Saturday, August 25, 2012

August 25


Mga komiks (comics) na lumabas sa sirkulasyon sa buwan ng Agosto

AUGUST 25
Espesyal Illustrated Stories Blg. 2602, Agosto 23, 2004
Tampok sa taklob-pahina ang kuwentong “John 3:16”

MUKHA NG NAKARAAN
Ang prinsesa ng United Kingdom na si Diana Spencer,
nasa taklob-pahina ng People Weekly August 25, 1997 issue.
Nasa ibabang inset naman si Dodi Al Fayed, ang sinasabing nakarelasyon ni Princess Diana
matapos silang magkalabuan ni Prince Charles dahil umano sa naunang pagtataksil ng prinsipe.

Agosto 25 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Agosto 25, 1601, itinatag ni Pedro Chirinio ang Colegio Seminario de San Jose sa Intramuros, Manila.
                                                          o     O     o

          Sumiklab ang unang apoy ng himagsikan sa Pilipinas nang makipaglaban ang mga Katipuneros sa mga guardia civil sa Pasong Tamong noong Agosto 25, 1896.
                                                          o     O     o
                  

Personalities and celebrities born on August 25:
1846 – Luis Enciso Villareal, clerk of court and one of the “13 Martyrs of Bagumbayan” (d. January 11, 1897).
1924 – Gerry Roxas (full name Gerardo Manuel de Leon Roxas), politician – in Manila (d. April 19, 1982).
1934 – Eddie Ilarde, radio and television host, and politician – in Iriga City, Camarines Sur.
Director Peque Gallaga with model Amber Dy
on the the cover of Playboy Philippines January-
February 2010 issue.










1943 – Peque Gallaga (real name Maurice Ruiz de Luzuriaga Gallaga), multi-awarded filmmaker.












Ang Country singer na si Shania Twain, sa taklob-
pahina ng Country Weekly August 25, 1998 issue.
 Larawang Tribiya
          Ang Canadian country-pop singer-songwriter na si Shania Twain ay ipinanganak sa pangalang Eileen Regina Edwards. Naghiwalay ang kaniyang mga magulang noong siya ay dalawang taon gulang pa lamang at nag-asawang muli ang kaniyang ina, kaya lumaki siyang gamit ang pangalang Eileen Twain, mula sa kaniyang stepfather na si Jerry Twain.
          Nang pumirma siya sa kaniyang unang recording contract noong 1991, binago niya ang kaniyang first name at ginawang Shania, na mula sa salitang Ojibwa na ang ibig sabihin ay “ako’y lalakad na.” Ang kaniyang stepfather na isang full-blooded Ojibwa Indian ay nagkaroon ng malaking impluwensiya sa buhay ni Shania.
          Noong 1998, ang album ni Shania na may pamagat na “Come On Over” ay itinanghal na “best-selling country album of all time by a female singer” at “second best-seeling album of any genre by a female singer” kasunod ng “The Bodyguard” soundtrack album ni Whitney Houston.
                                                              o     O     o





1 comment: