JUNE 13
Pioneer Komiks Taon 4 Blg. 93, Hunyo 13, 1966
Tampok sa taklob-pahina ang “Dar Agila” na nobela ni Greg Igna de Dios
na iginuhit ni Jesse F. Santos. |
UNANG LABAS
Ang nobelang “Torkwata” na nilikha nina Carlos Gonda at Pablo Gomez at iginuhit ni Nestor Redondo ay unang lumabas sa Hiwaga Komiks Blg. 143 noong Hunyo 13, 1956. Isinapelikula ito ng Sampaguita Pictures sa ilalim ng direksiyon ni Rosa Mia at screenplay ni Chito B. Tapawan. Si Susan Roces ang gumanap bilang ang dalagang Torkwata, samantalang si Marilou Cuadrado ang batang Torkwata. Kasama rin sa pelikula sina Eddie Arenas, Aruray, Tito Gala, Precy Ortega at Zeny Zabala. Unang itinanghal ang pelikulang Torkwata noong Mayo 14, 1957.
Ang unang labas ng nobelang “Torkwata” (Hunyo 13, 1956) nina Carlos Gonda at Pablo S. Gomez
na iginuhit ni Nestor Redondo sa Hiwaga Komiks. |
Events that happened on June 13:
1899 – American troops ambushed Filipino soldiers in Zapote Bridge, Bacoor, Cavite. It is consisdered one of the bloodiest battle in the Philippine-American War.
1910- The University of the Philippines College of Engineering was established.
1950 – Mindora was divided into two provinces – Oriental Mindoro (with Calapan as capital) and Occidental Mindoro (with mamburao as capital) – by virtue of Republic Act No. 305
Personalities and celebrities born on June 13:
1937 – Raymundo Santiago Punongbayan, first PHIVOLCS director (d. April 28, 2005).
Critically endangered Sumatran rhinoceros,
on the cover of Time June 13, 2011 issue
|
Ang Sumatran rhinoceros (pangalang-agham Dicerorhinus sumatrensis) ang pinakamaliit sa lahat ng nabubuhay na lahi o species ng rhinoceros. Ang pangalang-agham o scientific name nito ay ibinigay ng German scientist at curator ng State Darwin Museum sa Moscow, Russia na si Johann Fischer von Waldheim noong 1814. Ang Dicerorhinus ay mula sa mga salitang Griyego na di (dalawa), cero (sungay) at rhinus (ilong), at ang sumatrensis ay nagpapahiwatig na mula ito sa Sumatra kung saan ito unang nakita. Mayroong tatlong subspecies ang hayop na ito: D. s. sumatrensis, D. s. harrissoni at D. s. lasiotis.
Noong sinaunang panahon ang Sumatran rhinoceros ay laganap sa mga kagubatan ng South at Southeast Asia mula India, Bhutan, Bangladesh Burma at southern China hanggang sa Malaysia at Indonesia. Ngayon, sanhi ng pangangaso upang makuha ang kanilang mga sungay na pinaniniwalaang isang uri ng gamot at aphrodisiac, lubhang nanganganib na silang maubos (critically endangered) at tinatayang humigit-kumulang 200 na lamang ang nalalabing nabubuhay sa Sumatra, Borneo at Malay Peninsula.
o O o
No comments:
Post a Comment