Thursday, November 1, 2012

November 1


ALAM MO BA 'TO?
(Do You Know This?)


Mga komiks (comics) na lumabas sa buwan ng Nobyembre
 
Ang Buwan ng Nobyembre
          Ang Nobyembre o November ang ikalabing-isang buwan sa uniiral na Gregorian Calendar system. Ito ay halaw sa salitang Latin na novem, na ang ibig sabihin ay “siyam,” sapagkat noong panahon na umiiral ang Roman Calendar, ito ang ikasiyam na buwan.
          Nagsisimula ang buwan ng Nobyembre sa araw ng Undas kung saan tradisyunal na inaalaala ng mga Filipino ang kanilang namayapang kamag-anak at minamahal sa buhay. Nagtatapos naman ito sa isa ring pag-alaala sa kaarawan ng isang magiting na bayani ng bayan, si Gat Andres Bonifacio.
          Ang chrysanthemum ang itinatanging bulaklak ng buwan ng Nobyembre samantalang ang topasyo o topaz ang hiyas ng buwan.


NOVEMBER 1
Pilipino Funny Komiks No. 698, Nobyembre 1, 1991
Tampok sa taklob-pahina ang ilustrasyon ni Vic Geronimo


Nobyembre 1 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Noong Nobyembre 1, 1621, ang Real Monasterio de Santa Clara, ang kauna-unahang monasteryo sa Pilipinas ay itinatag sa Manila ng mga madreng Kastila na nabibilang sa Franciscan Order.
                                                          o     O     o

          Ang Saligang-Batas ng Biak-na-Bato na isinulat nina Felix Ferrer at Isabelo Artacho ay nilagdaan at inihayag sa kilusang rebolusyonayo noong Nobyembre 1, 1897.
                                                          o     O     o


MUKHA NG NAKARAAN
Ang American film actress na si Dorothy Lamour (1914-1996),
tampok sa taklob-pahina ng Hollywood Magazine November 1941 issue.

Personalities and celebrities born on November 1:
1849 – Valentin Diaz, treasurer and one of the founder of the Katipunan – in Paoay, Ilocos norte (d. 1916).
1856 – Toribio Antillon, painter – in San Juan, La Union (d. September 19, 1913).
1888 – Crisanto Evangelista, labor leader and founder of the Partido Komunista ng Pilipinas (Communist Party of the Philippines) – in Meycauayan, Bulacan (d. January 25, 1942).
1915 – Eva M. Macapagal (birth name Evangelina dela Cruz Macaraeg), ninth First Lady and second wife of President Diosdado Macapagal – in Pampanga (d. May 16, 1999).
1923 – Henry R. Canoy, businessman, broadcaster and founder of Radio Mindanao Network – in Cagayan de Oro City (d. May 16 2008).
1970 – Olsen Racela (full name Rodericko Cesar Escueta Racela), basketball player – in Quezon City.
1970 – Erik Celino Spoelstra, American-Filipino NBA head coach – in Evariston Illinois.
1972 – Ivan Rivero Mayrina, news reporter, broadcast journalist and newscaster – in Vigan City, Ilocos Sur.
Sharmaine Arnaiz on the cover of Celebrity World Magazine
May 5, 1994 issue.












1974 – Sharmaine Arnaiz (real name Sharmila Velasco Pribhdas-Shahani), actress – in Davao City.






 


1980 – Niña Girado (full name Marifi Niña Barinos Girado), R&B singer and songwriter – in Pasay City.
1981 – Coco Martin (real name Rodel Luis Cortez Nacianceno), actor and model – in Novaliches.



Si Bruce Willis (para sa pelikulang Die Hard),
tampok sa taklob-pahina ng Empire Magazine
November 2008 issue.

Larawang Tribiya
          Ang pelikulang Die Hard (1988) na pinagbidahan ni Bruce Willis at nagtanyag sa kaniya sa rurok ng kasikatan ay nagkaroon ng apat na sequel: Die Hard 2 (1990), Die Hard With a Vengeance (1995), Live Free or Die Hard (2007) at A Good Day to Die Hard (2013). Alam niyo ba na ang kuwento tungkol sa New York police detective na si John McClane (na ginampanan ni Bruce Willis) sa unang Die Hard ay halaw sa isang nobela? Ito ay ang Nothing Lasts Forever (1979) na isinulat ng crime novelist na si Roderick Thorp (1936-1999). Datapuwa’t pinalitan ang pangalan ng bida sa nobela na si John Leland at naging John McClane. Pinabata rin ang karakter at sa halip na anak niya ang kaniyang ililigtas sa mga masasamang tao ay ginawa itong kaniyang asawa sa pelikula.
                             o     O     o

No comments:

Post a Comment