Monday, September 10, 2012

September 10




SEPTEMBER 10
Tagalog Klasiks Taon 1 Blg. 5, Setyembre 10, 1949
Tampok sa taklob-pahina ang “Mga Kuwento ni Lola Basyang: Ang Sirena sa Ilog Pasig”
ni Severino Reyes.
 
UNANG LABAS 
Ang unang labas ng Homestyle (September 2007)
Kung saan tampok sataklob-pahina si Celine Lopez,
ang editor ng Philippine Star “Ystyle” section at
ang kaniyang mga natatanging collections.
Ang Homestyle (na may subtitle na “Redefining the Filipino Home) ay unang lumabas noong September 2007. Ito ay isang monthly magazine na inilimbag ng New Leaf Publications, Inc. Si Jeff F. Isidro ang editor-in-chief ng magazine na ito na naglalaman na mga artikulo tungkol sa architecture, interior design, landscaping, food, travel at mga natatanging ideya ay pananaw sa buhay, hanap-buhay at pangarap.
                     o     O     o



















Setyembre 10 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Setyembre 10, 1969, itinatag ng dating Unang Ginang Imelda R. Marcos ang Cultural Center of the Philippines. Ito ang naging pangunahing pook-tanghalan ng mga sining at kultura ng Pilipinas.
                                                          o     O     o

          Ang Quirino, na dating bahagi ng lalawigan ng Nueva Vizcaya, ay idineklarang isang bagong lalawigan sa pamamagitan ng Republic Act No. 6394, noong Setyembre 10, 1971.
                                                          o     O     o

          Ang unang Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas ay ginanap sa National Press Club noong Setyembre 10, 1988, sa pagtangkilik ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL).


Personalities and celebrities born on September 10:
1912 – Mary Ebio Walter, German-Filipino actress – in Bacon (now part of Sorsogon City), Sorsogon (d. February 25, 1993).
1941 – Rosendo Carreon Balinas Jr, lawyer, journalist and chess grandmaster (d. September 24, 1998).
1941 – Ruben Deloso Torres, politician, and government official – in Botolan, Zambales.


Ang “Waldas” ni Francisco V. Coching
Ang nobelang “Waldas” ni Francisco V. Coching,
tampok sa taklob-pahina ng Pilipino Komiks
Blg. 216 (Setyembre 10, 1955).
          Isa sa itinatanging nobela ni Francisco V. Coching ang “Waldas” (1954-1955) na kapwa niya isinulat at iginuhit para sa mga pahina ng Pilipino Komiks. Ang kuwento ay tungkol sa isang dalagang anak-mayaman na nagngangalang Elizabeth Sandoval, na mula sa pagkabata ay nasusunod ang bawat maibigan, at nagdalagang isang “waldas.” Nagsimula lamang magbago ang lahat nang mabiyudo at makapag-asawang ikalawa ang kaniyang ama ng isang mapanghimasok at malupit na madrasta.
          Ang “Waldas” ay isinapelikula ng Sampaguita Pictures noong 1955 na tinampukan ni Myrna Delgado sa pangunahing papel. Katambal niya si Pancho Magalona. Kasama rin sa pelikula sina Van de Leon, Eddie Garcia, Chichay, Rosa Mia, Conrado Conde, Panchito, Teroy de Guzman at Eddie Arenas.
                             o     O     o









Madonna on the cover of Rolling Stone
(September 10, 1987).
Picture Trivia
          Do you that Madonna (full name Madonna Louis Ciccone) dedicated her album True Blue (1986) to her then husband Sean Penn? According to Rolling Stone, the songs in the album “originated from her heart.” Three of the songs reached Number 1 on the Billboard Hot 100: “Live to Tell,” “Papa Don't Preach” at “Open Your Heart.” Aside from these, two more songs from the album was in the Top Five, “True Blue” at “La Isla Bonita.” The True Blue album, on the other hand, soared to the top charts of more than 28 countries.
          The following year, from July to September 1987, Madonna was on the “Who's That Girl” World Tour. Unfortunately, in Madonna’s rise to fame, her relationship with Penn soured. On December 1987, they filed for divorce that took effect on January 1989.

                                      o     O     o

No comments:

Post a Comment