Thursday, April 5, 2012

April 5


April 5
Pilipino Komiks Taon 57 Blg. 3213, Abril 5, 2004
Tampok sa taklob-pahina ang kuwentong “Settling”
 
Abril 5 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Abril 5, 1963, naging Senate President si Ferdinand E. Marcos. Siya ang pinakabatang Senador na humawak ng katungkulang ito. Pinamunuan niya ang Senado ng mahigit dalawa’t-kalahating taon hanggang Disyembre 30, 1965.
                                                          o     O     o

          Ang Kabataang Barangay, isang pambansang kapisanan ng mga kabataan, ay itinatag ni Pangulong E. Ferdinand Marcos noong Abril 5, 1975. Layunin nito na bigyan ng pagkakataong makalahok ang mga kabataan sa paghubog ng lipunang Filipino.
                                                          o     O     o



Ipo-Ipo:
Ang Kauna-unahang
Fictional Superhero ng Pilipinas


Isang pahina sa Magasin ng Pagsilang
(p. 9) na nagtatampok kay Ipo-Ipo,
ang itinuturing na kauna-unahang
Filipino superhero ng modernong panahon.
          Ang maituturing na kauna-unahang fictional superhero ng modernong panahon at lumabas sa isang serye sa komiks ay si Ipo-Ipo. Ang karakter na ito ay kathang-isip nina Lib Abrena at Oscar del Rosario, at unang nabasa sa mga pahina ng Magasin ng Pagsilang noong April 5, 1947. Nakukuha niya ang kaniyang kapangyarihan sa ipo-ipo; kasing-bilis siya ng hangin at ang mga bala ng baril ay lumalagos lamang sa kaniyang katawan.
Newspaper movie ads ng pelikulang Bertong Ipo-Ipo (1969)
na pinagbidahan ni Roberto Gonzales.
          May isa pang Filipino superhero na mayroon ding kaparehong kapangyarihan na nilikha naman ni Rico Bello Omagap. Ito ay si Bertong Ipo-Ipo na itinampok sa pelikulang mayroong kaparehong titulo noong 1969. Pinagbidahan ito ng kinikilalang “Karate King” ng Pilipinas na si Roberto Gonzales sa direksyon ni Artemio Marquez.
                                                           o     O     o



 

 
Personalities and celebrities born on April 5: 
1947 – Gloria Macapagal-Arroyo, 14th president of the Philippines – in San Juan.
Gloria Macapagal-Arroyo (then a senator)
on the cover of Celebrity World (January 16, 1995)
 
1971 – Dong Abay (full name Westdon Martin Abay), poet and rock musician – in Manila.
1974 – Sheryl Cruz (Full name Sheryl Rosa Anna Marie Sonora Cruz), actress – in Sta. Cruz, Manila.
Sheryl Cruz (and her daughter Ashley)
on the cover of Mr. & Ms. (October 12, 2004).
 


Sunshine Cruz on the cover of FHM Philippines
second issue (April 2000).
Larawang Tribiya
          Ang kauna-unahang Filipina na lumabas sa cover ng FHM magazine ay si Sunshine Cruz. Ito ay naganap sa ikalawang issue ng FHM Philippines, noong April 2000.
                             o     O     o







  

No comments:

Post a Comment