Saturday, September 29, 2012

September 29


Mga komiks (comics) na lumabas sa buwan ng Setyembre


SEPTEMBER 29
Manila Klasiks Taon 1 Blg. 8, Setyembre 29, 1951
Tampok sa taklob-pahina ang “Walang Gulat” na kathang-isip ni Cirio Galvez Almario.


MUKHA NG NAKARAAN
Ang “Quiz Kid” na si Gerard Darrow,
tampok sa taklob-pahina ng Life Magazine September 29, 1941 issue.

Setyembre 29 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Setyembre 29, 1898, ang Paghayag ng Kasarinlan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite ni Heneral Emilio Aguinaldo ay pinagtibay sa Kongreso ng Malolos.
                                                          o     O     o

          Ang mga taong-bayan ng Balangiga, Samar, ay magiting na naghimagsik laban sa mga pagmamalabis ng mga sundalong Amerikano. Lumaban sila at napatay ang 48 sundalong Amerikano na sumakop sa kanilang bayan. Bilang ganti, iniutos ni Heneral Jacob H. Smith na paslangin ang lahat ng mamamayan ng bayan, bata man o matanda, at gawing isang “umaatungal na kaparangan” (“howling wilderness”) ang Balangiga. Ang kaniyang utos: “Patayin ang lahat ng tao at sunugin ang lahat ng bagay; higit na marami kayong nasunog at napatay, higit itong makalulugod sa akin” (“Kill everyone and burn everything; the more you burn and kill, the better it will please me”). Ninakaw din ng mga sundalong Amerikano ang mga kampana ng simbahan ng Balangiga at dinala ito sa America bilang isang samsam (dalawa sa mga kampana ay matatagpuan ngayon sa F.E.Warren Air Force Base sa Cheyenne, Wyoming, at ang isa pa ay nasa Madison Barracks sa Sackets Harbor, New york). Tinagurian ito sa kasaysayan ng Pilipinas na “Balangiga Massacre.”
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on September 29:
1925 – Eugenia Apostol (birth name Eugenia Obsum Duran), publisher – in Sorsogon.
1951 – Mike Enriquez (full name Miguel Castro Enriquez), radio-television newscaster, broadcast journalist and network executive – in Sta. Ana, Manila.
1969 – Angelo Barretto, race car driver.
1972 – Arnold Ilagan Atienza, athlete, newscaster and politician – in Manila.



Ang American actress na si Piper Laurie, tampok sa
taklob-pahina ng Photoplay Magazine September 1951
issue.

Larawang Tribiya
          Alam niyo ba kung sino ang nagputong ng korona sa kauna-unahang Miss Universe na si Armi Helene Kovo Kuusela? Siya ay ang Hollywood actress na si Piper Laurie (tunay na pangalan Rosetta Jacobs). Naganap ito sa Long Beach, California noong 1952.
                            o     O     o



No comments:

Post a Comment