Tuesday, May 22, 2012

May 22



MAY 22
Manila klasiks Blg. 77, Mayo 22, 1954
Nasa taklob-pahina ang ilustrasyon ng kuwento ni Dominador Ad. Castillo na “Goldiger.”



UNANG LABAS
Ang taklob-pahina ng unang labas ng
B’wisheart Komiks, Mayo 22, 1984
Ang B’wisheart (B’wisit na Sweetheart) Komiks, na unang lumabas sa sirkulasyon noong Mayo 22, 1984, ay isang kakatwang babasahin kung saan pinagsama ang mga kuwentong katatawanan na may hibla ng nakakikiliting temang seksuwal bagama’t hindi tuwirang maituturing na malaswa. Datapuwa’t hindi nagtagal ang babasahin ito. Tampok sa pabalat ng unang labas ang obra ni Noel Panaligan na “Noisy Susy” na iginuhit ni Clem Rivera.












Events that happened on May 22
1898 – The first English version of Dr. Jose Rizal’s poem “Mi Ultimo Adios” was published.
1959 – The province of Leyte was divided into Leyte and Southern Leyte by virtue of Republic Act No. 2227. Tacloban City remained the capital of Leyte while Maasin became the capital of Southern Leyte.
– Lanao Province was divided into Lanao del Sur and Lanao del Norte by virtue of Republic Act No. 2228. Iligan City became capital of Lanao del Sur, while Marawi City was that of Lanao del Norte.


Personalities and celebrities born on May 22:
1863 – Julio Llorente, jurist and propagandist – in Cebu City (d. 1940).
1863 – Santiago Barcelona, delegate to the Malolos Congress and General Emilio Aguinaldo’s aide during his retreat to Northern Luzon.
1867 – Julio Nakpil, musician, member of the Katipunan and composer of the Katipunan’s official hymn, “Marangal na Dalit ng Katagalugan” (which later became “Salve Patria”) – in Quiapo, Manila (d. November 2, 1960).

Rita Gomez, around two years old,
picture taken from Hiwaga Komiks
Blg. 153, August 8, 1956.







1935 – Rita Gomez, actress – in Marinduque.














1953 – Tillie Moreno, singer known as “Manila’s Queen of Soul” – in Manila.


Godzilla
Entertainment Weekly May 22, 1998 cover
featuring Godzilla
          Unang lumabas ang fictional monster na ito sa pelikulang Godzilla (1954) ni Ishiro Honda. Mula noon, naging pop cultural icon na ang character na ito at lumabas na sa 28 pelikula.
          Sa wikang Hapon, Gojira ang pangalan ng higanteng radioactive tyrannosaurus rex na ito, na mula sa portmanteau o pagsasanib-salita ng dalawang salitang Hapon na gorira (“gorilya”) at kujira (“balyena”).
          Alam niyo ba na ang original Godzilla roar o ang pag-atungal ng monster na ito ay copyrighted? Una itong narinig sa 1954 Godzilla. Nilikha ng Japanese composer na si Akira Ifukube ang tunog ng kaniyang pag-atungal sa pamamagitan ng pagkiskis ng resin-covered na mga guwantes sa mga maluwag na kuwerdas ng isang double bass instrument at pagkatapos ay pinabagal ang playback nito.
          Alam niyo rin ba na may pelikula kung saan naglaban ang dalawang dambuhalang sina King Kong at Godzilla? Ito ay ang King Kong vs. Godzilla na idinirehe rin ni Honda at ipinalabas noong 1962. Ang ideya para paglabanin si King Kong (likha ni Edgar Wallace) at Godzilla (likha nina Tnoshira Honda at Eiji Tsuburuya) sa isang pelikulang ay mula kay Willis O’Brien, na siyang nauna ng gumawa ng special effects para sa 1933 pelikulang King Kong.
                                                          o     O     o




USSR founder Nikolai Lenin, on the cover
of Look May 22, 1962 issue
Larawang Tribiya
          Si Nikolai Laenin (tunay na pangalan Vladimir Ilyich Ulyanov, 1870-1924) ang kinikilala sa kasaysayan na founder at “Father of the Soviet Union.” Tinagurian din siyang “The Greatest Genius of Mankind” at “The Teacher of the People of the World.”
          Ayon sa historian na si John Archibald Getty III, utang ng mamamayan ng daigdig kay Lenin ang simulain at kilusang politikal na nakasalalay sa katarungang panlipunan at pagkakapantay-pantay ng mga tao.
          Sinabi naman ni Professor Albert Resis (Northern Illinois University) sa kaniyang artikulo sa Encyclopedia Britannica, na si Lenin ay ang “most significant political leader” ng ika-20 siglo. Kinikilala siya hindi lamang sa sirkulo ng dating Soviet Union kundi maging ng mga scholars ng mga non-communist na bansa bilang “greatest revolutionary thinker, leader and statesman in history.”
          Alam niyo ba na isang asteroid ang ipinangalan kay Lenin? Ito ay ang asteroid 852 Wladilena (na natuklasan noong April 2, 1916 ni Russian astronomer Sergey Belyavsky (1883-1953).
                                                o     O     o

No comments:

Post a Comment