Monday, September 17, 2012

September 17

 
September issues of different magazines


SEPTEMBER 17 
September 17 (1993): MOD Magazine Vol. XXVI No. 1150
On the Covers: Maria Sarah”Eyeing” P. Bequilla

MUKHA NG NAKARAAN
Ang American actress na si Monetta Eloyse “Linda” Darnell (1923-1965),
tampok sa taklob-pahina ng vintage Screen Guide September 1947 issue.


Setyembre 17 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Setyembre 17, 1935, si Manuel Luis Quezon ay nahalal na Pangulo ng Philippine Commonwealth.
                                                          o     O     o

          Ang Siquijor na dating island sub-province ng Negros Oriental ay idineklarang isa ng lalawigan noong Setyembre 17, 1971 sa pamamagitan ng Republic Act No. 6398. Ang Siquijor bago ang 1901 ay tinatawag na Katugusan.
                                                          o     O     o

          Nagpahayag si Lean Alejandro, founder ng Bagong Alayansang Makabayan (BAYAN), ng isang pambansang malawakang kilos-protesta noong Setyembre 17, 1987, upang kondenahin ang lumilitaw na pasismo sa rehimeng Cory Aquino. Dalawang araw matapos ito, siya ay pinaslang.
                                                          o     O     o

          Ang political party na Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) ay pormal na inilunsad noong Setyembre 17, 1988.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on September 17:
1871 – Francisco Makabulos, revolutionary general – in La Paz, Tarlac (d. April 30, 1922)
1935 – Romeo Aliac Brawner, judge and public official – in Solano, Nueva Vizcaya (d. May 29, 2008).
1941 – Jing Abalos, stunt instructor and actor – in Bayambang, Pangasinan.

1949 – Didith Reyes (real name Maria Helen Bella Avenila Santamaria), singer, actress, “Jukebox Queen” and beauty salon owner (d. December 10, 2008).

1958 – Alex Tinsay, news reporter.
Francine Prieto on the cover of Speed Magazine
March 2009 issue.









1982 – Francine Prieto (real name Anna Marie Falcon), actress and model – in Manila.












1983 – Aiza Seguera (full name Cariza Yamson Sequera), actress, singer-songwriter and guitarist – in Calauag, Quezon.


Ang McDonald Hamburger
“McDonald’s – The Humburger Empire” on
the Cover ofTime Magazine Vol. 102 No. 212,
September 17, 1973
          Alam niyo ba na ang McDonald Hamburger Fast Food Restaurant ay nagsimula noong 1940 bilang isang barbecue restaurant? Ito ay sinimulan ng magkapatid na sina Richard at Maurice McDonald sa 1398 North E Street at West 14th Street in San Bernardino, California. Naging hamburger food chain ito noong 1948. Ang businessman na si Ray Kroc ay naging franchise agent at kasosyo nila McDonald noong 1955. Nang lumaon ay nabili ni Kroc ang hamburger chain ay sinimulan ang paglago nito sa buong daigdig.
          Ang pangalan ng orihinal na mascot ng McDonald's ay Spedee. Ito ay napalitan noong 1967 ni Ronald McDonald.
                              o     O     o







Isang ilustrasyon ng Snow White and the Seven Dwarfs,
tampok sa taklob-pahina ng vintage Film Pictorial
September 17, 1938 issue.
 Larawang Tribiya
          Ang pinakakilalang version ng fairy tale tungkol kay Snow White ay ang kinolekta ng Brothers Grimm na Schneewittchen und die sieben Zwerge (1912) o Snow White and the Seven Dwarfs.
          Sa pelikula ng Walt Disney na Snow White and the Seven Dwarfs na unang ipinalabas sa Carthay Circle Theater, Hollywood (December 21, 1937) unang nabigyan ng pangalan ang mga duwende: Bashful, Doc, Dopey, Grumpy, Happy, Sleepy and Sneezy. Sa pelikulang ito, tanging si Dopey ang hindi nagsalita. Si Doc naman ang tanging may salamin sa mata. Sa jam session sa pelikulang ito, si Grumpy ang nagpatugtog ng piano, si Sleepy ang trumpet, si Dopey ang drum, si Doc sa bass, si Sneezy sa accordion. Si Bashful ang may hawak ng mga sagisag at si Happy ang nag-aktong lider o conductor.
                           o     O     o

No comments:

Post a Comment