Friday, January 6, 2012

January 6



January 6
Liwayway, Enero 6, 1969
Tampok sa harapang pabalat si Amalia Fuentes,
at sa likurang pabalat si Gina Pareño (para sa Esso Gaas Kerosene print ad)
 
Enero 6 sa Kasaysayan ng Pilipinas

          Ang El Eco de Vigan, ang unang pahayagang inilimbag sa labas ng Manila, ay lumabas sa sirkulasyon noong Enero 6, 1884.
                                                          o     O     o

          Ang Nilad Lodge, na tinatawag ding “Logia Central y Delegada,” ang kauna-unahang Masonic lodge sa Pilipinas ay itinatag noong Enero 6, 1892, sa ilalim ng pamumuno nina Pedro Serrano Laktaw, Moises Salvador at Jose Ramos.
                                                          o     O     o

          Noong Enero 6, 1989, naganap ang tinaguriang “Zamboanga Massacre.” Binihag ng Muslim dissident na si Rizal Alih si General Eduardo Batalla at iba pang mga hostages. Ito ay naging dahilan ng isang madugong paglalaban. Sinasabing gumamit ang militar at mga pulis ng malabis na puwersa o overkill na naging dahilan ng pagkasawi ng maraming tao kabilang na si General Batalla at ang kaniyang aide na si Colonel Romeo Abendan. Nakatakas si Alih sa nasabing encounter.
                                                          o     O     o
          Si Romi Garduche ay naging kauna-unahang Filipino na nakaakyat sa ituktok ng pitong pinakamataas na bundok sa pitong sangkalupaan (Seven summits of the seven continents) noong Enero 6, 2012, nang marating niya ang tuktok ng Vinson Massif, ang pinakamataas na bundok sa Antarctica.
          Ang iba pang mga bundok na naakyat ni Garduche, ayon sa pagkakasunud-sunod:
          Mount Kilimanjaro, Tanzania (pinakamataas sa Africa), September 2000.
          Mount Aconcagua, Argentina (pinakmataas sa South America), January, 2005.
          Mount Everest, Nepal-Tibet (pinakamataas sa Asia at sa buong daigdig), May 19, 2006.
          Mount Elbrus, Russia (pinakamataas sa Europe), August 25, 2007.
          Mount Denali, Alaska (pinakamataas sa North America), June 6, 2008.
          Mount Kosciuszko (pinakamataas sa Australia), January 2009.
                                                          o     O     o

 
Ang Totoo Tungkol sa Tatlong Hari

          Alam niyo ba na wala namang nabanggit sa Bibliya tungkol sa sinasabing “Tatlong Hari” o “Three Kings?” Sa Ebangelyo Ayon Kay Mateo (Gospel According to Matthew), sinasabing nang ipanganak ang Panginoong Jesus, “ang mga pantas na lalaki (wise men) ay nagsidating sa Jerusalem mula sa silanganan.....” (Matthew 2:1). Hindi sinabing sila ay mga hari; hindi rin binanggit kung ilan sila. Ang nabanggit ay “inihandog nila sa Kaniya (sa Panginoong Jesus) ang mga alay na ginto at kamangyan at mira.” (Matthew 2:11). Sa tatlong alay na ito nagmula ang pagsapantaha na tatlo sila. Iniuugnay rin ito sa mga hula (prophecies) sa Lumang Tipan (Old Testaments) tungkol sa Panginoong Jesus katulad ng mababasa sa mga Aklat ng Mga Awit (Book of Psalms): “Ang mga hari sa Tharsis, at sa mga pulo... ang mga hari sa Sheba at Seba ay mangaghahandog ng mga kaloob. Oo, lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap Niya.....” (Psalms 72:10-11), subalit ang tinutukoy rito ay hindi “tatlong hari” kundi sa pangkalahatan.
                                                          o     O     o

Isang ilustrasyon ng sinasabing “Tatlong Hari”
na iginuhit ni Francisco V. Coching
tampok sa taklob-pahina ng
Tagalog Klasiks (Enero 12, 1963)
          Hindi rin tamang tawagin silang “Tatlong Mago” (Three Magi). Sapagkat ang magi (singular – magus) ayon sa Bibliya ay mga manggagaway (sorcerers). Ilan sa mga halimbawang ibinigay ng Bibliya ay sina Simon Magus (Acts 8:9-24) at Elymas (na tinawag ding Bar-Jesus, Acts 13:6-11). Sa kasaysayan, ang tradisyon ng mga magi ay mula sa paganong relihiyong Zoroastrianism.
                                o     O     o

          Ang mga pangalang Melchor, Gaspar at Balthasar, na iniuugnay rin sa “Tatlong Hari,” ay mga kathang-isip lamang ng mga manunulat at hindi rin matatagpuan sa Bibliya.
                                o     O     o









 

Pinoy personalities and celebrities born on January 6:
1812 – Melchora Aquino, considered as the “Mother of the Philippine Revolution” and known as “Tandang Sora” – in Caloocan. (d. March 2, 1919)
1936 – Nida Blanca (real name Dorothy Acueza Jones), multi-award-winning actress – in Gapan, Nueva Ecija. (d. November 7, 2001).
Nida Blanca
on the cover of Kislap Graphic (August 1, 1956).
 
1948 – Marissa Delgado (real name Epifania Adoracion Boyle), actress and model – in Manila.
1951 – Val Iglesia (full name Baltazar Iglesia), actor – in Manila.
1966 – Sharon Gamboa Cuneta, singer and actress – in Pasay City.

Sharon Cuneta
on the cover of Celebrity World (May 8, 1995)
 

Marissa Delgado,
one of “The Girls of the Orient”
(Inside Playboy, December 1968).
Picture Trivia
          Award-winning actress Marissa Delgado (real name Epifania Adoracion Boyle) was the first Filipina featured nude inside the pages of Playboy. This was in the December 1968 Playboy USA issue that featured “The Girls of the Orient.”
Playboy USA (December 1968)
with Cynthia Myers on the cover.

                             o     O     o






No comments:

Post a Comment