Ang Buwan ng Setyembre
Ang September o Setyembre ay ang ikasiyam na buwan sa Gregorian Calendar na nagtataglay ng 30 araw. Ang pangalang "September" ay halaw sa salitang Latin na septem na ang ibig sabihin ay “pito” sapagkat ito ang pangpitong buwan sa sinaunang Roman Calendar. Ang "Setyembre" naman ay mula sa salitang Kastila na Setiembre.
Noong panahon ni Emperor Caligula (Gaius Caesar, A.D. 12 – 41) tinawag ang buwang itong Germanicus bilang parangal sa ama ng emperador na si Germanicus Caesar, isang bantog na Romanong heneral. Datapuwa’t hindi nagtagal ang katawagang ito.
Ang birthstone para sa buwan ng September ay ang sapphire samantalang ang bulaklak na sumasagisag sa buwang ito ay ang morning glory.
SEPTEMBER 1
Aksiyon
Komiks
Taon 1 Blg. 7 Setyembre 1, 1950 Tampok sa taklob-pahina ang “Prinsipe Amante” na kathang-isip ni Mario del Mar at na iginuhit ni Alfredo Alcala |
GLIMPSES FROM THE PAST
UNANG LABAS
Ang Revista Popular de Filipinas, isang pahayagan sa wikang Kastila, ay unang lumabas noong Setyembre 1, 1888.
Ang El Renacimiento, isa popular na pahayagang itinatag ni Martin Ocampo at inilimbag sa wikang Kastila ay unang lumabas sa sirkulasyon noong Setyembre 1, 1899. Nakilala ang pahayagang ito sa pagtuligsa sa pamamalakad ng mga mananakop na Amerikano sa Pilipinas.
Ang Aliwan Comix, isang babasahing pangmasa ay unang lumabas sa sirkulasyon noong Setyembre 1, 1951. Tampok sa unang labas ang mga sumusunod na kuwento: “Alamat ng Diyos ng Araw” ni Reynaldo Franco, “Ang Abilidad ni Mang Isio” ni Florencio Concepcion, “Ang Insurekto” ni Tomas Naagas, “Ang Mahiwagang Liham” ni Fermin Sanchez, “Bandilang Bungo” nina Buenaventura Medina, Angel Cacnio at Tomas Naagas, “Conde Lucifo” nina J. R. Silva, Jose Joya at Felix Rodolfo, at “Si Palbong Paltos” ni Florencio Concepcion.
Setyembre 1 sa Kasaysayan ng Pilipinas
The 110th
anniversary of the Civil Service Commission on the cover of Philippine Panorama (September 5, 2010). |
o O o
Ang Philippine Normal School ay itinatag sa pamamagitan ng Act No. 416 noong Setyembre 1, 1901. Nang lumaon, ito ay naging Philippine Normal College (PNC), ang tanging kolehiyo na pinalalakad ng estado na nakalaan sa pag-aaral ng mga guro.
o O o
Ang Baguio (na bahagi ng lalawigan ng Benguet) ay idineklarang isang lungsod sa pamamagitan ng Act No. 1963 noong Setyembre 1, 1909. Ang lungsod, na itinuturing na summer capital ng Pilipinas, ay dinisenyo at binuo ng arkitektong Amerikanong si Daniel Burnham.
o O o
Itinayo ng pamahalaan ang Philippine General Hospital sa Taft Avenue, sa Manila, para sa mga mahihirap na pasyente noong Setyembre 1, 1910.
o O o
Ang Social Security System (SSS) sa Pilipinas ay itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No. 1972 noong Setyembre 1, 1957.
o O o
Personalities and celebrities born on September 1:
1869 – Alejandro Albert, educator, pharmacist and “Father of Baseball in the Philippines” – in Sampaloc, Manila (d. December 20, 1936)
1907 – Gil Juco Puyat, businessman, politician and Senate President (January 26, 1967 – January 17, 1973) – in Manila (d. March 23, 1980).
1966 – Ariel Rivera (full name Jose Ariel Jimenez Rivera), singer-songwriter and actor – in Manila.
1985 – Ciara Camille Roque Velasco, Filipino-American singer, who placed ninth on the third season of American Idol – Makati City.
Commander William R.
Anderson, the commanding officer of USS Nautilus, on the cover of Life (September 1, 1958), after successfully traveling under the waters of the North Pole. |
On August 3, 1958, under Commander William R. Anderson (1921-2007), the Nautilus became the first submarine to travel under the waters of the North Pole.
o O o
No comments:
Post a Comment