Monday, April 30, 2012

April 30



April issues of different magazines


April 30
Life Magazine April 30, 1965
On the Cover: An 18-week old fetus in the womb photographed using an endoscope with an electronic flash by Swedish scientist and photojournalist Lennart Nilsson.

MUKHA NG NAKARAAN
Caricatures of the people involved in the Watergate Scandal as illustrated by Jack Davis on the cover of Time Magazine April 30, 1973 issue (Notice the roundabout in the finger-pointing). The men surrounding President Nixon are (clockwise from upper left): James McCord, Jeb Magruder, H. R. Haldeman, John Dean, John Mitchell, and former Secretary of Commerce Maurice Stans. Ultimately, all were convicted of wrongdoing.

Events that happened on April 30:
1603 – Second great fire engulfed Manila. The first happened 20 years earlier on March 19, 1583.
1901 – The so-called “Republic of Negros” was abolished making it a regular province.
1937 – A national plebiscite on women’s right to suffrage was held, the results of which gives women the right to vote and hold public office.




Personalities and celebrities born on April 30:
1865 – Patrocinio Gamboa, Ilonggo revolutionary worker – in Jaro, Iloilo (d. November 24, 1953).
Levi Celerio, musician-composer extraordinaire,
from Miscellaneous Magazine Vol. VIII No. 174,
October 27, 1987, p. 32.





1910 – Levi Celerio, composer, lyricist and National Artist for Music and Literature (1997), in Tondo, Manila (April 2, 2002).



















Drew Barrymore gracing the cover of
Biography Magazine April 1998 issue.

Larawang Tribiya
          Alam niyo ba na ang sikat na Hollywood actress na si Drew Barrymore ay lumabas sa mga cameo roles? Noong 1995, sa pelikulang Batman Forever (1995), nagkaroon ng cameo appearance si Barrymore bilang isa sa mga babae ng kontrabidang si Two-Face na nagngangalang Sugar, at nang sumunod na taon, lumabas din siya sa isang lead cameo sa pelikulang horror na Scream (1996).
          Kadalasang namang mga pelikulang may temang romantic comedy ang kaniyang pinagbibidahan, katulad ng Wishful Thinking (1996), Best Men (1997), The Wedding Singer (1998), Home Fries (1998), at Ever After: A Cinderella Story (1998). Noong 1998, lumabas din siya bilang si Ariadne sa isang episode (“Hercules and the Minotaur”) ng TV series na Hercules.
                                      o     O     o





Sunday, April 29, 2012

April 29


April issues of different magazines

April 29
April 29 (1994): MOD Magazine Vol. XXVI No.1182
On the Cover: Mary Grace Tagle


Events that happened on April 29
1901 – General Manuel Tinio, leader of the Filipino forces in the Ilocos Regions, surrendered to the Americans.
1912 – The highest recorded temperature in the Philippines – 42.2 °C – was recorded in Tuguegarao, Cagayan.
1980 – The Lungsod ng Kabataan, a modern children’s complex complete with hospitals, sports and recreational facilities was inaugurated by First Lady Imelda Romualdes Marcos. Under the administration of Cory Aquino, it was renamed Children’s Medical City.

Personalities and celebrities born on April 29:
1872 – Jose Ignacio Paua, pure-blooded Chinese arms expert and general of the Katipunan who fought against the Spaniards in the Philippine Revolution and in the Philippine-American War – in Lao-na, Fujian, China (d. May 24, 1926).




WIKApedia
TIKTIK – Bilang isang pangngalan, tumutukoy ang salitang ito sa isang taong nagmamanman na ang maaaring katumbas sa salitang English ay detective, spy o secret agent. Bilang pandiwa, ginagamit ang salita upang tukuyin ang gawang pagmamanman o pag-iispiya. Ang ibong “tiktik” ay nabigyan ng ganitong katawagan dahil sa huning naririnig dito tuwing lumilitaw ito sa gabi. Sa sinaunang mga kuwento, sinasabing ang mga asuwang o lamang-lupa ay nag-aanyong “tiktik” upang magmanman sa isang sangbahayan kung mayroon sila roong mabibiktimang buntis o nagdadalang-tao. Mula rito naging kasabihan na kapag mayroong naririnig na tiktik kung gabi ay mayroong nagmamanman o “naniniktik.”
May kaugnayan din ang salitang “tiktik” sa paggalaw ng orasan. Ito rin kasi ang karaniwang tunog ng mga unang kinukuwerdasang orasan. Sa pagmamanman o paghihintay ng mga susunod na mangyayari, lumilipas ang oras, at sa isang tahimik na kapaligiran, tanging ito lamang ang maririnig na walang pagbabago.
Ang pangmasang babasahing Tiktik, Taon 13,
Blg. 31, Abril 29, 1960, tampok sa pabalat ang
kuwentong “Ninong.”
Sa larangan ng pangmasang panitikan, unang lumabas ang babasahing may pamagat na Tiktik noong Marso 6, 1948. Tinagurian itong “Magasin ng mga Krimen at Kasaysayan ng Paniniktik” at naglalaman ang mga pahina nito ng mga kuwento at ilustrasyon na halaw sa tunay na pangyayari at walang pasubaling naglalarawan ng mga kahindikhindik na krimeng karamiha’y may temang seksuwal. Nagkaroon pa ito ng subtitle na “Tagapagtanggol ng mga Mahal Ninyo sa Buhay.” Subalit nang lumaon, lalong umigting ang tema nitong seksuwal. Naging garapal na at lubhang malaswa ang mga guhit at kuwento na kahalintulad ng mga nababasa sa The Pearl na lumabas noong panahon ng Victorian Era sa England. Mga kuwentong patungkol sa pangangalunya, pakikiapid, fornication, incest, pedophilia at ibang pang uri ng erotika. Pansamantalang natigil ito ng ideklara ang Martial Law.
Muling lumitaw ito sa sirkulasyon bagama’t patago noong early 1980s. Inilimbag ito ng Sagalongos Publications at nilagyan ng subtitle na “Palayain ang Sining at Panitikang Pilipino.”
                             o     O     o



Star Wars character Yoda, for Episode II:
Attack of the Clones, on the cover of Time
Magazine April 29, 2002 issue.

Larawang Tribiya
          Isa sa mga kinagigiliwang character sa Star Wars series ay si Yoda. Noong 2008, ibinilang si Yoda ng Empire Magazine bilang “25th Greatest Movie Character of All Time.” Unang nakita si Yoda sa Star Wars Episode V: The Empire Strikes Back (1980) kung saan siya ang Jedi master na nagsanay kay Luke Skywalker. Sumunod ay sa Star Wars Episode VI: Return of the Jedi (1983) kung saan siya ay namayapa sa edad na 900 taon.
          Sa tatlong prequel ng Star Wars, si Yoda ang Grand Master ng Jedi Council. Dito isiniwalat na mula siya sa lahi ng mga Lannik na ang telekinetic ability ay mayroong midi-chlorian count na 4,000,000.
          Noong 1999 pinabata ang hitsura ni Yoda para sa unang pelikula sa prequel na Star Wars Episode I: The Phantom Menace. Unang ginamitan ng computer animation si Yoda sa Star Wars Episode II: Attack of the Clones (2002). Sa pamamagitan nito, higit na nabigyan ng buhay ang kaniyang mga galaw, maging sa kakaibang pakikipaglaban.
                                      o     O     o





Saturday, April 28, 2012

April 28


April issues of different magazines
 
April 28
April 28 (1994): Celebrity World Magazine Vol. 3 No.142
On the Cover: Morena Carla Cabrera

Events that happened on April 28
1611 – The University of Santo Tomas (UST) was established by the Dominicans initially as a college seminary. After five years it became the Colegio de Santo Tomas de Nuestra Señora del Rosario, and in 1645, it was declared a university by Pope Innocent X (1574-1655).
1888 – Jose Rizal arrived in San Francisco, California, on board the English steamer Belgic. The first thing he noted upon his arrival was the racial prejudice prevalent in the country.
1972 – Portaitist and landscape painter Fernando Amorsolo was declared the first National Artist by President Ferdinand Marcos at the Cultural Center of the Philippines.


MUKHA NG TUWA AT LIGAYA
Si Maricel Soriano at ang kaniyang dalawang anak na lalaki na sina Marron at Sebastien, sa taklob-pahina ng Mr. & Ms. Magazine 22nd Anniversary Issue, April 28, 1998


Personalities and celebrities born on April 28:
1875 – Alejandro Roces Sr, “Father of Philippine Modern Journalism”

Vic Sotto as Latikman (2003)
1954 – Vic Sotto (full name Marvic Castelo Sotto), television show host, actor, comedian and film producer – in Manila.
1972 – Romnick Sarmenta (full name Romeo Nicolas Sarmenta Tejedor), actor – in Quezon City.



Si Aubrey Miles sa taklob-pahina ng
Star Horoscope Blg. 502, Abril 28, 2004.
Larawang Tribiya
          Alam niyo ba na noong ang modelo at aktres na si Aubrey Miles ay nagsisimula pa lamang sa showbiz, sumali siya sa mga beauty contests? Ilan dito ay ang Miss Ever Gotesco, Miss Caloocan, Miss Lions Club at Miss Global Philippines, bagama’t mga runner-ups position lamang ang kaniyang napagwagian. Bukod dito, nakasali na rin siya sa mga reality shows kabilang ang Amazing Race Asia 1 kasama ang kaniyang matalik na kaibigang si Jacqueline Yu kung saan pumangsiyam sila. Sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown, umabot si Miles sa “Final Four.”
                                      o     O     o





Friday, April 27, 2012

April 27


April issues of different magazines
 
April 27
Time Magazine Vol. 117 No. 17, April 27, 1981
On the Cover: The Space Shuttle Columbia (“Right On! Winging into a New Era!”)

Events that happened on April 27
1521 – The Battle of Mactan, where the native Filipinos led by Lapu-Lapu (1491-1547) drove away the Spanish invaders led by Ferdinand Magellan (1480-1521). Lapu-Lapu’s men speared to death the retreating Magellan off the shore of Mactan Island.
1565 – Miguel Lopez de Legaspi’s expedition from Mexico arrived in Cebu.
1972 – The National Artist Award was created by President Ferdinand Marcos through Presidential Proclamation No. 1001. The award was created to honor Filipino artists in different fields.
1973 – The Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP), an association of owners and managers of more than 300 radio and television stations in the Philippines, was organized to improve the quality of broadcasting and set a standard for responsible and wholesome programs.


Personalities and celebrities born on April 27:
1887 – Toribio Teodoro, entreprenuer and founder of the “Ang Tibay” shoe factory – in Matang Tubig (now Grace Park) Caloocan City (d. August 30, 1965).
1930 – Pepe Pimentel (full name Jose Gonzales Pimentel), actor, singer and television show host – in Manila. 
1980 – Shalani Soledad (full name Shalani Carla San Ramon Soledad), city councilor and television host – in Higmotoc Island, Catanduanes. 

On the left, Shalani Soledad at nine years old, courtesy of Yes Magazine January 2011 issue, p. 64.
On the right, Councilor Shalani Soledad on the cover of Candy Magazine May 2011 issue.

1990 – Jackie Rice (full name Jacqueline Sobreo Rice), American-Filipino actress and model – in Dinalupihan, Bataan.
Jackie Rice on the covers of Maxim Philippines July2009 issue, Speed December 2009 issue
and FHM Philippines July2012 issue.


Ang actress-model na si Liv Tyler, tampok sa
taklob-pahina ng Interview Magazine April 1999
issue kung saan siya ay kinapanayam ng actress
na si Drew Barrymore.
 Larawang Tribiya
          Ang Hollywood actress at model na si Liv Tyler ay kilalang anak ng lead singer ng Aerosmith at American Idol host na si Steven Tyler sa model, singer at dating Playboy Playmate (Miss November 1974) na si Bebe Buell. Subalit alam niyo bang sa simula ay inilihim ito ng kaniyang ina?
          Nang ipanganak si Liv Tyler noong July 1, 1977, sinabi ng kaniyang ina na ang rock star na si Todd Rundgren ang ama ng bata. Kaya Liv Rundgren ang nakatalang pangalan sa birth certificate niya. Ito ay ginawa umano ni Buell upang ilayo si Liv sa tunay niyang ama na noo’y isang talamak na drug addict. Subalit noong walong taong gulang si Liv, napansin ni Steven Tyler ang malapit na pagkakahawig ng mukha ng bata sa kaniyang anak sa modelong si Cyrinda Foxe na si Mia. Nabunyag na si Steven Tyler ang ama ni Liv noong 1991 nang hilingin niyang palitan ang kaniyang apelyido.
          Kilala si Liv Tyler sa pagganap bilang Lucy Harmon, isang inosenteng teenager na nagtungo sa Italy na desididong mapigtal na ang kaniyang pagkabirhen (sa pelikulang Stealing Beauty, 1996); bilang ang elf maiden na si Arwen Undomiel (Lord of the Rings trilogy, 2001-2003); at bilang Dr. Betty Ross, ang babaeng iniibig ni Bruce Banner a.k.a. The Incredible Hulk (2008).
          Sa pelikulang Armageddon (1998) kung saan gumanap siya bilang anak ni Bruce Willis at kasintahan ni Ben Affleck, ang Aerosmith ang umawit ng mga kanta sa nasabing pelikula, kabilang ang “I Don't Want to Miss a Thing” at “What Kind of Love Are You On.”
                                                            o     O     o








Thursday, April 26, 2012

April 26


April issues of different magazines
 
April 26
April 26 (1991): MOD Filipina Magazine Vol. XXIII No. 1025
On the Cover: Sarah-Ingrid Aurelia Reyes Brodett

Events that happened on April 26:
1897 – General Emilio Aguinaldo ordered the arrest of Andres Bonifacio for treason.
2011 – The Department of Justice filed a case of plunder against former president and current Pampanga Second District representative Gloria Macapagal-Arroyo.
Two issues of People’s Balita (April 27 and 28, 2011) having as headline the plunder case against Gloria Macapagal-Arroyo.

Personalities and celebrities born on April 26:
1958 – Jamby Madrigal (full name Maria Ana Ligaya Esperanza Consuelo Abad Santos Madrigal), politician and senator – in Manila.



Illustration of the Mononykus (at first wrongly
called “Mononychus”) on the cover of Time
Magazine April 26 1993 issue.

Larawang Tribiya
          Alam niyo ba na may isang hayop na nabuhay noong Cretaceous Period na hanggang ngayon ay hindi pa magkasundo ang mga siyentista kung ito ay dinosaur o ibon? Ito ay ang Mononykus.
          Ang Mononykus ay halos isang metro lamang ang haba, lumalakad sa dalawang patpating binti, at may malalaking mata. Mula ang pangalang ito sa salitang Griyego na ang ibig sabihin sa English as "one claw." Ito ay unang binansagang Mononychus (ang pagkabaybay ay "ch" sa halip na "k") noong 1993 (sipatin ang kalakip na larawan). Subalit agad ding binago ang pangalang ibinigay dito sapagkat mayroon ng hayop na may pangalang Mononychus, isang uri ng beetle na pinanganlan ng German entomologist na si Johann Schueppel.
                             o     O     o


Wednesday, April 25, 2012

April 25


Mga komiks (comics) na lumabas sa sirkulasyon sa buwan ng Abril

April 25
April 25 (1953): Pilipino Komiks Blg. 154
On the Cover: Nasa taklob-pahina ang ilustrasyon ng nobela ni Clodualdo del Mundo na Hercules


Events that happened on April 25:
1898 – The United States formally declared war against Spain. This happened as Emilio Aguinaldo’s forces are winning their battles against the Spaniards in the Philippine Revolution.


Personalities and celebrities born on April 25:
1935 – Aniano Aguilar Desierto, lawyer and politician – in Cebu City.
1950 – Apollo Carreon Quiboloy, founder and leader of the Restorationist Christian church – in Tamayong, Calinan, Davao City.



A portrait of Jane Wyman on the cover of
Look Magazine April 25, 1939 issue.

Larawang Tribiya
          Ang tunay na pangalan ng American actress, dancer at singer na si Jane Wyman ay Sarah Jane Mayfield (1917-2007). Sumikat siya noong 1930s at naging matagumpay sa larangan ng pinilakang-tabing sa loob ng dalawang dekada.
          Noong 1939, lumabas siya sa apat na pelikula: Kid Nightingale, Private Detective, Tail Spin Alabama, The Kid from Kokomo at Torchy Blane. Noon namang 1948, nagwagi siya ng Academy Award bilang Best Actress sa pelikulang Johnny Belinda. Nakilala rin siya noong Dekada 1980 sa kaniyang pagganap bilang Angela Channing sa television series na Falcon Crest (1981-1990).
          Alam niyo ba na si Wyman ang unang naging asawa ng artistang naging pangulo ng America na si Ronald Reagan? Ikinasal sila noong 1940, subalit nagdiborsiyo sila noong 1949, bago pa pumasok sa politika si Reagan.
                             o     O     o





Tuesday, April 24, 2012

April 24


April issues of different magazines
 
April 24
April 24 (1992): Gintong Mariposa Magazine Taon 1 Blg. 13
On the Cover: Joey Marquez, Alma Moreno and their children

Events that happened on April 24:
1982 – First Cecil Awards (named after World War II mystery singer Cecil Lloud) night at the Cultural Center of the Philippines. The Cecil Awards are given to persons and institution who have contributed to the development of Philippine music.
2012 – The Supreme decided with finality that there should be total land distribution to the tenant farmers of Hacienda Luisita.



Personalities and celebrities born on April 24:
1893 – Marcos Tubangui, noted parasitologist, teacher and researcher – in Porac, Pampanga (d. October 26, 1949)


Ang “Lapu-Lapu ni Francisco V. Coching
Ang ilustrasyon ni Francisco V. Coching sa
unang bayaning Filipino na si Lapu-Lapu
sa taklob-pahina ng Pilipino Komiks Blg. 180,
Abril 24, 1954.
          Si Lapu-Lapu ay kinikilalang kauna-unahang bayaning Filipino, na ang kasaysayan at kabayanihan ay binigyang buhay sa komiks ng mahusay na pagsasaliksik at pagsasalarawan ni Francisco V. Coching (1919-1998). Nagsimula itong lumabas sa Pilipino Komiks noong Nobyembre 7, 1953, at umabot ito hanggang 25 kabanata.
          Ang nobelang ito ay muling binuhay at inilimbag ng Atlas Publication bilang isang graphic book noong 2009 bilang pagkilala sa galing ni Coching kapuwa bilang isang nobelista at ilustrador, at ang ang taklob-pahina ng Pilipino Komiks Blg. 180, na may petsang Abril 24, 1954 (sipatin ang kalakip na larawan) ang siya ring ginamit na taklob-pahina ng graphic book.
                             o     O     o










Solenn Heussaff (“The Men’s Health Woman”)
gracing the cover of Men’s Health Magazine
April 2011 issue.

Larawang Tribiya
          Sumikat si Solenn Heussaff sa kaniyang pagsali sa Survivor Philippines at bilang isang napakaseksing modelo at aktres. Subalit alam niyo ba na si Solenn Heussaff ay nagtapos sa European International School of Manila na tinatawag na Eurocampus? Bukod dito, siya ay nag-aral din ng fashion design ng tatlong taon sa Studio Bergot sa Paris France. Kumuha rin siya ng anim na buwang kurso sa basic beauty/fashion make-up, body painting at prosthetics sa Ecole Fleurimont sa Paris, na nagpatuloy sa Make Up Forever Academy.
                             o     O     o









Monday, April 23, 2012

April 23


April issues of different magazines

April 23
Prime Editions Magazine  Vol. II No. 13, April 23-29, 1987
On the Cover: Shirley Sanchez Velasquez


MUKHA NG NAKARAAN
Isang pag-alala sa tatlong namayapang mga bituin ng pinilakang-tabing. Sa taklob-pahina ng issue ng Orig Showbiz Magazine na may petsang April 23, 1983 (sipatin ang kalakip na larawan) makikita si Fernando Poe Jr (na namayapa noong December 14, 2004), Julie Vega (May 6, 1985) at Claudia Zobel (February 10, 1984).

 
Events that happened on April 23:
1815 – A Spanish royal decree opened the ports of California, Mexico and Peru to the Manila trade, thus ending the monopoly of the Galleon Trade.
1899 – The Battle of Quingua (now Plaridel, Bulacan) where Filipino revolutionary forces led by General Gregorio H. del Pilar defeated the American forces led by J. Franklin Bell.
1905 – The first chapter of the Knights of Columbus in the Philippines was organized by American soldiers led by Richard Campbell. The first Filipinos to become members of the group were Antonio M. Opisso and Anastacio Quijano.



Personalities and celebrities born on April 23:
1850 – Jorge Barlin, first Filipino Catholic bishop (d. September 4, 1909).
1889 – Gerardo Chanco, Tagalog writer and translator (d. October 29, 1922).
1985 – Angel Locsin (real name Angelica Colmenares), film and television actress, commercial model and fashion designer, in Sta. Maria, Bulacan.
Angel Locsin, the favorite cover girl of most magazines in the Philippines, on the covers of (from left to right) Rogue (December 2008), FHM Philippines (October 2003), Mega (April 2008), MOD (August 12, 2005), Maxim Philippines (May 2008), MOD Girl (December 30, 2005), and Speed (August 2011)






Husband and wife Aga Muhlach and Charlene Gonzales
on the cover of Mr. & Ms. Magazine 26th Anniversary
Special (Vol. XXV No. 51, April 23, 2002)
Larawang Tribiya
           Sina Aga Muhlach (buong pangalan Ariel Aquino Muhlach) at Charlene Gonzales (buong pangalan Charlene Mae Gonzales Bonnin) ay nagpakasal noong May 24, 2001. At noong 2002, nagsilang si Charlene ng kambal, sina Andres at Atasha Bonnin Muhlach.
                             o     O     o








Sunday, April 22, 2012

April 22


April issues of different magazines
 
April 22
April 22 (2005): MOD Magazine Vol. XXXVII No. 1748
On the Cover: Angel Locsin (a day before her 20th birthday)

Events that happened on April 22:
1822 – The Paco Cemetery originally located in San Marcelino Street in Paco, Manila, was completed under the administration of Don Jose Coll. The cadaver of Dr. Jose Rizal was first buried in an unmarked grave in this cemetary before it was transferred to Rizal Park.
1898 – American consul-general E. Spencer Pratt urged General Emilio Aguinaldo to resume the revolution against Spain.




EARTH DAY
Earth Day (April 22, 2004) in a collage
(cover design by Jennifer Jariego), on
the cover Philippine Panorama Vol. 33,
No. 15, April 18, 2004
          Ang Earth Day ay isang araw sa bawat taon kung saan ang buong daigdig ay sama-sama at nagkakaisa sa pagpapalaganap ng kamalayan hinggil sa pangangalaga ng Inang Kalikasan.
          Alam niyo ba na ang kauna-unahang ginanap na Earth Day – April 22, 1970 – ay siya ring ika-100 anibersaryo ng kapanganakan ni Vladimir Lenin, ang “Ama ng Communist Russia?” Kaya nga marami ang nagtaas ng kilay at naghinala na mayroong subersibong elemento ang pagdiriwang na ito. Subalit ayon kay United States Senator Gaylord Nelson, napili niya ang araw na ito para ganapin ang “teach-in” o pagtuturo ng kamalayan sa kapaligiran dahil sa buong linggong sumasakop sa araw na ito ay maluwag na makadadalo ang mga mag-aaral upang makinig sa mga talakayan.
                                      o     O     o






Personalities and celebrities born on April 22:
Regine Velasquez, on her 26th birthday, on the cover
of Celebrity World Magazine April 22, 1996 issue.
1970 – Regine Velasquez (real name Regina Encarnacion Ansong Velasquez), singer, actress, television host and record producer – in Tondo, Manila.

















Larawang Tribiya
Minister of Food Jesus Tanchanco on the cover of
Weekend Magazine April 22, 1984 issue.
          Si Jesus T. Tanchanco, ang Minister of Food at punong-tangapangasiwa ng National Food Authority (NFA) nang panahon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos. Sa kaniyang pamamahala, matagumpay na naipatutupad ang price control ng mga pangunahing bilihin katulad ng bigay, harina, asukal, atbp. Napanatili ring sapat ang produksyon ng staple food na bigas at mais ng bansa na hindi na kailangang mag-angkat bagkus ang Pilipinas pa ang nagbibili ng bigas at mais sa mga kalapit-bansa nito.
                             o     O     o