ALAM MO BA 'TO?
(Do You Know This?)
|
Ang Buwan ng Disyembre
Ang December o disyembre and ikalabingdalawa at panghuling buwan ng taon sa Gregorian Calendar. Bagama’t ang tawag na December ay halaw sa salitang Latin na decem na ang ibig sabihin ay “sampu,” dahil ito ang pangsampung buwan sa sinaunang Roman Calendar.
Para sa mga Filipino ang Disyembre ang pinakamasayang buwan ng taon dahil sa pagdiriwang ng tradisyunal na Kapaskuhan, at sa huling gabi ng Disyembre idinaraos din ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Ang poinsettia na halamang ginagawang palamuti sa Kapaskuhan ang karaniwang itinuturing na sagisag ng buwan ng Disyembre. Ang mga natatangi namang “bulaklak ng buwan” ay ang holly at mistletoe, samantalang ang turquoise at zircon ang mga “hiyas ng buwan” o birthstones.
DECEMBER 1
Super Action Komiks Taon 3, Blg 120, Disyembre 1, 1991
Tampok sa taklob-pahina ang “Super Gee 2” na katha ni Zoila Meneses
at iginuhit ni Romy T. Gamboa.
UNANG LABAS
Ang pahayagang Balita ng Maynila ay unang lumabas sa sirkulasyon noong Disyembre 1, 1972.
UNANG LABAS
Ang unang isyu ng TV Star (December 1, 1999) tampok sina Leonardo DiCaprio at Kate Winslet (para sa pelikulang Titanic). |
Sa paglipas ng panahon, nagpabago-bago ang pamagat ng magazine na ito. Ang TV Star ay naging Star TV Guide noong January 2003, TV Star Sky Cable Guide noong June 2005 at TV Star Guide noong June 2006. Mula January 2009 hanggang sa kasalukuyan, tinawag na itong Atlas TV Guide.
Mula sa kaliwa: Star TV Guide (January 2003), TV Star Sky Cable Guide (June 2005), TV Star Guide (7th Anniversary, December 2006) at Atlas TV Guide (12th Anniversary, December 2011). |
Disyembre 1 sa Kasaysayan ng Pilipinas
Noong Disyembre 1, 1984, nagsimula ang Light Railway Transit (LRT) system sa pagserbisyo sa publiko mula sa Baclaran hanggang sa central station nito malapit sa Manila City Hall. Ito ang kauna-unahang mass transit system sa Pilipinas at isa sa mga landmark projects ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos na nagsisilbing konkretong bantayog para sa mamamayang Filipino.
o O o
GLIMPSE FROM THE PAST
Joan Collins (when
she was 18 years old) on the cover of vintage magazine Illustrated (December 1, 1951). |
Personalities and celebrities born on December 1:
1874 – Luis Guerrero, doctor and professor of medicine who pioneered the study of tropical diseases like beri-beri – in Ermita, Manila (d. August 12, 1950).
1926 – Onofre D. Corpuz, socio-political scientist, economist, historian, academician, government official and National Scientist (2004) – in Poblacion, Camiling, Tarlac – (d. March 23, 2013).
1951 – Philip Cezar, basketball player known as “The Scholar” and 1980 PBA-MVP – in Manila.
1984 – Maxine Syjuco, poet and multi-media visual artist.
o O o
No comments:
Post a Comment