SEPTEMBER 7
Silangan Komiks Taon 1 Blg. 9, Setyembre 7, 1950
Tampok sa taklob-pahina ang “Buntala” na iginuhit ni Francisco V. Coching
(Courtesy of the Hironoki Collection).
|
Setyembre 7 sa Kasaysayan ng Pilipinas
Noong Setyembre 7, 1946, ang pangalan ng lalawigan ng Tayabas ay pinalitan ng Quezon sa pamamagitan ng Republic Act No. 14.
o O o
Personalities and celebrities born on September 7:
1840 – Regino Baza Garcia, artist, painting instructor, botanist and forester – in Manila (d. July 6, 1916).
1937 – Zacarias Sarian, agriculture and farming expert and Ramon Magsaysay awardee for Agricultural Journalism – in Batac, Ilocos Sur.
1957 – Weng Weng (real name Ernesto de la Cruz), actor and martial artist, listed in the Guinness Book of World Records as the shortest (33 inches in height) adult actor in a leading role – in Baclaran, Parañaque City (d. August 29, 1992).
1983 – Joseph Henry L. Yeo, basketball player – in Manila.
1990 – Serene Dalrymple (full name Serena Gail Billones Dalrymple), Scottish-Filipino product endorser and actress – in Las Piñas.
WIKApedia
Ang Tyrannosaurus
rex o T-rex (kuha mula sa pelikulang Jurassic Park), tampok sa taklob-pahina ng Empire (August 1993). |
Sa Wikang Filipino, isang bagong euphemism ang salitang “dyurasik” (“Jurassic”) na ang ibig sabihin ay “ubod ng luma” o “ubod ng tanda” bilang pagsasalarawan, halimbawa, ng isang gamit o kasangkapan. Ang pagsasalarawang ito ay naging bahagi ng mainstream literature matapos ang pagpapalabas ng Jurassic Park (1993) at ng mga sequels nito sa Pilipinas.
Ang illustration ng
tatlong dinosaurs: Stegosaurus (buong larawan),
Brontosaurus (ulo at leeg ang makikita),
at Rhamphorynchus (lumilipad),
tampok sa taklob-pahina ng Life (September 7, 1953). |
Ang mga dinosaurs (sipatin ang kalakip na larawan) na stegosaurus (“cover lizard”), brontosaurus (“thunder“lizard) at rhamphorynchus (“prow beak”) ay nabibilang sa panahon ng Jurassic Period. Ang Jurassic Period ay ang pangalawang panahon (period) ng Mesozoic Era. Ang una ay ang Triassic Period, at ang sumusunod naman sa Jurassic Period ay ang Cretaceous Period. Ito ang mga panahon kung saan nagsulputan at nabuhay sa daigdig ang mga dinosaurs. Tinatayang ang panahon ng Jurassic Period ay naganap mga 200-145 milyong taon na ang nakakaraan (Basahin ang KARAGDAGANG KAALAMAN sa ibaba).
o O o
KARAGDAGANG KAALAMAN
Alam niyo ba na maraming mali sa pelikulang Jurassic Park at sa dalawang sequel nito? Una sa lahat, ang tyrannosaurus rex o t-rex ay dinosaur na nabuhay sa Cretaceous Period at hindi sa Jurassic Period. Ganoon din ang velociraptor, triceratops, spinosaurus, etc.
Si Steven Speilberg
na napapalibutan ng mga Velociraptors, tampok sa taklob-pahina ng Time (May 19, 1997). |
o O o
Ang Jurassic Park ay isang nobelang science fiction na sinulat ni Michael Crichton noong 1990. Ganoon din ang 1995 sequel nito na The Lost World. Ang dalawang nobela ay ginawang pelikula na may mga kaparehong titulo ni Steven Speilberg noong 1993 at 1997. May ikatlong pelikulang nagawa na hiwalay sa mga nobela ni Crichton na dinirehe naman ni Joe Johnston noong 2001. Alam ni Crichton ang mga scientifically questionable details ng kaniyang nobela subalit ito pa rin ang ginamit na batayan sa mga pelikula.
o O o
Ayon sa mga siyentista, impossible na ma-clone ang mga dinosaurs sa mga paraang binanggit at inilarawan sa mga naturang nobela at pelikula.
o O o
The
How and Why Wonder Book of Dinosaurs (1971), authored by Darlene Geis and illustrated by Kenyon Shannon. |
Sa Jurassic Park III, naglabanan ang tyrannosaurus rex at spinosaurus. Sa tunay na buhay, imposible itong mangyari, sapagkat magkaiba ang panahon at lugar kung saan nabuhay ang dalawang dinosaur. Bagama’t parehong nabibilang sa Cretaceous Period ang t-rex at spinosaurus, sa magkaibang bahagi ng panahon na ito na milyon-milyong taon ang pagitan sila nabuhay. Bukod dito ang t-rex ay lumaganap sa North America samantalang ang spinosaurus ay sa Africa.
o O o
No comments:
Post a Comment