Tuesday, May 15, 2012

May 15


Mga komiks (comics) na lumabas sa sirkulasyon sa buwan ng Mayo

MAY 15
Teens Weekly, Taon 1 Blg. 43, Mayo 15, 1971
Tampok sa taklob-pahina ang tambalang “Guy & Pipi” (Nora Aunor at Tirso Cruz III).


Events that happened on May 15:
1961 – The Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) was registered with the Securities and Exchange Commission


Personalities and celebrities born on May 15:
1893 – Jose Nepomuceno, pioneer filmmaker who made the first full-length movie in the Philippines, Dalagang Bukid – in Manila (d. December 1, 1959)

 


 




1969 – Rachel Lobangco, actress, dancer and model.











 
1972 – Andy Seigle (full name Andrew John Yadao Seigle), basketball player – in Scranton, Pennsylvania, U.S.A. 
1987 – Jennylyn Mercado (full name Jennylyn Anne Pineda Mercado), actress, model and singer – Las Piñas City.
Jennylyn Mercado on the cover of, from left to right, FHM Philippines November 2009, Rogue November 2010, and Women’s Health Philippines March 2011 (Courtesy of Mrs. Susan Ang-Sy Dy)


Ang Kurdapya
Ang nobelang-komiks na “Kurdapya” tampok
sa taklob-pahina ng Tagalog Klasiks Blg. 127,
na may petsang Mayo 15, 1954.
          Isang nakatutuwang nobelang-komiks ang “Kurdapya” (1953-1954) na pinagtulungang isulat nina Pablo S. Gomez at Carlos Gonda para sa Tagalog Klasiks. Dalawa rin bantog na ilustrador, sina Nestor Redondo at Afredo Alcala, ang naitokang gumuhit ng kuwentong ito tungkol sa isang tila pangit na batang babae na naging isang magandang binibini, si Kurdapya.
          Ginawa itong pelikula ng Sampaguita Films noong 1955, na nagtampok sa tambalang Gloria Romero (bilang Kurdapya) at Ric Rodrigo. Kasama rin sa pelikula sina Dolphy, Ramon Revilla, Aruray, Eddie Garcia, Rebecca del Rio at Etang Discher.
                             o     O     o











Linda Lovelace on the cover of Esquire
May 1973 issue
Larawang Tribiya
          Ayon sa pamosong porn actress na si Linda Lovelace (tunay na pangalan Linda Susan Boreman, 1949-2002), bagama’t nasisiyahan siya sa kaniyang pakikipagtalik sa di-mabilang na mga lalaki, sa dalawang lalaki lamang siya nakipagtalik ng may pagmamahal: Ito ay kay David Winters na tinagurian niya sa The Intimate Diary of Linda Lovelace (1974) na “the man in my life,” at ang pangalawang asawa niyang si Larry Marchiano kung saan nagkaroon siya ng dalawang anak.
          Nakilala si Lovelace sa pelikulang porno na Deep Throat (1972). Sinasabing siya ang nagpauso ng pubic depilation at nagpalaganap ng fellatio na ngayo’y tinatawag na “deep throat.”
          Sa kabilang banda, ang Deep Throat ay itinuturing na “most successful x-rated film of all time.” Halos 50,000 dolyar lamang ang nagastos sa paggawa ng pelikulang ito, at may haba lamang na 61 minuto, ngunit sa ngayon ay tinatayang umaabot na sa kalahating bilyong dolyar ang kinita nito. Sa kabila ng lahat, ayon sa aklat na sinulat ni Lovelace na Ordeal (1980), 1,250 dolyar lamang ang ibinayad sa kaniya sa pelikulang ito at kinuha pa ito ng kaniyang live-in manager na si Chuck Traynor.

Linda Lovelace’s 1974 autobigraphy
The Intimate Diary of Linda Lovelace.
          Namatay si Lovelace noong 2002 na hindi man lamang nakaamot ng kaunting halaga mula sa kinita ng pelikula. Ang Deep Throat ay kabilang at inihanay sa mga classic films, katulad ng Citizen Kane, sa “100 Landmark Movies of All Time” ng Radio Times Guide to Films list. Naging inspirasyon pa ito para sa code name ni Bob Woodward sa kaniyang secret informant sa Watergate Scandal na si F.B.I. agent William Mark Felt.
                                      o     O     o

No comments:

Post a Comment