Sunday, May 13, 2012

May 13



MAY 13
Pilipino Komiks Blg. 77, Mayo 13, 1950
Tampok sa taklob-pahina ang pabalat na dibuho ni Fred Carillo


UNANG LABAS
Noong May 13, 1950, muling binuhay ni Ravelo ang kaniyang superheroine na si Varga sa katauhan ni Darna. Unang lumabas si Darna sa Pilipino Komiks Blg. 77, kung saan ang una niyang naging kalaban ay si Valentina, ang Babaeng Ahas. Ang legendary Filipino illustrator na si Nestor Redondo ang gumuhit ng mga unang Darna.
Una namang naitampok sa taklob-pahina si Darna sa sumunod na isyu, Pilipino Komiks Blg. 78, Mayo 27, 1950, kung saan makikita ang orihinal na costume ng pinaka-paboritong superhero ng masang Filipino.
Ang unang labas ng “Darna” na katha ni Mars Ravelo sa Pilipino Komiks Blg. 77, Mayo 13, 1950.
Iginuhit ni Nestor Redondo.

Events that happened on May 13
1942 – The seat of Philippine Commonwealth government was transferred to Washington D.C. from the Japanese-occupied Manila.


Personalities and celebrities born on May 13:
1852 – Gliceria Villavicencio, revolutionary worker – in Taal, Batangas (d. September 28, 1929).
1957 – Mar Roxas (full name Manuel Araneta Roxas II), lawmaker and politician – in Quezon City
1980 – Mau Marcel (full name Maureen Flores Marcelo), Puerto Rican-Filipina R&B soul singer – Lucena City.



MUKHA NG TUWA AT LIGAYA
Assunta de Rossi and her stepchildren, Julio and Cristina Ledesma, by Congressman Jules Ledesma,
on the cover of Mr. & Ms. Mother’s Day issue, May 13, 2003.



Ang tayabok (jade vine), na katutubong
halaman sa Pilipinas,  sa taklob-pahina ng
People & Nature May-July 1993 issue
(Larawang kuha ni Dr. Domingo A. Madulid)
Larawang Tribiya
          Ang “tayabok” or “tayaboc” na kilala sa salitang English na jade vine (pangalang agham Strongylodon macrobotrys) ay matatagpuan sa mga primary forests ng Northern at Southern Luzon at sa Mindanao. Isang nakamamanghang katangian ng halamang ito ay ang kulay-jade (mapusyaw na luntian) at mala-tukang mga bulaklak nito na nakabiting nakapumpon. Ang tayabok, katulad ng maraming mga species ng iba pang mga natatanging halaman at hayop na sa Pilipinas lamang matatagpuan ay lubhang nanganganib ng mawala dahil sa walang habas pagsira ng mga kagubatan sa bansa.
                             o     O     o









No comments:

Post a Comment