Friday, June 1, 2012

June 1


ALAM MO BA 'TO?
(Do You Know This?)

Ang Buwan ng Hunyo
          Ang buwan ng Hunyo o June ay pang-anim na buwan sa Gregorian Calendar. Maraming iba’t-ibang etimolohiya ang pinaniniwalaang pinanggalingan ng pangalan ng buwang ito. Ang June ay dating pang-apat na buwan sa Roman Calendar na sinasabing ipinangalan kay Juno, na kapatid at asawa ng punong-diyos ng mga Romano na si Jupiter. Mayroon ding nagsasabing ito ay mula sa pangalan ni Junius Brutus, isang bayaning nagpalaya sa mga Romano sa mga mananakop na Estruscans noong 510 B.C. Maaari ring mula ito sa tawag sa mababang kalipunan ng Roman Senate na Juniores. Ayon sa manunulang Romano na si Ovid (Publius Ovidius Naso, 43 B.C. – A.D. 17), ang pangalan ng buwan ay mula sa salitang juvenis na ang ibig sabihin ay “kabataan.” Ang buwang ng June ay laging naiaangkop bilang buwan ng kasalan dahil noon umanong sinaunang panahon, ito ang buwan na pinipili ng mga kabataang magsing-irog na pagdausan ng kanilang kasal.
          Sa Pilipinas, ang Hunyo ay karaniwang buwan kung saan nagsisimula ang tag-ulan. Isang kabalintunaan o irony sapagkat sa buwan ng Hunyo rin itinatakda ang simula ng pasukan sa paaralan. Sa kalakhang bahagi rin ng buwang ito ipinagdiriwang ng Pilipinas ang kaniyang kasaralinlan.
          Ang rosas, higit lalo ang may pulang kulay, ang natatanging bulaklak ng buwan ng Hunyo. Samantalang ang mga birthstones ng buwan ay ang perlas, moonstone at alexandrite.


JUNE 1
Mr. & Ms. Vol. 28 No. 6, June 1, 2004
On the Front Cover: Aga Muhlach and Kristine Hermosa
On the Back Cover: Kris Aquino for the Kyowa Kitchen Organizer print ad


UNANG LABAS
Ang unang labas ng Men’s Edge (June 1994),
tampok sa taklob-pahina ang supermodel na
si Abbygale Arenas.
Ang Men’s Edge ay unang lumabas sa sirkulasyon noong June 1994. Ang magazine na inilimbag ng Moneysaver Multi-Systems Marketing (na siya ring naglabas ng Moneysaver Magazine) ay lumalabas tuwing ikalawang buwan. Ayon na rin sa prologue “From the Staff,” ang magazine na Men’s Edge ay “magazine by men, for men, of men." Naglalaman ito ng mga bagay-bagay na may kinalaman at kaugnayan sa mga kalalakihan, mula kotse, high-tech gadgets, baril, hanggang sa good grooming, action at adventure. Naglalaman din ito ng mga larawan ng naggagandahang babae, katulad ng supermodel na si Abbygale Arenas (ang iba pang itinampok sa unang isyu ay sina Anna Gonzales at Stella White), na siyang unang naging cover girl ng magazine. Ang unang editor-in-chief nito ay si Alexis F. Medina.









Events that happened on June 1:
1580 – Gomez Perez Dasmariñas arrived in Manila to assume the position of governor-general, as appointed by King Philip II (1527-1598).
1649 – The Sumuroy Rebellion against the forced labor imposed by the Spaniards in Samar began.
1903 – Leonard Wood was apponted as the governor of the Muslim provinces in Mindanao.
1966 – Olongapo, Zambales was declared a city by virtue of Republic Act No.4695.
1971 – The Constitutional Convention opened at the Manila Hotel.


Personalities and celebrities born on June 1:
1855 – Iñigo Corcuera Regalado, tagalog poet and printer – in Sampaloc, Manila (September 2, 1896)
1873 – Fernando Ma. Guerrero, poet, journalist, editor and founder of La Opinion – in Ermita, Manila (d. June 12, 1929)

1975 – Joanna Ampil, international musical theater actress and singer – in Manila.
Joanna Ampil
on the cover of Celebrity World  (October 7, 1996).


Spider-Man (for the film Spider-Man 2) on
the cover ofTV Star Guide June 2004 issue.
Larawang Tribiya
          Ang Spider-Man 2 (2004) ay gumawa ng record na 40.4-million-dollar ticket sale sa opening day nito. Tinalo nito ang record na ginawa ng Spider-Man (2002).
          Sa mga unang drafts ng script ng Spider-Man 2, hindi lang si Doctor Octopus ang Marvel costumed character na lalabas sa pelikula; kasama rin sina Black Cat, The Lizard at si Harry Osborn bilang ang bagong Green Goblin. Subalit sa suhestiyon ng screen story writer na si Michael Chabon nilimitahan na lamang ito sa labanang Spider-Man at Doctor Octopus.
                             o     O     o

1 comment: