SEPTEMBER 11
Universal Komiks Taon 2 Blg. 39, Setyembre 11, 1965
Tampok sa taklob-pahina ang kuwentong “Taong Kabayo” ni Pablo S. Gomez
na iginuhit ni Hermoso D. Pancho
|
UNANG LABAS
Ang Mabuhay Komiks ay unang lumabas sa sirkulasyon noong Setyembre 11, 1951. Ito ang ika-16 na komiks na inilimbag sa Pilipinas. Itinampok sa unang labas ang nobela ni Amado C. Yasona na “Sawa sa Lumang Simboryo,” na iginuhit ni Hugo Yonson Jr. Ito ay ginawang pelikula ng Premier production sa ilalim ng patnugot ni Gerry de Leon, at pinagbidahan nina Jose Padilla Jr, Anita Linda at Rita Gomez. Nagwagi ito ng kauna-unahang FAMAS Award para sa Best Picture noong 1952.
Tampok din sa unang labas ng Mabuhay Komiks ang “Borong-Borong” (ni Teodoro Virrey), “Parusa ng Puso” (mula sa kathang-isip ni Carmen Madonna na isina-komiks ni Drew Campillos at iginuhit ni Ben S. Maniclang), at “Ang Kampanero sa Lumang Simbahan” (kuwento ni Iluminado M. De Jesus na iginuhit ni Ruben N. Yandoc).
Ang iba pang nilalaman ng 43-pahinang komiks na inilimbag ng M. E. Anatalio & Company (MEACO) ay “Datu Samarang” (isinulat ni Dolores Calabig Aca at iginuhit ni Federico Javinal, “Mabait na Anak (Isinulat ni Epitacio Reyes Tan at iginuhit ni B. S. Maniclang), “Babaeng Satanas” (isinulat ni Isabelo C. Almario at iginuhit ni R. N. Yandoc, na siyang tampok sa taklob-pahina ng unang isyu), at ilang short strips kabilang ang “Doon Po sa Amin” at “Samson en di Alila (di misteri op di mising daga-dagaan)” ni Deo Gonzales, “Choy” ni Maning P. de Leon at ang “Mga Pakulo ni Mang Porong.”
Setyembre 11 sa Kasaysayan ng Pilipinas
Noong Setyembre 11, 1973, ang Tawi-Tawi na dating bahagi ng lalawigan ng Sulu, ay inihiwalay at idineklarang isang bagong lalawigan sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 302. Ang Tawi-Tawi ay mayroong dalawang kinikilalang kabisera, ang Panglima Sugala at ang Bongao, na kinaruroonan ng sentro ng pamahalaaang-lokal.
o O o
Personalities and celebrities born on September 11:
1904 – Cornelio T. Villareal, politician, Liberal Perty leader and Speaker of the House of Representatives (1962-1967, 1971-1972) – in Mambusao, Capiz.
1907 – Daniel Z. Romualdez, lawmaker and Speaker of the House of Representatives (1957-1962) – in Tolosa, Leyte (d. March 22, 1965).
1911 – Clodualdo Legaspi del Mundo, komiks writer, editor and screenwriter – in Sta. Cruz, Manila (d. October 3, 1977).
1917 – Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos, lawyer, author, war hero, statesman, advocate of Filipino Ideology, Senate President (April 5, 1963 – December 30, 1965) and President (1965-1986) – in Sarrat, Ilocos Norte (d. September 28, 1989).
Martial arts master
and actor Jet Li
on the cover of Men’s Health (September 2004)
|
At the age of 12, Jet Li (Li Lian-jie)
became world champion in wushu even though he faced opponents more than 10
years older than him. As an actor, Jet Li first appeared in the film Shaolin Temple (1982). He is renowned
for playing the roles of Hwang Fei-hung and Fong Sai-yuk in Chinese films
including the Once Upon a Time in China series.
In Hollywood films, Jet Li was first
seen as a villain in the Mel Gibson starrrer Lethal Weapon IV (1998). His first starring role was in the film Romeo Must Die (2000).
In 2003, he starred with rapper DMX in
Cradle 2 the Grave. In this film, Jet
Li demonstrated his martial arts prowess when he fought UFC fighters Randy
Couture, Hector Echavarria, Tito Ortiz, Mark Hicks, Chuck Liddell and Garrett
Warren all at once inside the ring. He also faced Filipino-Irish martial arts
expert Mark Dacascos, who played the villain’s role, at the end of the film.
o O o
The Democratic Revolution in the Philippines (1974)
by Ferdinand E. Marcos. |
(SEE ALSO THE LEGACY OF PRESIDENT FERDINAND E. MARCOS).
No comments:
Post a Comment