganap noong ika-12 siglo. Datapuwa’t naiiba ang nilalaman ng kuwento. Nauna pang nailabas ang likhang ito ni Bermudez sa Mabuhay Komiks at naisapelikula ng LVN Pictures kaysa sa pelikula ni Alan Ladd na The Black Knight (1954). Sa pelikula, sina Rogelio dela Rosa at Tessie Quintana ang nagbida sa ilalim ng direksyon ni Bermudez.
Dalawang isyu ng Mabuhay Komiks, Blg. 16 (Abril 8, 1952) at Blg. 22 (Hulyo 1, 1952),
na nagtatampok sa likha ni Rino Bermudez na “Kabalyerong Itim”
na iginuhit ni Federico Javinal.
 
Events that happened on April 8
1942 – United States general Edward P. King decided to surrender Bataan to the Japanese.


Personalities and celebrities born on April 8:
1961 – Rosemarie de Vera (real name Maria Rosario de Vera, actress – In Quezon City.



Larawang Tribiya
Picture of a young Elizabeth Taylor on the cover
of The Hollywood Reporter April 8, 2011 issue,
published as a tribute barely two weeks after
her death.
          Alam niyo ba na maliban sa Academy Best Actress awards (Battlefield 8, 1960 at Who’s Afraid of Virginia Woolf?, 1966), tumanggap din ang sikat na Hollywood actress na si Elizabeth Taylor (1932-2011) ng marami pang parangal sa iba’t-ibang larangan? Dalawa sa mga ito ay ang French Legion of Honor (1987) at Dame Commander of the Order of the British Empire (2000). Noong 2001, dahil sa kaniyang humanitarian works, higit sa lahat sa pagkakawanggawa na makaipon ng 200-million-dollar na pondo para sa research sa sakit na AIDS at pagkuha ng international attention tungkol sa sakit na ito, siya ay pinagkalooban ng Presidential Citizens Medal. Noon namang 2007, itinanghal siyang kabilang sa California Hall of fame.
                             o     O     o




No comments:

Post a Comment