January 5
MOD
Filipina
Vol. 22 No. 957, January 5, 1990 On the cover: Shirley Guevarra Borja |
Enero 5 sa Kasaysayan ng Pilipinas
Unang lumabas sa sirkulasyon ang monthly magazine na Revista Augustiniana noong Enero 5, 1881.
o O o
Ang Philippine Naval Patrol, na nauna ng tinawag na Off-shore Patrol, ay pinasinayaan bilang Philippine Navy noong Enero 5, 1951.
o O o
GLIMPSE
FROM THE PAST
American silent-film actress and occult enthusiast May
McAvoy (1899-1984) on the cover of vintage Picture Show (January 4, 1924) holding a crystal ball with a question “What will 1924 bring to you?” |
Pinoy personalities and celebrities born on January 5:
1855 – Telesforo Antonio Chuidian, businessman and member of the Malolos Congress. (d. April 11, 1903).
1981 – Kyla (real name Melanie Hernandez
Calumpad), singer-songwriter and actress – in Tondo, Manila.
PARADOKSIKO
Ang paradoksiko o paradox ay isang paglalahad na maaaring totoo kung babasahin o iisipin sa unang tingin subalit kung susuriin ay kabalintunaan o kumokontra mismo sa katotohanang inilahad.
o O o
Narito ang isang halimbawa ng paradoksiko: “Ang barbero sa isang nayon ay nagsabing siya ang umaahit sa lahat ng mga lalaki na hindi nag-aahit sa kaniyang sarili sa buong nayon.” Pag-aralang mabuti ang pangungusap. Sa unang tingin, walang mapapansing kakatwa, hanggang magkaroon ng katanungan: “Sino ang nag-aahit sa barbero?” Dito magsisimula ang kontradiksyon.
Kung hindi nag-aahit sa sarili ang barbero, kabilang siya sa mga lalaki sa nayon na hindi nag-aahit sa sarili. Samakatuwid, siya ay inaahitan ng barbero, na walang iba kundi siya mismo. Datapuwa’t hindi nga niya inaahitan ang kaniyang sarili! Kung inaahitan naman niya ang kaniyang sarili, hindi siya nabibilang sa mga inaahitan ng barbero. Datapuwa’t siya nga ang barbero!
o O o
Ang pinakamatandang tala tungkol sa paradoksiko ay ang kay Epimenides (c. 600 B.C.), philosopher-poet na taga-Creta, na nagsabi na “Ang lahat ng mga taga-Creta ay sinungaling.” Ito ay nangangahulugang ang lahat ng sabihin ng mga taga-Creta ay hindi totoo. Subalit si Epimenides ay taga-Creta rin. Samakatuwid ang sinabi niya ay hindi rin totoo. Dito umiikot ang walang hanggang kontradiksyon. Ito ang tinatawag na Pardox of Epimenides, na siyang naging pundasyon ng daigdig ng Paradoksiko.
o O o
Ang kathang-isip ni Mars Ravelo na “Darna at ang Babaeng Lawin” na iginuhit ni Nestor Redondo, tampok sa taklob-pahina ng Pilipino Komiks (Enero 5, 1952) |
Sa kasaysayan ng komiks, ang katha ni
Mars Ravelo na Darna ang maituturing na pinaka-popular na superhero. May mga
nagsasabing siya ay kinopya lamang kay Wonder Woman, subali’t sa katotohanan
ito ay kabaliktaran. Bagama’t naunang nailimbag ang Wonder Woman ni William “Charles
Moulton” Marston, ang konsepto ng “Suprema: Ang Kamangha-manghang Dilag” (1939)
ni Ravelo na siyang pinagmulan ng Varga at Darna ang siyang nauna.
Si Rosa del Rosario ang unang gumanap
na Darna sa pinilakang-tabing. Dalawang pelikula ang kaniyang pinagbidahan: Darna (1951) at Darna at Ang Babaeng Lawin (1952). Ang unang makapangyarihang
nilalang na nakalaban ni Darna ay si Valentina, na unang ginampanan sa pelikula
ni Cristina Aragon. Ang ikalawa ay ang “babaeng lawin” na ginampanan naman ni
Elvira Reyes.
Paradox! I like it!
ReplyDeleteAng ganda nito, ibang klase.
ReplyDelete