Monday, October 1, 2012

October 1


ALAM MO BA 'TO?
(Do You Know This?)
 
October issues of different magazines


Ang Buwan ng Oktubre
          Ang Oktubre o October ang ikasampung buwan sa Gregorian Calendar. Mapapansing ang salitang English na “October” ay halaw sa Latin na octo na ang ibig sabihin ay “walo.” Ito ay dahil sa sinaunang kalendaryong Romano, ito ang ikawalong buwan ng taon.
          Noong panahon ng Roman emperor na si Tiberius (42 B.C.-A.D. 37), tinangkang palitan ang pangalan ng buwan ng October na Livius (bilang parangal kay Livia, ang ina ng emperador) katulad ng pagpapalit sa Quintilis (na naging July bilang parangal kay Julius Caesar) at Sextilis (na naging August bilang parangal kay Augustus Caesar). Datapuwa’t tumanggi si Emperor Tiberius.
          Nang maging emperador si Domitian (A.D. 51-96), tinangka niyang ipangalan sa kaniya ang buwang ito subalit hindi naman ito nagtagal.
          Noong A.D. 183, muling tinangkang palitan ang tawag sa buwan na maging Hercules bilang parangal kay Emperor Commodus (A.D. 180-192) na tumatawag sa kaniyang sarili sa pangalang ito, subalit hindi ito naipatupad.
          Ang mga bulaklak ng buwan ng Oktubre ay calendula at cosmos. Ang opal at tourmaline naman ang mga birthstones.
          Ang bantog na Lansones Festival sa isla ng Camiguin ay ginaganap sa buwan ng Oktubre


OCTOBER 1
October 01 (1996): Mr. & Ms. Magazine Vol. XX No. 22
On the Cover: Diether Ocampo and Angelika


UNANG LABAS
Ang full-spread cover ng Genetix Vol. 1 No. 1 (October 1993)
na iginuhit nina Phil Gascoine at Robin Riggs.
Ang Genetix ay unang inalabas ng Marvel Comics (UK imprint) sa isang limited edition noong October 1993, bagama’t una na itong inilimbag sa titulong Codename: Genetix #1 noong January 1993. Ang Genetix ay isang koponan ng fictional superheroes na nilikha nina Andy Lanning, Graham Marks at Phil Gascoine.
Sa unang labas ng comics na ito na may pamagat na “Deadly Harvest” ipinakilala ang mga “genetically enhanced renegades” na sina Base, Stinger, Shift, Ridge, na nakipaglaban sa isa pang team na kinabibilangan nina Death’s Hear II, Killpower, Albion, Motormouth (na unang nakita sa Dark Guard #1).
                                                          o     O     o



Oktubre 2 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Oktubre 1, 1901, ang Saligang-Batas ng Iglesia Filipina Indepediente na itinatag nina Gregorio Aglipay at Isabelo de los Reyes ay na buo at naitatag.
                                                          o     O     o

          Nabuo ang Philippine News Agency (PNS) noong Oktubre 1, 1950. Ito ang unang news agency na naitatag sa Pilipinas.
                                                          o     O     o

          Ginanap sa Pilipinas noong Oktubre 1, 1975 ang pangatlong paglalaban ng mga heavyweight boxers na sina Muhammad Ali at Joe Frazier na tinaguriang “Thrilla in Manila.” Nagwagi si Ali sa pamamagitan ng technical knockout sa ika-14 na round.
                                                          o     O     o


Personalities and celebrities born on October 1:
1867 – Angel Magahum, novelist and playwright (in Hiligaynon) – in Molo, Iloilo (d. November 28, 1935).
1976 – Pablo “8” Toleran, guitarist.
1990 – Paige McPherson, American-Filipino Olympic Taekwondo competitor – in Abilene, Texas.



Si Mickey Mouse tampok sa taklob-pahina ng
TV Guide September 1-7, 1955 issue.

Larawang Tribiya
          Si Walt Disney ang nagboses kay Mickey Mouse mula ng magkaroon ito ng nagsasalitang animation. Humalili si Jimmy MacDonald noong 1946, subalit muli itong binosesan ni Disney mula 1955 hanggang 1959 para sa Mickey Mouse Club television series.
                             o     O     o





No comments:

Post a Comment