Monday, May 7, 2012

May 7



MAY 7
Mr. & Ms. Vol. 20 No. 1, May 7, 1996
(20th Anniversary Issue)
On the cover: Jomari Yllana & Aiko Melendez


UNANG LABAS: Bituin Komiks
Ang unang labas ng Bituin Komiks,
na may petsang Mayo 7, 1949,
tampok sa taklob-pahina ang
kathang-isip ni Jose Zabala Santos
na “Sianong Sano.”
Isa sa mga pinakaunang komiks na lumabas sa sirkulasyon ay ang Bituin Komiks. Ang unang isyu nito ay inilimbag ng Ilang-Ilang Publication, Inc., at lumabas noong Mayo 7, 1949. Tampok sa taklob-pahina nito si “Sianong Siano,” na iginuhit ng maylikha nito na si Jose Zabala Santos.
Naglalaman ang unang isyu ng Bituin Komiks ng mga maiiksing comical strips katulad ng “Kataka-taka (‘Yon an Sabi)” ni Iskong Buriko, “Sianong Sano” at “Almanake ni Pepesor” ni J. Zabala Santos, “Kalawang Bakal” ni Hugo C. Yonzon, “Ang Tao Nga Naman” ni Ted S. Tenorio, “Pitong Kutitong (Di Dyanitor)” ni Altogo, “Apalatsikola” ni Menandro Martin, “Kandiro” ni Caluag, “Isang Sakong Hangin” ni Gat, “Tiks” at “Awitawa” ni Mauro “Malang” Santos, “Boroy” ni Slim Torres, at “Presenting Ponso” ni Eddie Cunanan.
Makikita rin sa mga pahina nito ang mga nobelang “Makabagong Pilipinas” ni Susana C. de Guzman, na ginawan ng script ni Pedro Enriquez Magpayo at iginuhit ni Francisco Reyes, “Dalawang Kasal” ni Pedro Enriquez Magpayo at F. Ruvivar, “Kabayong Ginto” ni Jesus S. Esguera at Ric L. Collado, at “Pitong Balakid” ni Eriberto Flores at Elmer Abustan.
Sa ilalim ng Ilang-Ilang Publication na nagkaroon ng editorial office sa 38-40 Sta. Mesa, Manila, ang Bituin Komiks, kasama ang Ilang-Ilang Komiks ay pinamahalaan ni Conrado M. Alvarez. Ang mga una nitong naging editors ay sina Jesus E. Torres, Gemiliano Pineda, at Mauro “Malang” Santos. Sa ilalim ng Ilang-Ilang Publication, tumagal ito hanggang ika-11 isyu. Sa ika-12 isyu (Setyembre 22, 1949), ang Bituin Komiks ay inilimbag ng F. J. Quiogue Publication, na nag-opisina sa 2150-2160 Azcarraga, Manila. Ang general manager ay si Felix J. Quiogue, at ang editorial team ay kinabibilangan ni Francisco Reyes bilang editor-in-chief at Virgilio S. Mariano, Mauro “Malang” Santos at Menandro Martin bilang mga associate editors.


UNANG LABAS: Redondo Komix Magasin
Ang unang labas ng Redondo Komiks,
na may petsang Mayo 7, 1963, tampok
sa taklob-pahina ang likhang-bayani na
si Palos sa "Ang Maskara ni Palos" ng
magkapatid na Virgilio at Nestor Redondo.
Mula sa pangalan ng maituturing na magkapatid na “alamat” sa larangan ng komiks – sina Virgilio at Nestor Redondo – ang titulo ng Redondo Komix. Inilimbag ito ng CRAF Publication at unang lumabas noong Mayo 7, 1963.
Tampok sa taklob-pahina ng unang isyu ang likhang-bayani ng magkapatid na Redondo na si Palos sa nobelang “Ang Maskara ni Palos.” Mula rito pumaimbulog sa kasikatan at imortal na pagtangkilik ang character na Palos, na nagpatuloy sa iba pang mga komiks, sa mga pelikula at maging sa mga teleserye ng makabagong panahon.












Events that happened on May 7
1899 – General Emilio Aguinaldo appointed  Pedro paterno as the head of his new cabinet.
1972 – The Philippine Daily Express, a national daily news magazine, released its first issue.


Personalities and celebrities born on May 7:
1892 – Tomas Claudio, First Filipino hero of World War I – in Morong, Rizal (d. June 29, 1918 in Oise, France).
1929 - Dencio Padilla (real name Dencio Baldivia), actor and comedian - in Laguna (d. October 11, 1997).

1946 – Helen Gamboa (full name Helen Alvent Gamboa), actress and singer – in Manila.
Si Helen Gamboa,
tampok sa taklob-pahina ng Bulaklak (Hiyas ng Tahanan), Enero 15, 1964.


MAKABAGONG PILIPINA
Unang pahina ng unang labas ng nobela ni
Susana de Guzman na “Makabagong Pilipina”
sa Bituin Komiks No. 01 (May 7, 1949).

          Ang terminong “Modern Filiipina” o “Makabagong Filipina” ay unang nailathala bilang isang kuwento sa Bituin Komiks No. 01 (May 7, 1949). Ito ay sa nobelang isinulat ni Susana de Guzman na may pamagat na “Makabagong Pilipina.” Pansinin na sa pagkakabaybay ay letrang “P” ang ginamit sa halip na “F.” Ito ay sa kadahilanang noong 1949 ay hindi pa ginagamit ang salitang “Filipina.”
          Ang nobela ni De Guzman ay ginawan ng komiks scripts ni Pedro Enriquez Magpayo at iginuhit o isinalarawan ni Francisco Reyes.
                             o     O     o









WIKApedia
Ano ang Pagkakaiba?
          Ano ang pagkakaiba ng Filipino sa Pilipino?
          Ang “Filipino” ay patungkol sa kasarinlan o pagkabansa. Sa madaling salita, ito ay nationality. Samantalang ang “Pilipino” ay ang wika.
          Upang lalong maintindihan, narito ang dalawang pangungusap bilang pagpapaunawa: 1. Pilipino ang wika ng mga Filipino. 2. Ang isang mamamayang Filipino ay dapat marunong magsalita ng Pilipino.
                                                          o     O     o


Pacific nuclear bomb test explosion creating
a radioactive cloud mushroom, on the cover
of Newsweek May 7, 1962 issue
Larawang Tribiya
          Alam niyo ba na mula 1946 hanggang 1962, kutakot-takot na nuclear bomb tests ang ginawa ng America sa lugar na kung tawagin ay Pacific Proving Ground, kabilang dito ang Marshall Islands. Maraming kapinsalaang ginawa ang pagpapasabog ng mga bombang nuklear na ito ng America sa mga tao at hayop na naninirahan sa mga naturang isla at sa mga kapaligiran nito. Lumaganap ang iba’t-ibang uri ng cancer at birth defects sa naturang mga lugar. Dahil dito pinagbayad ang America ng halagang umaabot sa halos 800 million dollars sa mga mamamayan ng Marshall Islands. Subalit lumipas pa ang halos apat na dekada bago naibahagi ang kabayarang ito.
          Sa Partial Test Ban Treaty (1963), ipinagbawal na ang atmospheric at underwater nuclear bomb testing, bagama’t sinasabing ipinagpatuloy pa rin ito ng mga bansang America at France.
                             o     O     o







1 comment: