Monday, January 30, 2012

January 30

 

January 30
Hiwaga Komiks Blg. 35, Enero 30, 1952
Tampok sa taklob-pahina ang "Diwani" nina Virgilio at Nestor Redondo

Enero 30 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Enero 30, 1899, ang Real Audiencia, ang pinakamataas na hukuman noong panahon ng mga Kastila ay pinalitan ng Kataastaasang Hukuman (Supreme Court), at si Cayetano Arellano (1847-1920) ang hinirang na kauna-unahang Punong-Mahistrado (Chief Justice).
                                                          o     O     o

          Pumutok ang Taal Volcano noong ika-30 ng Enero, 1911 na naging dahilan ng pagkawasak ng 13 nayon sa Batangas at kumitil sa buhay ng mahigit 1,300 katao.
                                                          o     O     o

          Matagumpay na napalaya ng magkasanib na puwersa ng mga Filipino guerillas at American rangers ang humigit-kumulang 500 prisoner of war (POW) sa kampo ng Hapon sa Cabanatuan, Nueva Ecija noong Enero 30, 1945.
                                                          o     O     o

          Nagsagawa ng isang local election noong Enero 30, 1980, kaugnay sa isang plebisito sa pagbabago ng Saligang Batas upang italaga ang retirement age ng mga mahistrado ng Korte Suprema at maging ng mga hukom ng mga lower courts sa edad na 70 anyos.
                                                          o     O     o


Pinoy personalities and celebrities born on January 30:
1945 – Boots Anson-Roa (birth name Maria Elisa Cristobal Anson), actress, columnist, editor and lecturer.
Boots AnsonRoa
on the covers of Tagalog Klasiks (January 8, 1976) and Starweek (May 14, 2006)
 
1957 – Rafael “Paeng” Nepomuceno, first Filipino Bowler listed in the Guinness Book of World Records for having won the Bowling World Cup a record three times – in Manila.

UNANG LABAS
          Ang Pinay Matematika ay isang kolum na tumatalakay ng mga interesante at natatanging paksa tungkol sa  matematika. Una itong lumabas sa mga pahina ng Pinay Digest noong Enero 30, 1994. Ayon kay Gng. Ernestina Evora-Sioco, editor-in-chief, kinagiliwan itong basahin ng mga mag-aaral, guro at magulang.
Ang unang labas ng Pinay Matematika sa Pinay Digest (Pebrero 30, 1994)

Picture Trivia
Three issues of Ace: January 1965, January 1968 and Annual 1969.
          The adult magazine Ace came out in the late 1950s and lasted up to the early 1980s. Subtitled “The Magazine of Men of Distinction,” it contains photographs of sexy girls. This is said to be one of the magazines that gave competition to High Hefner’s Playboy magazine.

                                                              o     O     o










1 comment:

  1. Your Ace magazine collection are pretty and nice.

    ReplyDelete