Wednesday, September 12, 2012

September 12


September issues of different magazines


SEPTEMBER 12
September 12 (1994): Celebrity World Magazine  Vol. 3 No. 162
On the Cover: Plinky Recto


MUKHA NG NAKARAAN 
Ang American actress na si Joan Collins
tampok sa taklob-pahina ng Life Magazine September 12, 1955 issue.


Setyembre 12 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Setyembre 12, 1896, matapos paghuhulihin, ikulong at pahirapan, labing-tatlong Filipino ang ipinapatay ng pamahalaang koloniyal ng mga Kastila malapit sa timugang muog ng Fort San Felipe sa Cavite. Ang kanilang mga bangkay ay isinakay sa isang kariton at inihagis sa isang libingan malapit sa bayan ng Caridad. Sila ang kinikilala sa kasaysayan ng Pilipinas na Labing-tatlong Martir ng Cavite.
                                                          o     O     o

          Isang araw matapos ang kaniyang ika-64 na kaarawan, noong Setyembre 12, 1981, sa pamamagitan ng Letter of Instruction No. 1161, naglaan si Pangulong Ferdinand Marcos ng isang bilyong piso bilang pondo ng Kilusang Kabuhayan at Kaunlaran (KKK). Malaki ang naitulong ng programang ito upang mapababa ang halaga ng mga bilihin at maibsan ang malaking gastusin ng mga mamamayan lalo na ang mga mahihirap.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on September 12:
1875 – Mariano Riego de Dios, revolutionary general and member of the Katipunan – in Maragondon, Cavite (d. February 7, 1935).
1913 – Gerardo “Gerry” de Leon (birth name Gerardo Ilagan), medical doctor, actor, director and National Artist for Cinema (1982) (d. July 25, 1981).
1936 – Guillermo Gomez Rivera, poet, playwright, journalist and linguist – in Dingle, Iloilo.
1972 – Jeffrey J. Cariaso, basketball player – in San Francisco, California, U.S.A.

Kara David gracing the cover of Celebrity Living Magazine
June 2012 issue.










1973 – Kara David (Kara Patria Constantinto David), multi-awarded broadcast journalist. 














Si Heather Locklear tampok sa taklob-pahina
ng TV Guide Magazine September 12, 2004
issue.
Larawang Tribiya
          Ang American actress na si Heather Locklear ay nakilala sa kaniyang pagganap sa mga sumusunod na television series: bilang Sammy Jo Carrington sa Dynasty, Officer Stacy Sheridan sa T.J. Hooker, Paige Connally sa The Fall Guy, Amanda Woodward sa Melrose Place, at Caitlin Moore on Spin City.
          Noong 2004, nagbida siya bilang Harley Random sa isa pang television series, ang LAX, na tungkol sa mga kalakaran sa Los Angeles International Airport. Siya rin ang tumayong executive producer the NBC series. Datapuwa’t dahil sa bad reviews at mahinang ratings, tumagal lamang ng 13 episodes ang LAX.
                             o     O     o






No comments:

Post a Comment