Thursday, September 13, 2012

September 13


SEPTEMBER 13
Tagalog Klasiks Taon 9 Blg. 240, Setyembre 13, 1958
Tampok sa taklob-pahina ang kuwentong “Bambino” ni Teresita Arce Cruz
na iginuhit ni Federico C. Javinal
 
GLIMPSE FROM THE PAST
Actress and singer Judy Garland (real name Frances Ethel Gumm, 1922-1969),
on the cover of Life (September 13, 1954)
 
Setyembre 13 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Setyembre 13, 1988, naisabatas ang Republic Act No. 6675, na tinatawag ding “Generics Act.” Layon ng batas na ito ang paggamit ng pangalang generics ng mga gamot-botika sa pagrereseta ng mga manggagamot at ang produksiyon ng mga generic drugs sa higit na mababang presyong abot-kaya ng mga ordinaryong mamamayan.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on September 13:
1903 – Amado Vera Hernandez, award-winning writer, editor, newspaperman, labor leader and National Artist for Literature – in Tondo, Manila (d. March 24, 1970).
1953 – Rufus B. Rodriguez, politician – in Cagayan de Oro City.
1957 – Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr, politician and legislator – in Manila. 
Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr
From left clockwise: Asikasong Bongbong Komiks (The Bongbong Marcos Story, 2010),
Bongbong with Mom Imelda R. Marcos (1992 pocket calendar),
and Bongbong Marcos (Asikasong Tuloy-tuloy) sa Senado campaign item (2010)


1962 – Rafael Kayanan, Filipino-American comic book artist and Sayok-Kali martial arts master – in Manila.  
1977 – Rudy Hatfield (full name Rudolf Conse Hatfield II), American-Filipino basketball player – in Kalamazoo, Detroit, Michigan.
Rudy Hatfield (with Rufa Mae Quinto)
on the cover of Mr. & Ms. (June 11, 2002).

1986 – Sugar Mercado, dancer, actress and comedian – in Cavite.
 


Nasa taklob-pahina ng Mabuhay
(September 1994)
ang larawang kuha ni Wig Tysmans
ng isang anthromorphic figure
na nakadikit sa isang sisidlang pilak
na kabilang sa 34,407 artifacts
na nakuha sa San Diego.
Larawang Tribiya
          Ang Spanish galleon na San Diego ay dating isang sasakyang-dagat na pangkalakal na ang pangalan ay San Antonio, bago ito nilagyan ng mga kanyon at ginawang pandigma. Si Antonio de Morga (1559-1636) ang ginawang kapitan nito.
          Noong Disyembre 14, 1600, nakasagupa ng San Diego ang saskyang-dagat pandigma ng mga Dutch na Mauritius na pinamumunuan ni Olivier van Noort (1558-1627) sa karagatan humigit-kumulang 50-kilometro sa timog-kanluran ng Maynila, malapit sa Nasugbu, Batangas. Napalubog ang San Diego nang hindi man lamang nakaganti ng kahit isang putok. Ito ay kahit pa tatlong beses na higit na malaki ito kaysa sa Mauritius.
          Makalipas and halos 400 na taon, natagpuan ang mga labi ng galleon sa ilalim ng karagatan malapit sa dalampasigan ng Fortune Island, sa Nasugbu, Batangas. Nakuha mula rito ang 34,407 na artifacts kabilang ang isang 17th-century astrolabe, na itinuturing na isa sa limang “oldest and best preserved specimen” na nalalabi sa daigdig.
 
                      o     O     o

No comments:

Post a Comment