Saturday, September 8, 2012

September 8


September issues of different magazines

SEPTEMBER 8
September 08 (1989): MOD Filipina Vol. XXI No. 940
On the Cover: Gladys May Fauni


UNANG LABAS
Si Tracy Torres tampok sa unang isyu ng
18 Magazine (December 2003).
Ang 18 Magazine ay isang buwanang babasahing panglalaki na inilimbag ng Orange Crush Publishing at unang lumabas sa sirkulasyon noong September 2003. Ito ay pinatnugutan ni Eric L. Borromeo. Naglalaman ito ng mga seksing larawan ng mga artista at mga artikulong tugma sa panlasa at kaaliwan ng mga kalalakihan. Tampok sa unang isyu si Tracy Torres bilang cover girl at sa “Profile” article, si Juliana Palermo sa “Fantastic Female of the Month” article at ang “10 Most Fantasized Female Star” (mula Number 10 pataas sa Number 1): Assunta De Rossi, Rufa Mae Quinto, Hazel Cabrera, Halina Perez, Katya Santos, Joyce Jimenez, Andrea del Rosario, Maui Taylor, Aubrey Miles at Diana Zubiri.


Setyembre 8 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Setyembre 8, 1935, idinaos ang kauna-unahang bolahan ng Philippine Charity Sweepstakes Officer para sa benepisyo ng Boys Scouts of the Philippines at ng Philippine Amateur Athletic Federation.
                                                          o     O     o


MUKHA NG NAKARAAN
Ang Italian-American pro-wrestling champion na si Bruno Sammartino,
tampok sa taklob-pahina ng Pro Wrestling Illustrated September 1980 issue.


Personalities and celebrities born on September 8:
1870 – Adriano Hernandez, musician, member of the malolos Congress, revolutionary general and director of the Bureau of Agriculture (d. February 16, 1925).
1892 – Natividad Almeda-Lopez, suffragist, juror, philanthropist and first woman justice in Asia (d. January 23, 1977)
1915 – Nestor Vicente Madali Gonzalez, writer, journalist, author, teacher and National Artist for Literature (1997) – in Romblon, Romblon (d. November 28, 1999).
1939 – Bernard Bonnin (full name Bernard Manuel Iglesia Zayco Bonnin), Filipino-Spanish actor – in Himamaylan, Negros Occidental (d. November 21, 2009).
1957 – Liza Maza, social worker, political activist and congresswoman
1984 – Janus del Prado (full name John Mark Patrick Steve Jimenez del Prado), actor and comedian.
1996 – Krystal Reyes (full name Jolina Marie B. Reyes), actress – in Santa Maria, Bulacan.



Tampok sa taklob-pahina ng Life Magazine September 8,
1941 issue ang isang mag-aaral sa kolehiyo na naka-pigtails.

Larawang Tribiya
          Ayon sa kahulugang makikita sa karamihan sa mga dictionary o talasalitaan, ang “pigtail” ay isang balumbon ng binuhol na buhok. Datapuwa’t sa tunay na kahulugan batay sa kasaysayan at sa mga estilo ng pag-aayos ng buhok, ang “pigtail” ay tumutukoy sa dalawang balumbon.
          Noong sinaunang panahon sa bansang China, isang tradisyon na ang mga babaeng wala pang asawa ay nagtatali ng kanilang buhok sa ganitong paraan, dalawang balumbon ng binuhol na buhok sa magkabilang bahagi ng ulo. Kapag nakapag-asawa na ang babae, nagiging isa na lamang ang balumbon. Ang tradisyong ito ay dinala ng mga Intsik sa kanluran at, nang lumaon, ang paraan ng pagtatali ay ginaya na ng mga taga-kanluran.
                             o     O     o










No comments:

Post a Comment