Wednesday, May 2, 2012

May 2

 

Mga komiks (comics) na lumabas sa sirkulasyon sa buwan ng Mayo

 MAY 2
Ang ika-100 labas ng Tagalog Klasiks, Mayo 2, 1953
Nasa taklob-pahina ang nobelang “Dragondino” ni Ricardo R. Poblete na iginuhit ni Jose Calaug
 
 
UNANG PAGTATANGHAL
Ang centerfold ng Mr. & Ms. (July 2005)
tampok ang Engkantadia
Ang pantaserye na Encantadia ay nagsimulang ipalabas sa GMA-7 noong Mayo 2, 2005. Ito ay nagtampok sa kuwento tungkol sa daigdig ng Encantadia na nahahati sa apat na kaharian ng Adamya ng mga Adamyan, Sapiro ng mga Sapiryan, Lireo ng mga diwata at Hathoria ng mga Hathor, at sa apat na makapangyarihang hiyas na sumasaklaw sa apat na elemento (tubig, lupa, hangin at apoy), at sa mga sanggreng tagapangalaga ng apat na hiyas. Ang pantaserye ay pinangunahan ng mga artistang si Iza Calzado (bilang Reynang Amihan), Sunshine Dizon (Sanggre Pirena), Diana Zubiri (Sanggre Danaya), at Karylle (Sanggre Alena), sa ilalim ng direksyon nina Mark Reyes at Gil Tejada Jr. Umabot ito ng 160 episodes at nagtapos noong Disyembre 9, 2005.
 






Events that happened on May 2
1935 – Benigno Ramos led the Sakdal Uprising in the municipalities of Batangas, Bulacan and Laguna.
1942 – Chief Justice of the Supreme Court Jose Abad Santos was executed by the Japanese in Malalang, Lanao de Sur.
2009 – Manny Pacquiao knockout reigning IBO Light-Welterweight champion Ricky Hatton on the second round, in the fight dubbed as “The Battle of East and West,” to become a six-division world boxing champion and the first man to win lineal world titles in four different weight classes.


Personalities and celebrities born on May 2:
1921 – Eddie Garcia (real Eduardo Verchez Garcia), award-winning actor and director, in Sorsogon.
Eddie Garcia with Long Mejia in the film Kapitan Ambo, Outside de Kulambo (2002).

1976 – Aileen Marfori Damiles, beauty queen and actress.
Aileen Damiles on the cover of Savvy February 9, 1998 issue.



 

Actress Nastassia Kinski on the cover of
Time May 2, 1983 cover.
Larawang Tribiya
          Ang American-based German actress na si Nastassia Kinski (buong pangalan Nastassja Aglaia Tocki Naskzynski) ay nakilala sa mga pelikulang The Wrong Move (1975), Tess (1979), Exposed (1983), at sa dalawang erotic films na Stay As You Are (1978) at Cat People (1982). Nagwagi siya ng Golden Globe Award para sa kaniyang pagganap sa pangunahing tauhan sa pelikulang Tess.
          Alam niyo ba na noong 1976 nagkaroon si Kinski ng pakikipagrelasyon sa 43-anyos na director-producer na si Roman Polanski? Naging laman ito ng mga pahayagan sapagkat si Kinski ay 15-anyos pa lamang noon.
                             o     O     o




1 comment:

  1. Ipagpatuloy mo itong kawili-wili mong ginagawa!

    ReplyDelete