JANUARY 2
JANUARY 2
Philippine
Panorama
Vol. 29 No. 01, January 2, 2000 On the Cover: Greeting of “A Happy and Peaceful New Millennium to All” Cover concept by Jennifer Jariego |
SULYAP SA NAKARAAN
January 2 in Philippine History
1898 – The first installment ($400,000) of the amount promised by General Fernando Primo de Rivera (1831-1921) in the Pact of Biak-na-Bato was deposited by General Emilio Aguinaldo in a bank in Hong Kong.
1899 – General Emilio Aguinaldo announced the cabinet members of the Malolos Republic. Apolinario Mabini was appointed Prime Minister.
1942 – Fall of Manila. General Douglas MacArthur (1880-1964) declared the capital city of Manila as an “open city” to prevent destruction by the invading Japanese forces. The Japanese led by General Masaharu Homma (1887-1946) occupied the city.
Ang Pagbagsak ng Manila sa mga Hapon (Fall of Manila)
Noong December 26, 1941, sa kasagsagan ng Japanese Asian invasion, nang papasok na ng Manila ang hukbong-mananakop ng Hapon, idineklara ng USAFFE commander na si General Douglas MacArthur (1880-1964) ang lungsod ng Manila na “open city” upang maiwasan umano ang malawakang pagkasira ng kabisera.
Si Pangulong Manuel Luis Quezon ng Commonwealth Republic ay nagbilin kay Jorge B. Vargas, alkalde ng Manila, na siya ang tumanggap sa mga darating na Hapon. Pagkatapos ay tumakas si Quezon at MacArthur papuntang Bataan at Corregidor, at sa Washington, D.C. sa America.
Bumagsak sa kamay ng mga Hapon ang Manila noong Enero 2, 1942. Dumating mula hilaga at timog ang Japanese Imperial Army sa pamumuno ni General Masaharu Homma (1887-1946) at sinakop ng walang paglalaban ang lungsod.
Unang pumasok sa mga kalsada ng Manila ang mga sundalong Hapon na naka-bisikleta. Sinusundan sila ng mga tangkeng pangdigma at iba pang armored war vehicles. Ang mga sundalo ay agad na ipinuwesto sa mga sangang-daan, tulay, bangko at gusaling-pampahalaaan upang hindi magkaroon ng sabotage at looting. Agad ding inaresto ang mga pinaghihinalaang anti-Japanese kabilang na ang mga mangangalakal na Tsino, at sila’y ipinagbibilanggo.
Ayon sa mga Hapon, sinasakop nila ang mga bansa sa Asia upang itaboy ang mga Western colonizers kabilang na ang America, Britain at Netherlands, at ibalik ang Asia sa mga Asyano.
Pagkatapos ng pagbagsak ng Manila, sunod-sunod na ring nasakop ng mga Hapon ang iba pang bahagi ng Pilipinas.
Paano Nalalaman ng mga Sinaunang Katutubo sa Pilipinas ang Oras at Panahon?
Noong unang panahon na wala pang umiiral na calendars sa Pilipinas, ang pagsikat at paglubog ng araw ang pinagbabatayan ng oras ng ating mga sinaunang ninuno. Gayon din ang pagtilaok ng manok at paghuni ng mga kuliglig. Ang pagtala naman ng paglipas ng panahon ay itinatala sa iba’t-ibang paraan: Nagtatali ng isang buhol sa lubid sa paglipas ng bawat araw, at pagbilang ng pagbibilog ng buwan at pag-ukit ng bilang sa isang kawayan upang maalaman ang buwan at taon.
Mahalaga ang pagtala ng panahon upang malaman ng mga katutubo kung kailan dapat magtanim ng palay, ang panahon ng pag-aani at panahon ng pag-uulan, at ang bilang ng kanilang gulang.
Si Honorio Lopez at ang Kalendariong Tagalog
Noong Spanish colonization ng Pilipinas, nakaugalian ng mga Filipino na panganlan ang mga sanggol na ipinapanganak halaw sa mga pangalan ng mga santong Katoliko kung saan tumapat ang kapanganakan ng sanggol sa pista ng santo.
Ilang mga halimbawa ay si Andres Bonifacio (1863-1897), na pinangalanan halaw sa pangalan ni San Andres, dahil siya ay ipinanganak sa araw ng kapistahan ng santo na Nobyembre 30, at ang kaniyang kapatid na si Procopio (kung saan ay hindi naging kasing-palad kung pagbabatayan ang standard of acceptance ng natamo niyang pangalan) na halaw naman ang pangalan mula kay San Procopio.
Ang pangalan naman ng pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal (1861-1896), sa kabilang banda, ay hindi mula kay San Jose, kundi kay San Protacio kung saan ang araw ng kapistahan ay Hunyo 19. Kaya ang buo niyang pangalan ay Jose Protacio Rizal.
Noong panahon ng mga Kastila, si Honorio Lopez (1875-1958), isang Filipino patriot na lumaban laban sa mga kastila (1896), sa mga Amerikano (1899) at sa mga Hapon (1947) bilang isang sundalo, propagandista at mamamayag, ay lumikha ng isang almanac na naglalaman ng mga pangalan ng mga sinasabing santong Katoliko. Ginamit niya ang almanac upang palaganapin ang paghihimagsik laban sa mga Kastila. May mga nakatagong mensahe at propaganda sa 1897 na kalendaryo na tinawag niyang La Sonrisa (“Ang Ngiti”).
Noong panahon ng mga Kastila, si Honorio Lopez (1875-1958), isang Filipino patriot na lumaban laban sa mga kastila (1896), sa mga Amerikano (1899) at sa mga Hapon (1947) bilang isang sundalo, propagandista at mamamayag, ay lumikha ng isang almanac na naglalaman ng mga pangalan ng mga sinasabing santong Katoliko. Ginamit niya ang almanac upang palaganapin ang paghihimagsik laban sa mga Kastila. May mga nakatagong mensahe at propaganda sa 1897 na kalendaryo na tinawag niyang La Sonrisa (“Ang Ngiti”).
Nang matunugan ito ng mga Kastila, naging patago ang pagpapalaganap ng naturang kalendaryo at tinawag na itong “Dimasalang.”
Ang kasalukuyang edisyon ng Kalendariong Tagalog ni Honorio Lopez ay mabibili pa rin sa mga gilid ng simbahan sa Quiapo. Ang pangalan mismo ni Lopez ay mula sa tradisyong ito. Siya ay ipinanganak ng Disyembre 30 na kapistahan ni San Honorio.
Kung ikaw ay ipinanganak ng Disyembre 2, gugustuhin mo bang magmula ang pangalan mo kay San Bibiana?
Pinoy personalities and celebrities born on January 2:
1867 – Alberto Barretto, Lawyer, politician and delegate to the Malolos Congress – in Cabangan, Zambales. (d. December 7, 1951)
1925 – Eraño de Guzman Manalo, leader of the Iglesia ni Cristo – in San Juan. (d. August 31, 2009)
Eraño Manalo on the face of Philippine postage stamp first issued on April 23, 2010. |
1939 – Regalado E. Maambong, legislator and jurist.
1967 – Tia Carrere (real name Althea Rae Duhinio
Janairo), Filipino-American actress, model and singer – in Honululu, hawaii.
Tia Carrere on the cover of Playboy (January 2003) |
1970 – Ogie Diaz (full name Roger Diaz Pandaan), news
reporter, entertainment writer, and actor-comedian – in Quezon City.
1987 – Jocelyn Oxlade (full name Jocelyn Rose Matias
Oxlade), British-Filipino singer-songwriter and model – in Brighton, East
Sussex, England.
1989 – Benedict Campos, actor and model – in Makati City.
1989 – Benedict Campos, actor and model – in Makati City.
1992 – Alden Richards (full name Richard Reyes Faulkerson),
actor, TV host, model and singer – in Santa Rosa, Laguna.
Si Malakas at Si Maganda
Illustration of “Malakas at Maganda” and the Tigmamanukin bird by Nestor Redondo |
Ayon sa alamat ng mga Tagalog, isang kulay bughaw na ibong may tila mata ng tao sa dulo ng balahibo ng buntot nito, at tinatawag na Tigmamanukin (tinatawag ding Agmanaul, Saksakul-ap o I-iyutan) ang dumapo sa isang malaking puno ng kawayan matapos ang maraming araw ng paglipad. Gutom na gutom at lubhang pagod ang ibon. Nang makakita ng isang tuko na nagtago sa loob ng kawayan, tinangka niyang hulihin ito. Tinuka-tuka ng ibon ang kawayan, subalit nakatakas ang tuko. Biglang kumulog at kumidlat. Nabiyak ang kawayan at lumitaw ang isang lalaki at babae, na may kayumangging balat at mabikas na pangangatawan. Ayon sa kuwentong-alamat ng paglalang ng mga katutubo sa Pilipinas, sila ang mga unang tao sa lupa. Sa pasimulang alamat, ang itinawag sa lalaki ay Sikalak at ang sa babae ay Sikabay. Ang pangalang Sikalak ay mula sa “Si ka lalaki (o lakan),” at ang Sikabay ay mula sa “Si ka babae (o babaylan).” Ang “ka” ay pahiwatig bilang “katalik,” “kaibigan,” “kapatid” o “kasama.”
Niyaya ni Sikabay si Sikalak na sila ay magtalik, subalit tumanggi ito dahil sa sila ay kambal na magkapatid na isinilang mula sa isang tubo ng kawayan. Kaya sumangguni sila sa himpapawid, sa dagat at sa lambak ng lupa, na magkakatugmang nagpayo sa kanila na dapat silang magtalik upang dumami ang tao sa daigdig.
Sa pagsalin-salin ng paglalahad ng alamat na ito ng mga katutubo, naging si Malakas at si Maganda ang kanilang pangalan, na ibinatay sa kanilang katangian.
o O o
Northern Luzon Slender-Tailed Cloud Rat on the cover of People & Nature (January-March 1996) |
Picture Trivia
Cloud rats are nocturnal mammals that
are among the most attractive rodents in the world. All of the six species that
have been identified so far can only be found in the Philippines. They are all
classified as either “Endangered” or “Threatened” to extinction. The Northern
Luzon slender-tailed cloud rat (scientifically known as Phloeomys Pallidus) are endemic in some areas of Cagayan, Ifugao,
Isabela, Mountain Province, Nueva Ecija and Nueva Vizcaya. It is known locally
as bao nga buut o dagang buut. It is classified as “Nearly
threatened.”
o O
o
I like the book review. : )
ReplyDelete