Sunday, January 1, 2012

January 1


ALAM MO BA 'TO?
(Do You Know This?)




Astronomy Collector’s Edition “Cosmos”
(January 16, 2007),
featuring “Before there was Light”
          Alam niyo ba ang unang pangungusap na binigkas ng PANGINOONG DIYOS sa Banal na Kasulatan?
          “Magkaroon ng liwanag!” (Genesis 1:3).
          Do you know the first sentence uttered by GOD Almighty in the Holy Bible?
          “Let there be light!” (Genesis 1:3).
















 
Ang Buwan ng January

          Alam niyo ba kung saan nagmula ang salitang “January?” Ang January na siyang unang buwan sa Gregorian Calendar ay mula sa pangalan ni Janus, ang diyos ng mga pintuan at lagusan, at ng simula at pagtatapos, ng mga Romans. Si Janus ay inilalarawan bilang isang nilalang na may dalawang mukha, isa ay nakatingin sa harap at isa naman ay sa likuran. Ito ay sumisimbolo o nagbibigay pakahulugan na ang buwan ng January ay pasimula ng bagong taon na nag-iiwan sa nakaraang taon. Ang kahalagahan ni Janus sa Roman mythology ay pumapangalawa lamang kay Jupiter, ang pinunong diyos ng mga Romans.
                                                                                           o     O     o

          Tinatawag na “Enero” ng mga Filipino ang unang buwan ng taon. Ito ay hiram sa salitang Kastila na katumbas ng January.
                                                                                           o     O     o

          Ayon sa pangkalahatang naitalang temperatura, ang buwan ng January ang pinakamalamig sa halos lahat ng bahagi ng Pilipinas. Ang Manila na kabisera ng Pilipinas ay may average temperature na 21 °C (70 °F).
                                                                                           o     O     o

          Buwan ng Enero ginaganap ang mga piyestang katulad ng Ati-Atihan (ng Kalibo, Aklan), Sinulog (ng Cebu City), at Dinagyang (ng Iloilo City).
                                                                                           o     O     o

          Ang carnation at snowdrop ang mga flowers of the month ng January. Samantalang ang garnet ang birthstone of the month.
                                                                                           o     O     o

 
JANUARY 1
Celebrity World, Vol. 4, No. 229, January 1, 1996
On the Cover: Dolphy with son Vandolph
 
Mga Lathalaing Unang Lumabas sa Araw ng Enero 1

            Naging kaugalian noong araw na buksan ang isang pahayagan o lathalain sa pasimula ng bagong taon. Alam niyo ba kung anu-anong mga lathalain ang lumitaw sa sirkulasyon nang unang linggo ng Enero? Una sa lahat ang Semanario Filipino, isang lingguhang pahayagan, na lumabas noong Enero 1, 1843. Ito ay itinatag ni Gregorio Tarrius.
                                                                                o     O     o

            Ang La Esperanza, ang kauna-unahang arawang pahayagan sa wikang Kastila sa Pilipinas na itinatag ni Felipe del a Corte, ay lumabas noong Enero 1, 1847. Isa pang arawang pahayagan, ang Diario de Manila na itinatag ni Manuel Moreno, ang unang lumabas makalipas ang eksaktong isang taon.
                                                                                o     O     o

            Ang business newspaper naman na El Comercio ay unang lumabas noong Ika-1 ng Enero, 1852. Naging malaganap ang pahagang ito lalo na noong late Spanish Period. Si Joaquin de Loyzaga ang may-ari ang unang editor nito, at kahit karamihan sa mga kawani nito ay mga Kastila, nagpakita ito ng malasakit para sa kapakanan ng mga Filipino. Bago at matapos ang Philippine-American War, naging daan ito upang ang mga Filipino ay makapagpahayag ng kanilang pananaw at saloobin. Si Apolinario Mabini (1864-1903), ang “Utak ng Himagsikan,” ay nagkaroon ng pagkakataon na ilahad ang kaniyang mga pananaw laban sa pagmamalabis at kawalanghiyaang ginagawa ng mga mananakop na Amerikano sa pamamagitan ng mga pahina ng El Comercio.
                                                                                         o     O     o

Ang Pag-asa, ang official newsletter ng Philippine Eagle Foundation (inilabas noong January 1, 199).
An banner title na Pag-asa ay halaw sa pangalan ng kauna-unahang Philippine eagle
na ipinanganak “in captivity.”
 


UNANG LABAS SA UNANG ARAW NG BAGONG MILENYO
Unang isyu ng arawang pahayagang Kabayan
sa Bagong Milenyo (Enero 1, 2000).
Ang unang isyu ng arawang pahayagang Kabayan sa ikatlong milenyo (Vol. 2 No. 503, Enero 1, 2000), kung saan makikita ang pagbati ng Pangulong Joseph Estrada na “Kapayapaan sa lahat.” Ang Kabayan ang kauna-unahang pahayagang nasa anyong broadsheet na inilimbag sa wikang Pilipino. Ito ay unang lumabas sa sirkulasyon noong Agosto 16, 1998 sa ilalim ng pamamahala ni Ginoong Dante A. Ang, at pinatnugutan ni Ginoong Teodoro C. Berbano.



























Enero 1 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Alam niyo ba na Bagong Taon nang makarating sa Cebu ang Spanish explorer na si Miguel Lopez de Legaspi? Ito ay naganap noong Enero 1, 1571. Natagpuan niya sa isang pamayanan sa Cebu ang mga nalabi sa naunang expedition ni Ferdinand Magellan.
                                                                                            o     O     o

          Bagong Taon din, noong 1899, nang lumayas sa Pilipinas ang Spanish governor-general na si Diego de los Rios matapos makipagkutsabahan sa mga Amerikano at tanggapin ang kabayarang 20 million dollars kapalit ng paghawak sa sobereniya ng bansang Pilipinas. Nang sumunod na araw naman, inanunsiyo ni General Emilio Aguinaldo (1869-1964) ang pagbuo ng gabinete ng Malolos Republic. At noong Ika-4 ng Enero, 1899, idineklara naman ni Elwell S. Otis (1838-1909) na pag-aari na ng America ang Pilipinas batay sa Treaty of Paris. Binalewala ito ni Aguinaldo, at noong Ika-23 ng Enero, 1899, itinatag ang Unang Republika ng Pilipinas (ito rin ang kauna-unahang republika sa Asia) sa Malolos, Bulacan, kung saan si Aguinaldo ang naging pangulo.
                                                                                            o     O     o


          Noong Enero 1, 1912, pinalitan ang pangalan ng Banco Español-Filipino, ang kauna-unahang commercial bank sa Pilipinas at sa Malayong Silangan (Far East) ng Bank of the Philippine Islands.
                                                                                            o     O     o


BATTLE OF KALARONG DE SILI
          One of the major encounters during the early part of the Philippine Revolution. It occurred on New Years Day, January 1, 1897, in Pandi, Bulacan. The revolutionary stronghold under the leadership of Maestrong Sebio (Eusebio Roque) was attacked by the combined Spanish forces from neighboring towns of Bulacan.
          According to an account, more than two thousand Filipinos died in the battle. Maestro Sebio was able to escape but was captured after a few days. He was summarily tried and executed on January 16, 1897.



 
Pinoy personalities and celebrities born on January 1:
1853 – Manuel G. Araullo, Third Chief Justice of the Supreme Court (November 1, 1921 -July 26, 1924) – in Balayan, Batangas. (d. July 26, 1924)
1892 – Manuel Acuña Roxas, First president of the Third Philippine Republic (1946-1948) – in Capiz (now Roxas City), Capiz. (d. April 15, 1948)
1905 – Guillermo Nakar, Filipino Constabulary officer and guerilla leader during World War II – in Infanta, Quezon. (d. September 29, 1942)
1906  Manuel Silos, actor-comedian and award-winning film director  in Manila (d. March 31, 1988)
1915 – Manuel Rodrigues Sr, “Father of Printmaking in the Philippines” – in Cebu City.
 


Sabi ni Kenkoy ay “Hapi Niu Yir Tu Ol!”
Ang Album ng Kabalbalan ni Kenkoy
(Enero 1, 1937).
          Ang kauna-unahang komiks series sa Pilipinas ay ang Album ng Kabalbalan ni Kenkoy. Ito ay likha ni Romualdo Ramos at unang iginuhit ni Tony Velasquez sa Liwayway  noong January 11, 1926.
                                             o     O     o


















WIKApedia
Ang Torotot!
Mga makukulay na torotot na
inilalako sa pagsapit ng Bagong Taon,
tampok sa taklob-pahina ng
Moneysaver Magazine (January 1995).
          Lagi nating sinasabi na gumamit na lang ng torotot sa halip na magpaputok sa Bagong Taon. Subalit alam ba natin kung saan nagmula ang salitang “torotot?” May posibilidad na ito ay nanggaling sa salitang “toro” (lalaking baka) at “tot” (tunog na likha ng paghihip dito, o maaari ring mula sa salitang “utot,” na hanging inilalabas ng puwit). Noong sinaunang panahon, mga sungay ng kalabaw at baka ang ginagamit na trumpeta. Datapuwa’t hindi “trumpet” ang katumbas ng torotot sa wikang English kundi “horn” o “blow horn.” Maging sa wikang English, halaw ito sa kahulugang “sungay ng hayop.”
          Mayroon namang iba pang kahulugang kolokyal ang “torotot” na unang lumabas sa mga babasahing may seksuwal na tema noong 1960s. Ito ay ang “pakikiapid” o “pagtataksil.” Kaya kapag sinabing “tinorotot” ng asawa, ito ay nangangahulugan na “pinagtaksilan siya ng asawa.” Na ang asawang babae ay “nagpatoro” sa ibang lalaki. Dito ay may kaugnayan ang salitang “toro” o “tinoro” na kasingkahulugan ng “sinuwag” o “tinuhog ng sungay” sa salitang “tuhog.” Ang “toro” ay kolokyal ding ginagamit bilang isang terminong seksuwal, ang aktuwal na pagtatalik o pakikipagtalik na hayagang pinanunood ng mga tao, na lumaganap noong 1960s. Ang katumbas nito sa English ay “live sex show.” Pinatutungkulan ng salitang “toro” ang “pagtuhog ng ari ng lalaki sa ari ng babae.”

                                                                                                            o     O     o



Pamela Anderson on the cover of
TV Star Guide (January 2001).
Larawang Tribiya
          Nakilala at sumikat si Pamela Anderson sa kaniyang pagganap bilang C.J. Parker, isang sexy lifeguard sa TV series na Baywatch (1992-1997). Alam niyo ba na gumanap din siya bilang isang bodyguard sa isa pang TV series? Ito ay sa V.I.P. (1998-2002). Ginampanan niya ang papel bilang Vallery Irons, isang babaeng nagtatrabaho sa hotdog stand, na napagkamalang isang bodyguard nang iligtas niya ang isang celebrity laban sa isang baliw na tagahanga. Siya ang naging sikat na figurehead ng Vallery Irons Protection (V.I.P.) bodyguard agency.

                                          o     O     o














9 comments:

  1. Good concept! The contents are very interesting. You coined the Filipino word for website - Sapook! Congratulations!

    ReplyDelete
  2. I agree! The contents are quite interesting! The cover pages, too!

    ReplyDelete
  3. Maganda! Not only interesting but unique. What I can say is more, more, more!

    ReplyDelete
  4. Para sa akin, this is an excellent blog. Good work and keep it up.

    ReplyDelete
  5. thanks ernee sa blog, always learn something new. more pa !!!

    ReplyDelete
  6. Magaling itong naisip mo Ernee. Maganda at interesante ang laman, tapos iba rin ang mga koleksyon mo ng magasin at komiks. Papatok ito palagay ko. Naimbento mo pa ang katumbas sa Tagalog ng website. Ayos ang SAPOOK. Parang sapok, sapak!

    ReplyDelete
  7. paano nyo po ba itatagalog ang "sequential art" "guhit-saysay"?

    ReplyDelete
  8. Ayon sa Pilipino professor ko noong college, kung ang tinutukoy mong sequential art ay naglalarawan ng kuwento, maaaring tawagin itong "daluyang-guhit." Sa tuwirang salita ito ay isang uri ng komiks o dumadaloy na pagsasalarawan o ilustrasyon ng isang kuwento.

    ReplyDelete